CHAPTER #5:DAHIL SA BOSES

36 2 0
                                    

PAGHINGA ng malalim ang nilikha ni Charmie. Sa puntong iyon ay mabilis siyang nakapag-isip ng isang magandang plano kung paano mapapaamo si Dean.

"Sige, kainin mo ako" sabi niya na seryoso. Ikinagulat pa nga iyon ni Irona.

Magsasalita sana si Irina pero sumenyas lamang siya.

'Naloloka na ba siya?'

Iuan na lang ang sambit nito sa isip.

Samantala, dahil nga sa gutom pa si Dean ay sinunggaban kaagad siya nito ng marahas sa leeg. Kaagad naman siyang napaakap dito. Hindi mo siya kakakitaan ng takot o pagkabahala.

"Sige lang" sabi niya na tila okay pa ang nangyayari.

"Gagi..."

Iyan na lang ang nasabi ni Irina dahil hindi ito makapaniwala sa kaniyang ginawa.

"Hayaan mo lang siya" sambit niya.

"Gagi ka! Wag kang mamamatay, sabay pa tayong yayaman, sabay pa tayong ikakasal, sabay pa tayong manganganak---"

Natigilan si Irina sa pagsasalita nang hampasin niya ito ng mahina...

"Napaka-O.A mo! Manood ka kasi" sabi niya at hinaplos pa nga sa buhok ang aswang.

'Jusko kang babaita ka!'

"Hey! Alam ko na nanimiwala kang mababait ang mga aswang at naniniwwla din ako doon. Pero wag naman sanang dumating sa ganotong punto" sabi naman ni Irina. Inis naman siyang tumingin dito. Kulang na lang ay makukutusan na niya ito.

"Manahimik ka na nga" sabi niya havang si Dean ay parahas ng parahas at kaunti na lang, maaari na nitong gawin ang pinakamadugo at brutal na pagpatay ng isang aswang.

Huminga naman si Charmie ng malalim at ibinuka ang bibig...

" Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin
Ay ikaw lang talaga.
Puso'y 'wag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay,
Mahal ka sa akin "

Mayamaya ay napapalakpak na lang si Irina. Sadya naman kasing magaling kumanta si Charmie.

"Naks! Ang galing naman! Kanta muna bago mamatay?" Sabi nito.

Pero mayamaya ay bumitaw si Dean sa kaniya at tumingin...

"Ano? Hindi mo na ako kakainin?" Tanong niya "Nagbago ba isip mo?" Tanong pa niya.

Nag-ayos naman ito ng sarili sabay ngumiti kaya halata ang pangil nito...

"Sa boses mo pa lang kasi, busog na ako. Salamat sa dugo at pagkanta, Binibini"

• ENR OF CHAPTER #5 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now