chapter 26

8.1K 159 28
                                    

AVYANNA'S POV

"Mommy, gusto ko na po talaga makita si Daddy" mahinang sabi ni Zacharious habang hawak ang picture namin ni Jeremine nung nasa tagaytay kami sa resort

Napatitig ako sa kaniya. Minsan naaawa na'ko dahil sabik na sabik siya na makita at mahawakan ang tatay niya at hindi kumpleto ang araw n'ya ng hindi nakikita ang daddy n'ya sa picture

"Soon anak" sabi ko rito at hinalikan ito sa noo

Humahanap lang ako ng tyempo
_______

'Andito ako ngayon sa may cafe, kagagaling ko lang sa company nila tita kasama si Andrea pero nag paiwan si Andrea dahil marami pa s'yang aasikasuhin

"Omg.... Avyanna is that you?" Biglang may nag salita sa harap ko kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko ang babaeng matagal ko ring hinahanap

"Red..." Bati ko rito at agad binigyan ng ngiti

Tumayo ako mula sa pag kakaupo at nakipag beso sa kaniya

After nun ay niyaya ko siyang umupo sa harap ko kaya agad naman itong sumang ayon at agad na umupo

"Kumusta ka na?" Tanong ko 

Napatango ito at tipid na ngumiti "I'm fine" sabi nito pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Parang may lungkot at galit doon na hindi ko maintindihan

Hinawakan ko ang kamay n'yang nasa lamesa at ngumiti dito, agad naman siyang napakagat ng labi at tumitig sa'kin

"Hindi marunong magsinungaling ang mga mata mo Red..." Ani ko dito nakita ko naman itong napabuntong hininga at umiwas ng tingin "i know what happened" taimtim na sabi ko rito. Nakita ko ang isang butil ng luhang tumulo sa pisngi niya pero agad n'ya iyung pinalis

"Hindi ko naman intensyon na gawin, 'yun eh..." Sabi niya at bahagya pang gumaralgal ang boses "he saw me and my friend naked...." saka s'ya tumingin sa 'kin "i-in my bed..." Tsaka siya napayuko. Naramdaman ko ang pagkakahigpig ng hawak niya sa kamay ko

Is she have a reason?

Napatitig ako sa kaniya dahil sa pag pipigil nito ng luha. Magaling siya pag dating doon pero mahahalata mo na may sakit s'yang tinatanim

"I'm drunk that day, and I don't really know what i was doing. Ni hindi ko maalala ang lahat. Ang naalala ko lang ay yung araw na naabutan nya kaming ganun at nakahubad" sabi niya at napailing

"Oh my...R-Red..." Naaawang sabi ko

Napatingala ito at nag paypay ng mukha bago ngumiti ng matamis sa 'kin pero alam kong pilit lang 'yun

"I'm really happy to see you again. Be careful okay?" Sabi nito at kinuha ang slingbag n'ya at bineso ako

"Aalis ka na agad?" Tanong ko 

"Yes kailangan kong kausapin sila tito at Jamela" sabi nito

Napatitig ako sa kaniya ng banggitin niya ang pangalan ni Jamela

Ba't napapansin ko na hindi mas'yadong nakakasama ni Jeremine si Jamela?

Nang makaalis na si Jamela ay saktong tapos na rin ako uminom ng coffee ko

It's already 9pm at kailangan ko nang umuwi. At for the first time, ay nakatulog daw ng maaga si Zach dahil napagod daw ito kakalaro sa palaruan kanina

Pag punta ko sa parking lot ay agad akong pumasok sa kotse ko at pinaandar 'yun. Mabuti na lang talaga at pinag driving lesson ako ni tita kaya nakakaya ko nang umalis mag-isa ng walang driver

The Badboy's Innocent Girl Where stories live. Discover now