chapter 10

10.8K 188 9
                                    

AVYANNA'S POV

"Pero teka wala ka talagang cellphone?" Tanong ng lalaking 'to. Kanina niya pa ako kinukulit, siya 'yung lalaking sumabay sa'kin nung uwian, kaklase ko.

"Oo, hindi ako nag ce-cellphone wala naman akong tatawagan" sabi ko dito at hinigit ang braso kong hawak n'ya "saka 'wag mo'ko kausap-kausapin dahil hindi naman kita kilala, kaklase lang kita" naka simangot na ani ko

Natigilan ito at kunyaring napapahawak sa puso habang kunyaring nasasaktan "aw! Ang sakit nun ah! Hindi pa nga kita nililigawan basted agad?" Saka siya ngumisi kaya umiwas ako ng tingin at tumuloy sa pag lalakad "...ah by the way I'm Richard pala" ani nito at pilit hinahabol ako ng lakad kaya napatigil ako at napapakamot ng ulo dahil sa kakulitan n'ya

Ibalik ko kaya 'to sa tiyan ng nanay niya

"Stay away on my girl" pareho kaming napatingin sa likod ng may mag salita nun. At nakita ko si Jeremine na sobrang dilim ng tingin samin ni Richard.parang kqhit anong oras ay p'wede siyang sumabog sa galit

Napatingin ako kay Richard na napapakamot ng batok habang dahan dahang lumayo sa'kin

Nagulat ako ng biglang kunin ni Jeremine ang kamay ko at hatakin.

Grabe, hindi man lang ako nakapag react at diretso niya pa talaga akong hinila huh. Kailan ba siya magiging gentleman

Bigla na lang kami nag lakad kaya napatingin ako kay Richard na kumaway sa'kin kaya nginitian ko na lang siya at nag patianod sa hila sa'kin ni Jeremine

Nag sisimula na naman tumibok ng mabilis ang puso ko ng mapatingin ako sa kamay naming magkahawak. Why did i always feel this when he is just around?

Huminto kami sa likod ng building at agad n'yang hinarang ang dalawang kamay niya sa gilid ko at seryosong tumingin sa'kin, kaya napalunok ako

"Bakit kasama ka na naman nun?" Tanong niya kaya taka akong tumingin sa kaniya

At bakit n'ya na naman tinatanong 'yun?

"Tinatanong niya lang naman kung ano phone number ko. Eh wala naman akong cellphone" naka ngusong paliwanag ko, at nakita ko ang pagkunot ng noo niya na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko

Hala! Sinabi ko lang naman yung totoo. Wala naman kasi talaga akong cellphone

"Hala, oy ba't ka galit?" Tanong ko rito at agad hinawakan ang noo niya at pilit tinatanggal ang pagkakunot nito "wag ka ngang kumunot ng noo, para kang papatay ng tao" puna ko rito, at dahil doon ay onti onting lumambot ang mukha n'ya at huminga ng malalim bago tumingin sa'kin "yan pogi ka na!" Masayang ani ko at hinalikan ko siya sa pisngi na ikinatigil niya

"Are you teasing me baby?..." Tanong nito kaya binaba ko ang kamay ko at nakangusong nakatingin sa kaniya

"Hindi ah sinasabi ko lang 'yung totoo eh"

"Tss" bulong nito saka lumayo sa'kin at may inilahad sa'kin na paper bag kaya taka akong napatingin doon

"Para saan 'yan?" Curious na tanong ko

"Buksan mo" utos nito. Kaya kahit nag tataka ay kinuha ko 'yun at dahan-dahang binuksan

At agad akong natigilan nang may makita akong box ng cellphone sa loob nun

"D-Don't tell me..." Napapaisip na sabi ko gamit ang mabagal na salita. Nanliliit ang matang tumingin ako sa kaniya pero ngumisi lang ito at nag kibit balikat

"It's really for you. May simcard na rin 'yan at naka lagay na riyan ang cellphone number ko. If I have a free time, I'll teach you how to use it" sabi nito kaya dahan-dahan akong tumango at nakangiting kinuha 'yung box sa loob

The Badboy's Innocent Girl Место, где живут истории. Откройте их для себя