CHAPTER #9:IYAK NG SANGGOL

23 0 0
                                    

KONTI na nga lang ay maididikit na ni Dean ang bibig sa leeg ng bata. Nang halos isang dangkal na lang ito ay kaagad na sinunggaban na niya iyon. At dahil nga sa malambot lamang iyon ay madali niyang naibaon ang kaniyang pangil at nakasipsip siya ng dugo nito.

Napamura na lang talaga siya sa lasa nyon...

Samantala, dahil hindi naman manhid ang bata at may pakiramdam din ay umiyak ang bata, pahiwatig na nasasaktan ito lalo na't madiin siyang kumagat.

Samantala...

Kakatapos lang maghapunan ng tatlo. Sa sarap ng kanilang kwentuhan ay wala silang kamalay-malay sa nangyayari. Nang maubusan na sila ng pagkukwentuhan ay tumayo si Melanie sabay ngumiti.

"Ako na ang maghuhugas" sabi nito.

"Hala! Hindi na po. Bisita po kayo" sabi naman ni Charmie.

"Okay lang" pagpupumilit naman nito.

At dahil nga sa pagpupumilit ni Melanie na ito na ang maghuhugas ng kanilang pinagkainan ay hinayaan na lamang nila ito. Samantalang sina Charmie at Irina naman ang naglinis ng lamesa.

"Charmie, bagay talaga kayo ni Dean" sabi ni Irina na nangangantiyaw na naman.

"Ikaw talaga. Tumigil ka nga diyan" sabi niya dahil ang totoo nyan, nagpipigil siyang kiligin. Isamg linggo pa lang kasi si Dean sa kanila pero nakakaramdam na siya ng kakaiba, ng higit pa sa pagkakaibigang ngayo'y namamagitan sa kanilang dalawa.

"Ayiiie, kinikilig 'yan pero tinatago" pang-aasar naman ni Irina.

"Hoy! Sisipain na talaga kita" kunwari'y galit na turan ni Charmie.

"Naku! Kayong dalawa, huh? Baka mag-away kayo" sabi naman ni Melanie na abala sa paghuhugas samay lababo.

"Ito kasing si Irina ang nangunguna, eh" sabi naman ni Charmie.

"Ayiiie, Charmie love Dean" natatawa namang saad ni Irina na mas lalo pa siyang inaasar.

"Irina naman, eh!" Sabi niya.

"Ayiiie... DeanCharm..." Sabi naman nito.

"Tumigil ka nga! Isa na lang talaga, ihahagis na kita sa ibang planeta" sabi niya pero sa totoo lang, sasabig na siya sa kilig.

"Oy, kayong dalawa huh? Kanina pa kayo asaran ng asaran diyan" paninita naman ni Melanie na abala pa ring naghuhugas sa lababo.

"Ito kasing si Irina, eh. Itinatambal ako kay Dean e magkaibigan lang kami nu'n" sabi naman ni Charmie.

Magsasalita na sana si Irina para bumanat na naman ng pang-aasar pero mayamaya ay nakarinig sila ng pag-iyak ng bata mula aa kwarto ni Dean, dahilan paea matigilan sila sa pag-aasaran.

* END OF CHAPTER #9 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now