CHAPTER #31:ANG NAG-IISANG DEAN

12 0 0
                                    

"DEAN?!"

"Mahal?"

Iyan ang gulat na reaksiyon ng magkaibigan nang makita si Dean na nakasakay sa motor at siya panh nagmamaneho nito.

"May aswang pala na nagmomotor, huh?" Natatawang sambit ni Irina.

"Para sa kaalaman mo, marunong nga akong magmaneho ng kotse, motor pa kaya, huh?" Medyo mataray na sabi ni Dean at sinuot nang muli ang helmet nito "Sige na, umamgkas na kayo at baka dito pa ako maabutan. Mabilis lang ang oras" sabi pa nito.

At wala ngang pag-aalinlangan na umangkas sina Irina at Charmie. Kaagad nga silang nagbyahe at masasabing ligras namamg magpatakbo si Dean. Balanse lang naman sa bilis. Alerto din ito sa daan dahil na din sa pangambang baka may nakasunod sa kanila.

"Naks naman. Nakakamangha talaga si Dean" sabi ni Irina.

"Oo nga, eh" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oh paano ba 'yan? Jollibee tayo" pagyayaya na naman ni Irina.

"Irina, mabilis lang ang oras. Kailangang bago mag-6 ay nasa bahay na tayo" sabi naman ni Charmie habang si Dean ay patuloy lang sa pagmamaneho. Mahuti na lamang at walang traffic kaya tuloy-tuloy sila.

Samantala...

Sa di kalayuan ay nakamata lang si Joshua na sakay ng kotse nito. Inis na nakangisi siya dahil animo'y normal na tao lamang ang lalaki na nakamotor.

"Tsk, mga mapagpangga talaga" sabi nito sa sarili nito habang nakamasid

Mayamaya lang ay naglaho na din ang motor sa paningin nito...

"Tsk, makukuha ko din sa 'yo si Charmie. Walamg nagmamay-ari sa kaniya at mas lalong hindi siya pag-aari ng isang aswang"

Iyan na lang ang sinabi nito bago muling humarurot.

Samantala....

Dahil nga walang traffic ay madaling nakauwi ang tatlo. Magpahanggang sa mga oras na ito ay gulat at hindi makapaniwala si Charmie na gagawin iyon ni Dean.

"Mahal, salamat huh? Ginulat mo kami doon, higit lalo ako" sabi niua.

"Wala yun. Mahal kita at mas mamahalin. Hindi na kita papakawakan" sabi naman ni Dean.

"Pero saan mo namam nabili ang motor na iyon?" Tanong niya.

"Akin yun pero binigay ko na sa kaniya dahil alam kong mas kailangan niya iyon" sabat naman ni Melanie na ikinagulat talaga nila.

"Talaga po? Naku!" Gulat ma sabi niya.

"Ganyan ako kaboto sa inyong dalawa" nakangiting sabi naman ni Melanie.

"Naks! Hayaan mo Kuya Dean, kapag yumaman ako, kotse naman iaambag ko sa 'yo" pabiro namang sabi ni Laurell na ikinatawa naman ni Dean.

"Naku! Kayo talaga. Pero salamat" sabi nito "Salamat dahil hinayaan niyo ako na mahalin ang kapatid ninyo" dugtong pa nito.

"Sus! Walang anuman. Wag ka ngang magdrama diyan. Mawawala kagwapuhan mo, eh" wabi naman mi Melanie kasi halos maiiyak na si Dean dahil nadadala na ito sa emosiyon.

"Naku naman. Wala na ito mamaya---"

Natigilan sa pagsasalita si Dean nang makadama siya ng kakaiba. Napansin naman iyon ni Charmie kaya kaagad na lumapit siya dito at niyakap ito. Napatingin sila sa orasan at nasa eksaktong alasais na ang kamay nito.

"Aaaah!"

Halos manlumo sila, higit lalo si Charmie sa bawat sigaw nito. Tila ba pinapahirapan ito sa bawat araw at oras na nag-iibang anyo ito.

"Aaaah! Tama na!" Naisigaw na lang nito kaya mas humigpit ang pagkakayakap ni Charmie habang suna Melanie at Laurell ay tahimik lang habang nanlulumong nakatingin.

"Dean, nandito lang kami" nasabi na lang nito habang si Charmie ay hinahaplos ng kaniyang kamay ang buhok nito para maibsan kahit paano ang sakit na nararamdaman nito.

Maganya lang...

Ganap na itong nakapag-ibang anyo. Sa pagpapalit nito ng anyo ay ang leeg agad ni Charmie ang pinuntirya nito dala na din ng pagod at sakit ng katawan.

"Hayst! Kawawa naman si Dean. Paano na lang pala pag wala tayo"  nanlulumong sabi ni Melanie.

"Yun nga. Baka hamggang ngayon ay naghahasik pa rin siya ng lagim" sabi naman ni Irina.

"Pero hindi na mangyayari yun dahil mayroong babae na gaya ni Charmie ang inspirasiyon niya. At kung sakaling may humadlang ar manghusga na naman sa kaniya? Pakatandaan niyo, tayo ang magiging boses niya. Tayo ang lalavan sa mga taong mapanghusga" makahulugan namang sabi ni Melanie.

"Mahal, narinig mo yun, huh?" Pabulong na tanong ni Charmie.

"Hmmm..." Tanging usal nito.

"Sige lang, huh? Hanggang sa maging okay ka ulit" sabi niya at nilapit pa ang mukha sa tainga nito "I love you, Dean. Mahal na mahal kita at kahit ilan pa ang ilapit nila sa akin, kahit BTS pa "yan? Ang nag-iisang Dean lang ang pipiliin at mamahalin ko. Tandaan mo oalagi 'yan, Mahal ko"

* END OF CHAPTER #31 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now