CHAPTER #23:SELOS AT TAMPO

11 0 0
                                    

ILANG sandali pa nga ang nagdaan ay nakarating na din sila sa bahay. Quarter to 8 na nang marating nila ito.

"Pasok ka muna" pagyayaya ni Irina kay Joshua na ikinainis na naman ni Charmie. Lingid sa kanila ay nakasilip sa bintana si Dean na noon ay naginhawaan na sa tulong ni Melanie.

'Lintek! Nakakotse pa tapos inaaya pang pumasok difo?'

Iyan ang saad ni Dean sa isip nito...

"Sige at mukhang malakas na naman ang ulan" pagsang-ayon naman ni Joshua.

'Langya! Kainis!'

Saad naman ni Charmie sa kaniyang isipan.

At pumasok na nga sila sa bahay. Bumungad si Melanie sa kanila na may kalmot pa sa braso.

"Bakit ang tagal ninyo?" Tanong agad ng babae "At sino siya?" Tanong pa nito.

"Ay! Ate, siya po si Sir Joshua, manager po namin" sabi naman ni Irina.

"Magandang gabi po. Hinatid ko po sila kasi malakas ang ulan" sabi naman ni Joshua.

"Tsaka may pasalubong pp kami" sabi naman ni Irina at tinuro ang mga pagkaing pina-take out ni Joshua sa Jollibee kanina.

Mayamaya naman ay biglang sumulpot si Dean na nasa anyong aswang man ay tila normal pa rin ang mukha.

"Mahal"

Kaagad na pinuntahan ni Charmie ang direksiyon nito at inakap ito.

"Ayan ba ang jowa mo?" Usisang tanong ni Joshua.

"Uhmmm---"

"Oo, bakit? Gusto mong agawin? Subukan mo nang makakita ka ng sundo" matapang na sagot ni Dean, dahilan para mapaatras si Joshua.

'Langya! Aswang ang jinowa ng babaing gusto ko!'

Saad nito sa isip...

"Ah! Hindi naman. Ito naman" sabi nito habang si Dean ay nagbabanta ang tingin dahil tila nakakaramdam ito ng iha mula sa lalaki.

"Siguruhin mo lang" nagbababalang sabi niya.

"Maual" nasabi na lang ni Charmie.

Mayamaya din ay nagpaalam na si Joshua na uuwi na. Pero sa paglabas nito ay lihim naman itong napangisi.

'Ang dami na nga lang pwedeng magmay-ari sa 'yo, sa aswang pa? Pwes, kukunin kita sa kaniya. Akin ka, Charmie'

Samantala...

Dahil kumain naman na sila ay nagpasiya na sila na matulog na. Si Charmie naman, doon na sa kwarto talaga ni Dean matutulog dahil sa kagustuhan niya na makatabi nito.

"Mahal, sorry kung natagalan---"

"Kasi nakipag-date ka sa lalaki na yun? Aba! May pa-Jollibee pa nga. Ano yun? Nililigawan niya si Ate para makuha ka?" Pagsingit ni Dean sa dapat ay sasabihin niya.

'Hala! Nagseselos ba siya?'

Saad niya sa isip niya.

"Tsaka... May hitsura, huh? E di doon ka na. Iwan mo na ako" sabi ni Dean at tumagilid bigla patalikod sa kaniya na talagang ikinagulat niya ng husto

'Jusko po! Nagseselos pa nga tapos nagtatampo pa! Hala! Magdadalawang araw pa lang kami oiy!'

Saad niya sa kaniyang isipan dahil nga sa nakita niyang inasta ng lalaking pinakamamahal.

* END OF CHAPTER #23 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now