CHAPTER #12:MAY TAMANG BABAE PARA SA 'YO

18 0 0
                                    

"LINTEK na buhay 'to oh! Wala pang ulam?!"

"Aba! Bakit? May ibinibigay ka bang kupal ka?! Ni hindi na nga tayo punauutang sa tindahan dahil sa haba ng listahan natin! Elvis baman! Kahit kaunti magtino ka naman!"

"Aba! Nangangatwiran ka na, ah!"

Iyan ang bumungad kina Melanie, Charmie, Irina at higit lalo kay Dean nang umagang iyon. Ala-sais na ng umaga kaya nawala na sa impluwensiya ng paggiging aswang si Dean. Normal na ang kaanyuan nito.

"Jusko naman! Ang aga-aga, away" sabi ni Melanie.

"Ganyan sila 'yan. Nakasanayan na lang namin" sabi naman ni Irina.

"Tsk, ultimo gabi dinamay. Hindi tuloy ako makatulog ng husto kasi ang ingay nila. May nagdadabog pa nga, eh. Ang sakit sa ulo kasi sensitibo ang tainga ko kapag nasa impluwensiya ako" sabi naman ni Dean.

"Naku! Masakit pa ba hanggang ngayon?" Tanong ni Charmie na halatang nag-aalala.

"Uhmmm... Medyo na lang. Hindi gaya ng kagabi" sabi naman ni Dean.

"Ayiiie, si Beshie may care" sabi naman ni Irina na nagsisimula na namang mang-asar.

"Hay naku! Tumigil ka nga. Ganyan lang talaga ano? Alalahanin, kakaibang tao si Dean. Mahirap na" sabi naman ni Charmie.

"Asus! Yun lang ba talaga, huh?" Nang-aasar na tamong nito.

"Hay naku! Tigilan mo na nga ang pang-aasar" sabi naman ni Charmie.

"Hoy, baka magkapikunan kayo" sabi naman ni Melanie.

"Naku! Nakasanayan na namin na mag-asaran. Di ba, Charmie?" Natatawang sambit ni Irina.

Hindi na lamang umimik si Charmie. Sa halip ay tumayo siya at sumenyas kay Dean...

"Tara sa likod, nandoon na ang pagkain mo" sabi niya.

"Sige at tamang-tama, gutom na din ako" sabi naman ni Dean sabay tumayo na din.

"Ayiiie... Dean, anakan mo na si Chwrmie. Ako Ninang!" Pahabol na sigaw ni Irina.

"Siea ka talaga!" Sabi niya.

Tumawa lamang ang kaibigan. Samantalang siya ay sinundan na si Dean na halatang gutom na talaga dahil nagpatiuna na ito.

Pagkapunta niya sa likod ay nadatnan niya na dinakma nito ang isa sa mga manok na kaniyang binili. Kundi hilaw na karne ay buhay na manok naman ang pinakakain nila dito. Iyon au para maramdaman pa rin nito ang init at presensiya ng biktima.

Kigang-kita niya kung paano nito inumin ang dugo ng manok at kung paano pa nito lantakan ang bawat laman habang unti-unti itong namamatay.

"Hmmm... Talagang sinasamahan mo ako dito tuwing umaga, huh? Hindi ka ba natatakot sa mga galawan ko?" Diretsong tanong ni Dean.

"Ano ka ba? Sanay na ako" sabi niya.

'Lalo na siguro pag naging mag-asawa na tayo. Mas kasasanayan ko na makita kang gangan'

Sa jsip-isip ko...

"Kababae mong tao pero matapang ka" sabi ni Dean at kinain ang laman na may kasamang buto kaya tumunog iyon pagkakagat nito.

"Siyempre, kaibigan kita" sabi niya.

'Ganyan talaga kapag mahal mo. Wala ka nang pakialam kung ano ang makita mo. Basta ang mahalaga, masanahan at madamayan at masamahan siya'

Sa isip-isip niya...

"Hmmm... Masiyado naman yatang malalim 'yon. Kasi alam mo, marinig pa lang ang salitang 'aswang', nagtatago na dapat kayo" sabi niya.

"Pero ibahin mo kami. Kasi kami, naniniwala kami na may mababait na kagaya mo" sagot naman ng dalaga.

'At siyempre, ikaw na ang Mr. Right ko'

Dugtong niya sa kaniyang isipan.

"Hmmm... Paano kung halimbawa, may umibig sa 'yo na aswang? Iibigin mo ba pabalik?" Biglang fanong ni Dean.

"Oo naman! Basta mabait at marespeto. Kung tutuusin, iyanang ang basehan sa pag-ibig. Mahal mo at siyempre, mabait at marespeto ka sa minamahal mo, sapat nang basehan 'yon. Idinagdag lang naman ng henerasiyon ngayon ang pagtingin wa hitsura para maging basehan diyan" sagot niya.

"Hmmm... Matapang ka talaga. Wala na akong masabi. Sana ganyan din ang posibleng maging kapalit ni Lanie ano? A-aksidente ko kasing napatay ang kasintahan ko dahil hindi ko pa kontrolado ang sitwasiyon" sabi nito na biglang lumungkot ang awra.

"Hayaan mo, may tamang babae para sa 'yo. Malay mo katabi mo na pala" sabi niya at napatakip na lang bigla ng bibig nang mapagtanto niya na may ipinahihiwatig na siya.

'Hoy! Hala!'

Sa isip-isip niya...

"Anong ibig mong sabihin?"

Sa tanong na iyon ni Dean ay bumilis ang tibok ng kaniyang puso...

'Hala! Jusko ka kasi, Charmie!'

Sabi nuga sa kaniyang isipan...

Huminga siya ng malalim...

"W-wala..."

Iyan na lang ang naisagot niya dahil wala na talaga siyang masabi sa mga oras na ito lalo ag malapit na halos niya masabi na mahal at iniibig na niya ang lalaking aswang na ito na kaniyang kaharap.

* END OF CHAPTER #12 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now