Chapter 4

12.5K 269 40
                                    

AVYANNA'S POV

"Hays, sinasabi ko sa'yo Avyanna kapag di ka pa kumilos diyan isusumbong kita kay mama" sabi niya kaya agad akong napabangon mula sa pag kakahiga habang nakakunot ang noo

Natulog kasi ako kaagad nung dumating kami galing batis ta's wala pa 'atang isang oras ginigising na ako ni kuya dahil magsisimula na ang party para sa kaarawan ni papa. Maraming mag g-grand entrance mamaya dahil puro mga karelatives at kaibigan na mayaman ang darating mamaya

"Eto na kuya" busangot na ani ko tsaka tuluyan nang binukas ang mata at matamang tumitig kay kuya helton 

"Ba't pagod ka?" Kunot noong tanong nito habang may seryosong mukha 

Ano naman sa kanya 'kung pagod ako?

"Ano naman sa'yo ngayon?" Busangot na balik na tanong ko. Totoo naman eh kapag s'ya nga pagod galing labas di ko naman siya ginigising, bagkus hinahayaan ko lang siya dahil magagalit sa'kin si papa kapag ginising si kuya dahil pagod nga raw siya kuno

"Did he used protection?" Tanong nito at nag cross arm 

"Ha?" Kuryosong tanong ko. Anong proteksyon ang sinasabi nito? Need ba 'yun sa pangangabayo?

"A condom." Pormal na sabi nito kaya taka akong napatingin sa kan'ya

"Anong sinasabi mo diyan kuya? Naligo kasi ako sa ilog batis kaya pagod ako" aniko tsaka bumaba ng higaan para kunin ang suklay at isuklay ito sa buhok ko "kung ano-ano pinagsasabi mo kaka trabaho mo siguro 'yan" sabi ko at tiningnan siya sa salamin pero tulala lang ito sa akin 

"Seriously? I thought you and him...." Hindi niya matuloy ang sinabi niya at napangiti na lang habang umiiling "ang hinang lalaki" bulong nito kaya hindi ko masyadong narinig 

"Ano 'yun kuya?" Tanong ko 

"Nothing, I'm going now" paalam nito kaya tumango ako at astang haharap ulit sa salamin nang biglang pumasok sila mama at ate steffany

Hmm, sobrang close na ng dalawang ito ah 

"Ako bahala tita" rinig kong sabi ni ate kaya nilapag ko ang suklay at hinarap sila 

Nakita ko'ng may dala si ate steffany na damit at box na hindi ko malaman kung ano ang laman kaya kunot noo akong napatingin sa kanila ni mama

Nagpaalam sa'min si mama at agad namang humarap sa'kin si ate stef nang may ngiti sa labi 

Nagulat pa ako nang hilain niya ako sa harap ng salamin at pinaupo. Agad niya namang inilapag ang box na dala niya kaya taka akong napatingin sa kaniya mula sa salamin 

"A-Ano 'to ate stef?" Tanong ko kaya napatingin siya sa'kin at bahagya pang tumaas ang isang kilay 

"Hello! Birthday ng papa mo at kailangan maganda ka tonight dahil yung mga dadalo rito ay mga big time" sabi niya at binuksan ang box na nasa harap namin. Marami ako'ng nakita doon na hindi pamilyar sa akin kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya 

"Uh.. mukhang hindi mo alam ang tawag dito. Well mga make up 'to, at ginagamit para sa mukha, you know.... pang koloretes sa mukha." Sabi niya kaya napatango ako at agad na na-gets ang sinabi niya, may nakita na akong ganito sa gamit ni mama hindi lang talaga ako pamilyar sa mga gamit nila

Pina ligo niya muna ako bago ako lumabas, tanging roba lang muna ang ginamit ko para daw ihuli na daw ang damit na susuotin ko mamaya 

"Nakakahiya ate stef ikaw pa ang mag me-make-up sa'kin" napapakagat labing ani ko sa kaniya pero ngumiti lang ito at sinimulan na buksan ang mga make-up nya

The Badboy's Innocent Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon