chapter 23

7.7K 133 6
                                    

AVYANNA'S POV

Dahan-dahan akong dumilat nang makarinig ako ng boses

"Doc, makakalabas na ba s'ya mamaya?" Rinig kong boses ni Rick

"Yes, but she needs more rest, dahil pansin ko na mas'yadong pagod ang katawan n'ya kaya hanggat maaari kailangan n'yang mag pahinga" rinig kong sabi ng isang babae na doctor 'ata ito

Onti-onti kong iminulat ang mata ko. Unang bumugad sa'kin ang kulay puting paligid....

Hospital...

Napatingin ako sa gawi nila Gwynne at nakita ko silang nakikinig sa sinasabi ng doctor na kaharap nila

Not until napatingin sa gawi ko si Gwynne at gulat na napatingin sa'kin

"Gising ka na" ani nito at ngumiti sa 'kin, pero hindi ko magawang ngumiti pabalik

Onti-onting bumalik sa sa 'kin ang mga nangyari bago ako nagising sa lugar na 'to

Si Jamela...sinugod nya ako sa mall...at...at tinulak n'ya ako saka ko naramdaman ang pananakit ng puson ko kasabay nun ang pag dudugo ko at pag blackout ng paningin ko

Napalunok ako at napatingin sa kanila na nasa harap ko na pala

Hinawakan ni Gwynne ang kamay ko at taimtim na tumingin sa 'kin

May pag aalalang tingin akong nabasa sa mata nila

Bakit?

"A-Anong nangyari? Ba't ako d-dinugo?" Tanong ko nung maalala ko ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay

Napaka weird dahil bakit ako duduguin dahil lang sa pag bagsak sa sahig?

Nakita ko kung pa'no sila nagkatinginang tatlo nung doctor

Ngumiti ang doctor sa 'kin bago ito mag salita

"Dinugo ka kanina dahil raw sa pag tumba mo...at maswerte ka at malakas ang kapit ng bata, kaya walang masamang nangyari kay baby..." Masayang ani ng doctor

Gulat akong napatingin sa kaniya at kila Richard at Gwynne na parehas tahimik,  pero naka yuko lang sila at tila ayaw mag salita

"B-Baby?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanila

Nag sisimula na namang mangilid ang luha sa mata ko

Baby....

"Yes, you are 3 weeks pregnant Ms. Rocce" pag aanunsyo n'ya sa'kin

Tila natulala ako dahil sa narinig ko. Kung nananaginip man ako sana gisingin na 'ko.

Hindi makapaniwalang napahawak ako sa tiyan ko

I'm pregnant?

"Pag pahingahin mo lang ang sarili mo dahil mas'yadong pagod ang katawan mo, and please... be careful next time, okay?" Paalala sa 'kin ng doctor at ngumiti sa 'kin kaya nginitian ko s'ya pabalik

Nung makaalis ang doctor ay agad umupo sa gilid ng kama sila Richard at Gwynne

"Is that jeremine's child?"  Bungad na tanong sa 'kin ni Richard

Napakagat ako ng labi at naluluhang napatingin sa kanila, saka ako dahan-dahang tumango

"Oh eh anong plano mo ngayon?" Tanong naman ni Gwynne

Umiling ako "hindi ko alam..." Mahinang sagot ko saka bumuntong hininga at nilalaro ang kamay ko "ayokong may makaalam..." Dagdag ko saka nag angat ng tingin sa kanila

Kita ko ang pag aalalang tingin nila sa 'kin. Marami akong kinatatakutan pero mas lalong lumala ang takot ko dahil sa nalaman ko... May kasama na ako ngayon na nasa loob ng tiyan ko at ayokong mapahamak siya.

The Badboy's Innocent Girl Where stories live. Discover now