chapter 8

10.7K 194 8
                                    

AVYANNA'S POV

Napasinghap ako sa hangin nang dumikit iyon sa aking mukha. Tumingin ako sa dinadaanan ng sasakyang sinasakyan namin.

Pauwi na kami sa manila ngayon at nauna na pala sila kuya roon kasama ang mga kaibigan niya at sila Jeremine kaninang kinaumagahan, at nag pahuli lang kami dahil may inasikaso pa sila mama at papa sa province saglit

Simula nung araw na 'yun hindi ko pinansin si Jeremine. Ewan ko pero may part sa'kin na ayaw ko talaga s'ya kausapin dahil feeling ko nag tataksil kami kay Red

Masisisi ba nila ako 'kung gano'n ako.... kung nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama

Siguro nga sisimulan ko nang lumayo muna  para na rin sa kanilang dalawa. Atsaka sino ba naman ako para maki sali sa relasyon nila diba?

Medyo matagal din ang b'yahe bago kami nakauwi sa manila. Agad akong nag asikaso  ng sarili ko para makapag pahinga na ako at makahiga sa kama

Feeling ko napapagod ako kahit wala naman akong ginawa. Siguro ganito talaga kapag nalulungkot ka at may dinadalang mabigat na pakiramdam

Nahiga ako sa kama at akmang matutulog na ng biglang may kumatok sa pinto. Sunod kong narinig ang pag bukas ng pinto ng kwarto ko

"Avyanna..." Tawag sa'kin bigla ni papa. Boses nya 'yun kaya dahan-dahan akong umupo at tumingin sa kaniya

Lumapit s'ya sa'kin habang may hawak na folder. I don't know what is that...

Umupo siya sa gilid ng kama ko at nilahad sa'kin ang papel kaya kinuha ko 'yun at dahan-dahang binuksan

"Gusto kang kunin ng tita Mayet mo para mag organized ng business sa italy" ani nito

Tiningnan ko ang papel at nakita ko roon ang sulat na nagpapahiwatig na mag-aaral ako sa Italy need ko lang ang permission at pirma ko para makomporma na roon ako mag-aaral

Agad akong napakagat ng labi at tumingin ka'y papa.

"Pag iisipan ko po Pa. Siguro po after ko na lang tapusin ang college ko rito saka po ako mag di-disisyon" then i gave the paper's back to him

Napatango naman si papa at inayos ang folder na 'yun

"Okay. Makakarating agad sa tita Mayet mo. Sa ngayon magpahinga ka muna, okay?" Sabi ni papa kaya agad akong tumango at ngumiti sa kaniya

Hinalikan n'ya muna ako sa buhok bago siya umalis sa kwarto ko

Naging palaisipan sa'kin ang mangyayaring iyon. Pwede naman akong tumanggi pero parang hindi kaya ng kunsensya ko na tanggihan ang tita ko lalo na't wala nang ibang mapag kakatiwalaan sa business si tita sa Italy.

Handa naman daw siyang tulungan ako sa mga hindi ko alam pagdating sa business nila sa Italy eh

Kinaumagahan ay agad akong bumaba pagkatapos kong mag ayos para maka pasok na. Sobrang saya ko ng malaman kong nakapasa ako sa exam sa college kaya p'wede na akong makapag simulang pumasok ng regular sa college

Pagkapasok ko ng kusina ay agad akong natigilan ng makita ko si Jeremine na kumakain kasama si Mama at Papa

Bigla na lang nag tama ang tingin namin, blangko lang ang ekspresyon n'ya habang nakatingin sa'kin, samantalang ako ay hindi alam kung ano ang gagawin kaya agad akong lumapit at umupo sa harap niya

Agad kong binati sila Mama at Papa at sumabay kumain sa kanila, tuwang tuwa sila sa pakikipag k'wentuhan nila kay Jeremine habang ako ay tahimik lang

'Andito pala siya para daanan ako at para sabay na raw kaming makapunta sa school. Well siya naman ang may ari ng school kaya 'di na ako mag ta-taka kung doon s'ya pupunta

The Badboy's Innocent Girl Where stories live. Discover now