CHAPTER #3:THE CURIOUSITY

43 2 0
                                    

TULOY pa rin sa palitan ng malulutong na mga mura at pagbabasagan ng ulo ang dalawang panig. Walang nais magpaawat sa magkabilang panig. Wala ring nais magpatalo.

Sa kabilang banda naman ay nakatingin pa rin ang lalaking aswang sa mga batang basag-ulo. Palinga-linga rin siya sa paligid kung wala bang taong makakakita sa kaniyang madugong gagawin.

Namg kaniyang matiyak na walang ibang tao ay lumabas siya sa kaniyang pinagtataguan at inatake niya kaagad ang isa sa mga batang basag-ulo at walang pasabing winakwak niya ang tiyan nyon sabay dinukot ang puso at kinain sa harapan ng iba pang mga bata.

Tatakbo na sana ang iba pero sadyang mabilis ang lalaking aswang at sa isang iglap, lahat sila ay kaniyang napatumba.

"Hahaha! Marami ito! Hmmm!" Nasabi niya sa kaniyang sarili habang isa-isang kinakain ang mga lamanloob ng mga batang kanina lamang ay nakikipagbasahan ng ulo sa isa't isa.

Napapamura pa nga siya sa sarap. Sa talambuhay niya ay ngayon lamang siya nakatikim ng ganitong kasarap na putahe.

"Hmmm... Ngayon, hindi na nakakapagtaka kung bakit gustung-gusto ng mga aswang ang karne at dugo ng tao. Sadyang napakasarap nito kumpara sa karne ng hayop" sabi niya habang ninanamnan ang masarap na hapunan.

Samantala...

Pauwi na din sina Charmie at Irija nang gabing iyon. Bago ang kanilabg barangay ay madadaanan muna nila ang lokasiyon kung nasaan ngayon kumakain ang lalaking aswabg. At dahil gusto nilang makapag-ehersisiyo ay nagpasiya sila na maglakad na lamang. Para sa kanila, atleast tipid pa sa pamasahe.

"Hayst! Sa palagay mo ba? Mabait kaya yung aswang na walang habas na nambibiktima sa mga tao dito? Kasi grabe! Ka-barangay lang natin yung babae" saad ni Irina

"Oo naman! Nanimiwala ako na baka hindi niya nais ang nangyayari sa kaniya at nais niga ng kalinga" tugon naman ni Charmie.

"Sabagay, lahat naman ng nilalang sa mundong ibabaw ay kailangan ng kalinga ng iba pang nilalang" sabi naman ni Irina.

Dahil sa kanilang pagkukwentuhan, hindi nila namalayan na madadaanan na pala nila ang lugar kung saan kumakain ang lalaking aswang.

Mayamaya ay natigilan sila sa kanilang kwentuhan nang makarinig sila ng pagngasab na sinabayan pa ng mabangis na ungol.

"Hala! Ano 'yon?" Tanong ni Charmie.

"Oo nga! Tara hanapin natin" pagyayaya naman ni Irina.

* END OF CHAPTER #3 *

DEAN SERIES #1:ASWANG HANDLERS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now