JEREMINE POV

9.7K 197 13
                                    

(marami akong nilaktawan na scenes gusto ko lang kayo i-remind)

"Ano ng balak mo, bro? Babalik na sa manila si av" sabi sa 'kin ni Helton

Ewan ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, meron sa 'king excited dahil sa wakas makikita ko na ulit si Avyanna. Pero meron din sa 'king bumabalot na takot dahil hindi ko alam ang mangyayari kung oras na nandito siya

"Katulad ng plano, kailangan nating mag kunyari na naninibago tayo sa dating n'ya para hindi matrigger ang brain n'ya" seryosong ani ko

Sunod na araw ay pumunta ako sa bar kasama si Harold pero ang pesteng Harold ay agad akong iniwan dahil may aasikasuhin daw s'ya

Napailing na lang ako at kinuha ang cellphone ko at agad dinial ang number nung lokong Helton

Bahagya pa akong napahawak sa pisngi ko. Kakagaling ko lang din kasi sa bakbakan, hindi kumpleto araw ko ng hindi nakikipag suntukan dahil doon ko lang nilalabas lahat ng galit at inis ko dahil sa nangyari kay Avy

"The fuck! Nakawala na naman 'yung hinayupak na 'yun Helton! Samahan mo 'ko dito nilayasan ako ni Harold eh may emergency raw s'ya"  nakakunot noong ani ko pero kalmado ang boses. Nagtaka ako ng walang sumagot sa kabila

Ano 'to napindot n'ya lang?

"Hey? Don't you dare to say no to me" may pang babanta sa boses ko

"H-Hello?" Bigla na lang akong natahimik ng marinig ko ang boses n'ya. Ang tagal kong hinintay na marinig ang boses ng taong mahal ko

Kamusta na kaya s'ya ngayon? Ayos lang ba s'ya?

Kinausap ko siya doon, nag kunyari pa akong na cu-curious kung sino siya baka kasi mahalata n'ya ako

Ang mga ilang minuto kong pag i-stay doon ay biglang dumating si Helton at tumabi sa tabi ko. Kumuha s'ya agad ng beer at tumungga roon

"Ang tagal mo naman!?" Iritang ani ko dito

"Nag commute lang ako, dala nila dad kotse ko may lalakarin daw" ani nito at tumungga muli ng beer "hatid mo 'ko sa bahay mamaya" sabi nito at tumingin sa 'kin

"WHAT?!" Angal ko agad dito

Aba, kung nag commute s'ya papunta dito, he should commute back to his home though

"Sus ang dami mong angal. Ayaw mo nun makikita mo kapatid ko" sabi niya at ngumisi

Bigla akong natigilan ng dahil doon at agad tumayo kaya nakataas ang isang kilay na tiningnan ako nito

"Tara na" sabi ko at kinuha 'yung susi

"H-hoy! Tarantado ka nakakaonti pa lang ako, kakadating ko lang eh!" Reklamo nito

"Hindi naman ikaw ang mag d-drive kaya 'wag kang magreklamo" ani ko dito

Nakita ko kung pa'no kayamot ang mukha nito dahil sa ginawa ko

Eh bakit ba? Gusto ko nang makita ang maganda kong avy, i miss her so much

Nagsimula na akong mag drive habang papunta sa village. ang lokong helton naman ay puro reklamo dahil daw hindi pa nga daw s'ya nakakaubos ng beer ay nag madali na akong umalis

Tss

Nang makapasok kami sa village ay may nakita akong nag lalakad na babae na sinusundan ng dalawang lalaki na nag babantay sa kaniya

My girl...

Hininto ko ang sasakyan ko sa gilid n'ya at sinalampak ang earphone ko sa tainga ko, pero pinakiramdaman ko ang kilos niya

The Badboy's Innocent Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon