chapter 14

9.8K 193 26
                                    

WARNING SPG (R18+)

AVYANNA'S POV

May narinig akong katok mula sa pinto kaya napatingin ako roon at hinanda ang ngiti, at pag bukas ko nun ay tumambad sa'kin si Jeremine na agad akong niyakap ng pahigpit

"I miss you, baby" anito kaya nakangiting yumakap din ako pabalik

"Parang hindi mo'ko nakikita kaninang umaga bago ka umalis" sabi ko 

Lumayo ito sa'kin at hinalikan ako sa noo

"Hindi ko talaga kaya kung hindi kita nakikita" anito saka hinawakan ang mukha ko

"Lakas mong mang-asar" sabi ko sa kaniya kaya nakita ko ang pagngiti niya

"Oh, kumain ka na nag luto pala ako" sabi ko saka ko hinila ang braso n'ya papunta sa dinning area

Nag luto ako ng tinola, buti na lang at may pagkain sa ref akong nakita. Kumpleto naman sila ng gamit dito, 'onti na lang at pwede na 'kong tumira rito

Pero syempre joki joki lang

"Masarap 'to ah" puna n'ya sa niluto ko. Kaya agad akong natuwa dahil sa narinig ko. Sanay naman akong makarinig ng ganito pero iba talaga kapag galing sa kaniya iyon

"Talaga?" Tanong ko rito kaya agad itong tumango at sumubo ulit ng panibago

"Pero mas masarap ka." Dagdag nito kaya agad nanlaki ang mata ko

"Hoy! Ang creepy mo ah! Hindi ako kinakain, tao ako" sabi ko. medyo lumayo ako dito

Ngumisi ito at binitawan ang hawak niyang kutsara at tinidor saka lumagok ng tubig at tumingin sa'kin

Nag krus ito ng braso at pinasadahan ako ng tingin

"I can eat you in different ways, baby" sabi nito

Napakunot ako ng noo at sinamaan ito ng tingin

"Ang dami mong sinasabi, kahapon ka pa." Inis na agil ko pero tinaasan lang ako ng dalawang kamay nito na tila sumusuko habang natatawa

"Hey, easy woman... this is my first time seeing you mad like a little cat" sabi niya pero inirapan ko siya "ang cute mo pa hug nga!" Sabi niya at astang i-h-hug n'ya ako nang bigla akong umalis sa upuan ko kaya nawala ang ngiti nito at biglang napalitan ng busangot na mukha

"Maliligo na nga ako ayusin mo na lang diyan" sabi ko at saka tumalikod 

"Nabitin na naman ako do'n ah" rinig kong sabi niya nung tumalikod ako

Napangiti na lang ako at napailing

Pero agad ulit akong humarap sa kaniya, kaya napataas ito ng isang kilay tila nag tatanong kung may kailangan pa 'ko

"Please 'wag ka munang pumasok sa kwarto maliligo lang ako" sabi ko 

Nakita kong napakagat ito ng labi tila pinipigilan ang pag ngisi bago tumango

"Okay..." Sagot nito

Pag pasok ko sa kwarto ay ni-lock ko ang pinto at niready ang mga sosuotin ko na pajama at sando

Agad akong nag tungo sa cr at sinimulan nang mag shower. Minuto rin ang tinagal ko bago ako natapos. Agad akong nag suot ng tiwalya sa katawan at sinuklay ang basang buhok ko gamit ang daliri ko

Lumabas ako ng cr ng naka twalya lang at walang kahit na anong suot na undies sa loob, wala naman akong pake dahil napagbilinan ko naman si Jeremine

Pero 'yun ang akala ko dahil pag labas ko sa cr ay tila nagyelo ako sa kinatatayuan ko nang makita si Jeremine na diretso ang tingin sa'kin habang naka sandal sa hamba ng pintuan, habang tila nilalaro sa kamay n'ya ang susi

The Badboy's Innocent Girl Where stories live. Discover now