CHAPTER #7:ANG SANGGOL

29 1 0
                                    

MAKALIPAS nga ang ilang saglit ay matiwasay na nakarating ang Ate Melanie ni Charmie. Masaya naman itong sinalubong ng magkaibigan.

"Omo! Napaka-cute naman ni Baby Snow" pagtutukoy ni Irina sa bagong silang na sanggol na karga-karga ng babae.

"Naku! Pwerausog" sabi naman ni Melanie.

Mayamaya ay napatingin naman ito kay Dean na nadiskubre ng magkaibigan na masipag pala sa gawwing bahay. Kasi masasabi na masipag ito sa mga gawaing bahay at maaasahan. Pero hindi pa rin sila kampante kapag nasa pagkaimpluwensiya ito.

"Ayan ba ang Dean na sinasabi mo?" Tanong ni Melanie.

"Opo, siya po yung aswang na pumatay sa babae doon sa balita, Ate. Pero ngayong nasa costody na namin siya, hindi na kailangamg mag-alala nf mga tao" nakangiti namang sambit ni Charmie.

"Ah! Hi Dean"

Napalingon naman si Dean at ngumiti lalo na nang makita ang batang karga nito.

"Hello po" magalang na bati ng binata sa babae "Ang gandang bata naman nyan, Ate" pamumuri pa nito.

"Naku! Siyempre, naganda din ang ninuno" natatawa namang sabi ni Melanie. Gaya ni Charmie, hindi rin ito makikitaan ng takot kay Dean. Para ngang normal lang na tao ang kausap nito.

"Hmmm... Naku naman. Nga po pala, nakahain na ang pagkain ninyo. At... Wag niyong isipin na nilawayan ko 'yan. Wala akong balak mang-yanggaw" sabi nito.

"Naku! Ikaw talaga. Alam ko namang hindi mo gagawin 'yan, Dean" sabi ni Charmie.

"Uhmmm... Dean, pakarga muna itong bata at nang makakain na kami" sabi naman ni Melanie at iniabot nga nito kay Dean ang sanggol na babae.

'Hala! May tiwala siya? Hindi ba niya iniisip na pag hindi ko nakontrol ang sarili ko, pwedeng mawala ng mabilisan ang bata na ito? Dibale, kaya ko naman'

Iyan na lang ang nasabi ni Dean sa kaniyang isipan. Kinuha niya ang bata at kinarga iyon sa kaniyang mga bisig

"Sige po. Ako'ng bahala" sabi niya.

Nginitian naman siya ng babae...

"May tiwala ako sa 'yo, cute na aswang" sabi nito.

'Hoy! Cute daw ako?'

Iyan na lang ang nasabi niya sa kamoyang isipan...

Napatango naman si Dean at pinahmasdan ang sanggol...

"Ate, doon muna po kami sa kwarto ko" sabi niya.

"Sige" pagsang-ayon naman ng babae.

At dinala na nga niya si Snow sa kaniyang kwarto. Amoy na amoy niya ang napakabangong aroma. Mabangong amoy na nagpapagutom na naman sa kamiya.

"Langya! Nagugutom ako. Tila gusto kong kainin" sabi miya habang nakangiting nakamasid sa batang tahimik lamang sa kaniyang mga bisig.

* END OF CHAPTER #7 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now