CHAPTER #8:SOMEONE IS INDANGER

25 0 0
                                    

SAMANTALA, abalang naghahapunan na sina Melanie, Irina at Charmie. Gaya ng tipikal na mga kumakain ay may kasama ding pagkukwentuhan ..

"Kumusta naman ang trabaho ninyobg magkakaibigan?" Tanong ni Melanie sa dalawa.

"Ayos naman po. And still, mga single pa rin" natatawa namang sagot ni Charmie. Kahit kailan kasi ay hindi pa sila nagkakaroon ng magkasintahan. May mga manliligae man pero kanila itong ni-re-reject kahit na nasa tamang edad na silang dalawa.

"Hay naku! Bakit hindi pa kasi kayo maghanap? Nasa tamang edad naman na kayo at tsaka stable naman na kayo, may magagandang trabaho. Saan pa kayo!" Sabi naman ni Melanie

"Ate, e-enjoyin muna kaso namin ang paggiging dalaga namin. Kasi once na nag-asawa ka at nag-anak, wala na. Malaking responsibilidad na yun. Mawawalan ka na ng panahon sa sarili mo" sabi naman ni Irina.

"Oo nga at tsaka may tamang tao naman na darating. Hintayin lang natin yun" sabi naman ni Charmie.

"E wbat if si Dean na pala yung right guy para sa 'yo"

Halos masamid si Charmie sa biglaang sinabing iyon ni Irina.

"Langya ka!" Nabulalas niya sabay pabirong hinampas ang kaibigan.

"Pero alam mo, bagay kayo" sabi nito.

"Sira! Hindi naman porke't mabait tayo sa aswang e higit na doon" sabi naman ni Charmie.

"What if mahal ka ni Dean?" Tanong nito.

"Tumigil ka nga!" Sabi niya naman.

At ang mga kantiyawan na iyon ay nauwi na lang sa tawanan.

Samantala...

Balik naman tayo kay Dean na nasa kwarto kasama si Baby Snow...

Nananatili pa ring nakamata si Dean sa bata at inaamoy-amoy ang leeg nito. Nadadala siya sa napakabangong samyo nyon.

"Hmmm! Langya! Napakabango ng samyo mo!" Sabi niya. At ang amoy na iyon ay nagdudulot ng mas lalong pagkagutom ng kaniyang sistema at damang-dama niya iyon.

Napaangil pa siya dahil sa pakiramdam na iyon. Waring nais na talagang kainin ang bata

Hanggang sa mayanaya ay napaisip siya...

"Hmmm... What if kakagatin ko na lang siya sa leeg. Tutal nakakabusog naman ang dugo" sabi niya.

At bandang huli ay Iyon na lang ang kaniyang naging desisiyon. Ipinahiga niya agad ang bata ng patihaya. Siya naman ay humiga ng patagilid at marahan na inakap iyon.

"Shhh... Baby, sandali lang 'to, huh? Kakagatin ka lang ni Kuya sa leeg. Nakakagutom kasi ang amoy mo. Napakabango!" Sabi niya at ngayon, malapit na ang kaniyang mukha sa mumunti at malambot na leeg ng sanggol na babae.

* END OF CHAPTER #8 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now