CHAPTER #41:MAPAPASAAKIN KA DIN

9 0 0
                                    

NAKARAMDAM nga ng gutom si Dean dahil sa mabangong samyo ng buntis sa tabi niya. Tila ba amoy ito ng isang bayabas na bagong sibol lamang. Napamura pa siya nang tila hampasin na naman ng pagkalam ang kaniyang tiyan. Masakit iyon sa pakiramdam.

"Langya! Dito pa" bulong niya sa kaniyang sarili.

At noon ay wala sa sariling napaharap siya sa babaing buntis na walang kamalay-malay sa posibleng mangyari. Nagsimulang numipis ang dila niya at nagsimulang lumabas.

Samantala, sa harap naman ng jeepney ay biglang nakadama ng kaba si Charmie. Tila ba may pakiramdan siya na may nangyayari sa likod.

"Ate, okay lang kaya sila doon lalo na si Dean?" Tanong niya kay Melanie na katabi niya.

"Okay lang sila. Huwag kang kabahan" sabi naman ni Melanie. Malayo kasi ang mall na pupuntahan nila. Bale sasakay pa sila ng LRT bago marating iyon.

Samantala...

Namalayan na lang ni Dean amg sarili na naghahanap na ng butas sa tiyan ng babaing buntis. Sa labas pa lang ay nalalasahan na niya ang masarap at nakakatakam na lasa nyon.

"Manong, para!" Sabi ng isang lalaking katabi niya na hindi man lang nakapansin sa kaniyang ginagaea. Bumaba na ito at tila nagmamadali.

"Mamong! Wait lang po at lilipat ako" sabi naman ni Charmie at padali-dali siyang bumaba para lumipat sa tabi ni Dean.

Nang nandoon na siya ay nagulangamg siya sa nakita na ginagawa nito. Akma kasing maipapasok na kasi nito ang manipis at malasinulid na dila nito sa tiyan ng buntis pero bigla ay hinila ito ni Charmie papalapit sa kaniya. Tinakpan niya ang bibig nito kaya nagbalik sa normal ang dila nito pero hindi ang gutom nito.

"Mahal, nagugutom ka ba?" Pabulong na tanong ni Charmie.

Hindi makaimik si Dean dahil nandoon pa rin ang pagkagutom nito. Kaya wala sa sariling sinunggaban siya nito sa leeg at doon sumipsip. Mabuti at may dala-dalang jacket si Laurell. Tinanggal ito ng dalaga at hinagis sa kaniya.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong niya sa mahinang boses dahil magkatapat lang naman sila mg inuupuan mo.

"Itaklob mo sa kaniya para kunwaru natutulog. Baka may makapansin, eh. Issue pa naman ang mga tao ngayon" sabi naman ni Laurell.

"Sige, salamat" sabi niya at itinaklob nga ang jacket nito para isipin ng kapwa nila pasaherp na natutulog lamang si Dean.

Samantala...

Lingid sa kanilang kaalaman, nakasunod pala sa jeep na ainasakyan nila sina Joshua at Pauline. Tuloy na tuloy na kasi ang talagang plano ni Joshua sa araw na ito. Hindi niya kasi kayang maatim na isang hamak na aswang lamang ang magmamay-ari kay Charmie. Kaya kung kinakailangang agawin niya ito ng biglaan ay kaniyang gagawin.

"Mapaoasaakin ka na, Charmie. Hindi ako makapapayag na ang aswang na iyan ang magmamay-ari sa 'yo. At kung magbunga man 'yan, magiging anak ko na 'yan, not him"

* END OF CHAPTER #41 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now