Simula

22K 389 37
                                    


AVYANNA'S POV

Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang puntod ng aking lola. Hindi ko alam kung ano nang patutunguhan ko dahil sa nangyayari

Inataki sya sa puso.

Nang malaman yun nila mom and dad ay agad silang lumuwas dito sa province kasama ang kapatid ko na si kuya helton

Halos lumaki na ako dito sa nueva vizcaya dahil simula nung 2 years old daw ako ay dito na ako iniwan nila mommy dahil sa kagustuhan nila lolo at lola

Unang namatay ang lolo ko dahil sa sakit na cancer, ang lolo ko ay pure italyano kaya may lahi kami ni dad and kuya helton na italyano and italyana. mahahalata yun dahil sa itsura namin. Kulay blue kasi ang mata ko katulad ni lolo, at halos si kuya helton at dad ay ganun din

Kapag kakausapin ko sila kuya helton ay tinatawagan lang nila kami sa telephone nila lolo and lola dito, pero minsan dinadalaw din nila kami dito or buwan- buwan kung mag stay dito minsan

Biglang may tumapik sa balikat ko kaya napaangat ako ng tingin kay kuya helton na nakangiti sa tabi ko, pero may lungkot sa ngiting iyon

"Let's go?" Tanong nya kaya matamlay akong ngumiti at tumango

Inakbayan nya ako habang sabay kaming pumupunta sa sasakyan nyang dala, nasa loob nadin sila mom and dad dahil kami nalang ang hinihintay

Sumakay ako sa back seat ng kotse ni kuya katabi si mommy, agad nya akong dinaluhan ng maka pasok ako sa loob

"I'm sorry baby ah kailangan ka naming isama sa manila dahil wala na ang lolo and lola mo" mahinahong ani ni mommy

Napakagat ako ng labi, dahil hanggang ngayon ang hirap parin tanggapin na patay na ang magulang na kinalakihan ko dito sa province. Mamimiss ko din ang lugar na ito, dito ako nagkaroon ng mga kaibigan at dito ko nakasanayan ang mga gawain.

Natatakot ako na baka kapag nakapunta na kami sa manila at manirahan ako doon ay manibago ako dahil di ako sanay sa manila dahil laki ako sa province. Sabi pa naman ng mga ibang nakilala ko na galing sa manila, marami daw masama ang ugali sa manila, at hindi sila basta basta makakasundo

Napabuntong hininga ako at tumango "I don't have a choice ma" i said softly and smile to her

"Ipag patuloy mo ang naudlot na pag aaral mo dito sa province anak" seryosong ani ni dad na agad kong ikinatigil nakita ko pang napasulyap sakin si kuya sa rearmirror bago ibalik sa daan

Sa tuwing naririnig ko ang salita na yun parang natitigilan parin ako. Ano pabang nakaka gulat dun e grade 8 lang ang natapos ko...mahirap kasi mag aral sa province dahil nahahati ang pag aaral ko tsaka pag tulong ko kila lola sa pag arrange ng restaurant nila doon sa vizcaya

"Don't worry kaibigan ko ang may ari ng school masyado nang late ang age mo para pumasok ng grade 8 ulit..." Sabi naman ni kuya helton na kanina lang ay tahimik "...kaya makikiusap ako sakaniya na ideretso ka nalang sa college" dagdag nito

Napakuyom ako ng kamay atsaka tumango, merong part sakin na excited at meron namang takot. Takot dahil hindi ko alam kung ano ang kahahantungan ko sa lugar na yun at kung ano anong uri ng tao ang makakahalubilo o makakausap ko

"It means kailangan nyang makapag exam para makapasok doon?" Tanong ni mama

"Exactly!" Maliwanag na ani ni kuya

"Private school? Ang sikat na school na pagmamay ari ng zepranta?" Tanong naman ni dad kaya nag papalipat lipat ako ng tingin sa kanila

Private? Ano yun may ganun ba?

"Yea mas maganda kung doon siya para nalalaman natin ang lagay ni avyanna" diretsong ani ni kuya na agad na nagpatango kay mama at papa

Ganun na talaga siguro ako ka walang alam dito sa manila

But who is zepranta?

The Badboy's Innocent Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon