CHAPTER #40:BUNTIS SA JEEPNEY

11 1 0
                                    

KINAUMAGAHAN ay tahimik lamang ang lahat. Sabado noon ay rest day nila pare-parehas kaya magkakasama sila sa bahay sa loob ng maghapon.

"A-Ate, p-pasensiya na po kagabi"  sabi ni Dean na siya nang bumasag sa kanilang katahimikan nang sumagi sa kaniyang isipan ang nangyari kagabi.

"Okay lang. Sa susunod ay limitahan mo na, huh?" Sabi naman ng babae kaya mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng pagkahiya.

"Naku! Pasensiya na po talaga" nasabi niya na lang.

"Okay nga lang" sabi naman ni Melanie.

"Ngapala guys, wala tayong pasok ngayon. Ano? Gala tayo?" Bigla ay pagyayaya naman ni Laurell.

"Sige ba! Punta tayo sa Luneta Park at nang sa ganoon ay makasagap naman tayo ng maayos na hangin lalo na iting si Mahal" sabi naman ni Charmie at hinagod pa ang likod ni Dean.

"Mahal, mas okay na dito na lang sa bahay. Ang mahalaga, kasama kita" sabi naman ni Dean.

"Naku! May punto ka naman diyan, Mahal. Pero paminsan-minsan, kaulangan din nating maggala lalo ka na. Kailangan din na maiba naman ang paligid mo, yung nakikita mo" sabi naman ni Charmie.

"E yung makita nga lang kita ay sapat na" sabi niya at napangiti pa sa kaniyang kabiyak.

"Ikaw talaga. Basta gagala tayo, ipapasiyal ka nanin" sabi nito.

"Hmmm... Okay po" sabi niya at hunalikan pa ito sa noo.

Matapos mag-almusal ay agad-agad na silang gumayak para makaalis na din.

"Guys, what if mag-mall na lang tayo" sabi ni Melanie habang karga si Baby Snowy na noon ay nakabihis na din.

"Oo nga! Para malamig" sabi namab ni Irina "Tapos Jollibee tayo para naman makatikim ka din ng Jollibee, Dean" sabi pa nito.

"Sus! Nakatikim na ako nyan noong tao ako" sabi naman ni Dean

"Ikaw talaga, puro ka Jollibee" sabi jaman ni Irina.

"MilkTea naman ipatikim natin para maiba" sabi nanan ni Laurell

"Oo nga. O siya, tara na" sabi naman ni Melanie.

Nang ayos na ang lahat ay umalis na sila ng bahay. Nag-abang sila ng masasakyan at agad naman silang nakasakay ng jeep. Eksaktong punuan pa yung jeep kaya ang ending, sina Melanie at Cjarmie sa harap tapos sina Laurell, Irina at Dean naman ang masa likod. At dahil umaga naman noon, okay anv lahat.

Mayamaya lang ay isang babaing buntis ang biglang sumakay at naupo pa ito sa mismo pang tabi ni Dean.

"Manong, bayad!" Sabi ng babae at napabaling pa sa kaniya "Kuya, pakiabot naman oh" sabi pa nito. Iniabot naman iyon sabay tumango.

"Manong, bayad daw!" Sabi niya sabay abot ng bayad.

Matapos nyon ay payapa na ang lahat, maayos. Si Dean naman ay patingin-tingin lang sa paligid. Mayamaya ay napatjngin na namab siya sa bahaing buntis na katabi niya.

'Langya! Ang bango! Nakakagutom, ah!'

Iyan na lang ang naisaad niya sa kaniyang isipan.

* END OF CHAPTER #40 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now