chapter 12

9.6K 187 2
                                    

AVYANNA'S POV

Nakaupo ako sa kama habang nag re-review. Nire-review ko ang mga nilesson namin dahil ayokong bumaba ang grades ko dahil sa bumabagabag sa isip ko

Medyo inaantok na rin ako dahil gabi na at madilim na sa labas. Si kuya hindi na naman umuwi, may nalaman nga akong may pinapahanap siya hindi ko lang alam kung sino, basta narinig ko lang nung nag-usap sila ni Jeremine at kuya Harold no'ng nakaraang 'andito sila

Sila mama at papa naman ay pumuntang London dahil may business trip sila ng mga ka business holder nila. Ewan ko ba basta ang sabi nila mawawala raw sila ng isang buwan, at iniwan muna nila ang company sa pangangalaga ni kuya. Kaya rin siguro laging wala 'yun dahil dumoble ang kailangan n'yang gawin

Halos mapatalon ako ng biglang mag ring ang cellphone na binigay sa'kin ni Jeremine.

At halos himatayin ako nang makita ko ang pangalan ni Jeremine sa screen kaya agad ko 'yung kinuha at bumuntong hininga muna ako bago iyon sagutin at ilagay sa gilid ng table bed ko

Video call kasi 'yun kaya kailangang naka harap sa'kin

Nag kunyari akong nag bu-busy busyhan nang biglang bumukas ang camera n'ya

Agad bumungad sa'kin ang bagong ligo na mukha niya kaya napaharap ako sa kaniya at pinakatitigan siya sa screen

Babagya n'ya pang sinusuklay ang buhok n'ya para lumabas ang mga tubig doon, ang lakas tuloy ng dating n'ya at lalo siyang pumogi. Kahit sinong babae ay mapapanganga sa kaniya

"Hi baby...how are you?" Bungad na tanong nito at tumingin sa camera. bahagya pa siyang kumaway sa'kin kaya nginitian ko rin siya

"Okay lang ako. Nag re-review lang para sa lesson sa lunes" sagot ko sa kaniya

Nilagay n'ya sa isang gilid ang cellphone niya kung saan makikita ang kama at pinto ng cr n'ya

At doon ko lang napansin na wala pala siyang damit pang itaas kaya nakita ko ang maskulado n'yang katawan at 'yung walong bilog na hindi ko maintindihan kung ano na na sa tiyan niya

Pero nakitaan ko na rin ng gano'n si kuya nung nag e-exercise siya sa likod ng bahay

Ano kaya 'yon?

"Oh, Did i disturbing you?" Tanong nito at saka siya nag suot ng sando na itim kaya bahagya akong napakagat ng labi at umiwas ng tingin

"A-Ah h-hindi tapos n-na rin naman ako" sabi ko habang napapailing. Napasinghap ako ng hangin dahil pansin ko ang pag kakautal ko

Ba't ba kasi kailangang mautal?

"Hmm... Stuttering baby?" Malokong asar nito at bahagya pang ngumisi kaya lumabas ang dimple nito

Infairness, ang cute niya kapag lumalabas dimple, cute siguro ng magiging anak nito

Napakamot na lang ako ng ulo habang napapahiyang tumingin dito

"A-Ano..."

"My woman is so cute..." Anito at bahagya pang napatabingi ang ulo na tila natutuwa sa nakikita niya

Naramdaman kong namula ako dahil sa sinabi niya kaya agad akong napaiwas ng tingin at tumingin sa librong hawak ko.

Ano ba 'to?! Ba't ganito na lang lagi ang nararamdaman ko? Parang simula lang nung nakilala ko siya ay ganito na lagi ang pakiramdam ko, hindi ba't weird yung ganun?

"Are you blushing?" Tanong nito kaya natigilan ako at napatingin sa kaniya

Hala!? Halata ba na namumula ako? Hala nakakahiya...

"H-hindi noh!" Dipensa ko rito at kinuha ang mga papel at notebook ko para iligpit at ilagay sa bag ko

"Yes, you are" pang pipilit n'ya kaya napasimangot ako at kinuha ang cellphone ko. Tapos na rin naman ako mag ligpit kaya bahagya kong inilapit sa mukha ko ang cellphone "i miss you..." Biglang sabi nito kaya natigilan at napatingin ako sa kaniya sa screen

He miss me?

Simpleng words lang nun pero ang lakas ng epekto sa'kin. But, is that really a simple words? Meron sa'kin na gustong ibahin ang meaning ng sinabi niya, pero alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko

"Ano... Hindi ba kakakita lang na'tin kahapon ba't mo'ko agad mamimiss?" Nag aalanganing tanong ko rito

Nakita ko siyang tumango at tumingin sa kung saan kaya nakita ko ang Adam's apple niya

"Yeah, pero nabitin ako, pagod kasi ako nun. Palagi mo na lang ako binibitin baby..."

"Pagod ka kasi eh..." Sabi ko "kaya hinayaan muna kitang mag pahinga" dagdag ko pa

"It's okay. Gusto kong bumawi bukas..." Anito at saka siya bahagyang humikab. Halata na ang pagkaantok sa mukha niya

"Pupunta ka dito?!" Excited na tanong ko at napaayos ng upo sa kama

Narinig ko ang mahinang pag tawa n'ya sa kabilang linya bago ito umiling

"Susunduin lang kita diyan at hihiramin ng 5 days" sabi nito kaya taka akong napatingin sa kaniya

"Seryoso ka diyan? 5 days?!" Hindi makapaniwalang tanong ko

At sa'n naman kami pupunta? saka matagal din ang 5 days

"May aayusin kasi ako doon sa tagaytay resort na pag mamay-ari namin. At gusto kong kasama kita habang nandoon ako" pag papaliwanag n'ya

"Pero baka maging pabigat lang ako sayo doon. Di ba sabi mo may aayusin ka?" Naiilang na tanong ko dito "saka baka hindi ako payagan ni kuya"

"Like what i said. Ikaw ang pahinga ko kaya ba't ka magiging pabigat sa'kin?" Tanong nito sa'kin "and about your brother, I already tell him about this, at ayos lang naman sa kaniya. Nag paalam din ako kila tita at tito" sabi niya kaya agad nag liwanag ang mukha ko

"Talaga?!" Di makapaniwalang tanong ko agad naman itong tumango

Pa'no niya napapayag ng gano'n kadali sila mama at papa

May iba pa kaming napag usapan... tumagal din ang pag uusap namin, dahil marami akong kwinento sa kaniya, at sinabi ko din sakaniya ang tungkol ka'y Richard na bakla ito nung una nga hindi pa siya naniniwala pero nung kinaduluhan ay naniwala naman siya

Pero may bitterness pa rin sa mukha niya

Hanggang sa naisipan na naming magpaalam. Dahil din siguro sa antok ay agad akong hinila ng antok hanggang sa magising ako kinaumagahan dahil sa isang halik sa labi kaya bahagya akong gumalaw at onti-onti kong dinilat ang mata ko

At agad akong napabangon nang makita ko si Jeremine sa harap ko. Ngumiti ito sa'kin

"Hala! Ang aga mo ah" gulat na bungad ko at bahagya pang napanguso

"It's already 10 in the morning na baby" sabi nito at hinalikan ako sa labi, at astang hahalikan niya pa ako ng malalim nang agad akong lumayo

"Hindi pa ako nag toothbrush" sabi ko habang naka takip sa bibig ang kamay ko

"Mabango ka pa rin naman kahit bagong gising ka" sabi niya at biglang hinila ang baywang ko palapit sa katawan niya at hinalik- halikan ang pisngi ko papunta sa tainga ko kaya bahagya akong nakiliti doon

"Nakikiliti ako Jeremine" sabi ko at bahagyang nangingiti na umiiwas sa halik niya sa leeg ko

Ang lakas makapag bigay ng kuryente nun sa'kin. Nakakapanghina at tila kahit anong gawin niya sa'kin ay hindi ko kayang labanan dahil sa kahinaan ko lalo na kapag hinahalikan niya ako sa kahit anong parte ng mukha o katawan ko

Napunta ang halik niya sa tainga ko, bahagya n'ya pang kinagat ng mahina ang earlobe ko

"ang sarap mong mahalin Avy..." Napakapit ako sa matipunong braso nito ng maramdaman ko ang mainit na hininga niya doon

"Parang ang sarap mo rin anakan..." Dagdag nito at saka lumayo sa'kin ng may nakakalokang ngisi

"Ang dami mong sinasabi!" Sigaw ko dito at walang pasabing tumayo sa kama at kumuha ng damit na dadamitin ko

I think my face is already red... I'm blushing oh my god!

The Badboy's Innocent Girl Where stories live. Discover now