chapter 2

14K 282 23
                                    

AVYANNA'S POV

Nang makapasok kami sa mansion ay agad kaming sinalubong ni mama, nagulat pa ito ng mapansin niyang kasama ako nila kuya, pero pinaliwanag naman agad yun ni kuya, kaya napa tango si mama at ngumiti sa kanila

"Tamang tama dito kana kumain jeremine naka ready na ang pagkain doon sa dining area. Buti na lang at sinabihan ako ni helton na darating ka" nakangiting sabi ni mama kay jeremine

Close pala siya sa mga magulang ko diko alam ah...sabagay ngayon lang pala ako dito

Pagpunta namin sa dining area ay agad kaming umupo, asa tapat ko si kuya at jeremine, medyo ilang nga ako dahil minsan napapansin ko na napapatitig sa'kin yung jeremine 'tas kapag tinitignan ko din siya biglang iiwas

Si mama at papa naman ay katabi ko

Nag simula na silang mag usap habang tahimik akong kumakain, inilalayo ko nga lang ang egg na hinanda ni mama dahil may allergic ako doon, dahil kahit dampian lang ako sa balat nun ay nangangati na ako

"How did you fight the master of the group?" Napatingin ako kay dad ng tanungin niya ng ganun sila kuya at jeremine

Fight? Diba away yun? Ta's ano? Master of the group? Ano yung master?

Kunot noo akong nag palipat-lipat ng tingin kela kuya at jeremine dahil sa pagtataka

Napainom muna ng tubig si kuya bago natatawang sumagot

"It's so easy dad. Tsaka walang panama yun samin ni jeremine" ani ni kuya kaya napa taas ng dalawang kilay si papa

"Good. Pag patuloy nyo yan dapat nga hindi niyo na hinayaang huminga" agad nanlaki ang mata ko nang marinig ko 'yun mula kay dad

"Wag lang nila susubukang gumamit ng ibang tao or wag lang nila gamitin ang kahinaan ng isa sa amin" ani naman ni Jeremine tsaka siya napatingin sakin kaya agad akong napakagat sa labi at umiwas ng tingin

"Kaya nga dapat di n'yo na hinayaang huminga" pagpipigil na tawang ani ni papa kaya napanguso ako habang ngumunguya

Nagulat si papa ng bigla siyang hampasin ni mama sa braso

"Susme! Ba't mo naman kinukunsinti!" Napahawak si papa sa braso dahilan kung bakit natawa ang dalawa sa harap habang pinapanood sila papa

"Masaya kaya makipag bardagula-aww! Honey nakakadalawa kana!" Pag mamaktol ni papa kaya di'ko din napigilan ang matawa

"Mamaya mahawa sa kagaguhan mo si Avyanna!" Halos pabulong na ani ni mama pero rinig naman namin

"Ayaw mo kumain nito?" Biglang nag salita si kuya kaya napatingin ako sa inilahad niya pero agad akong umiling at sinenyas na ilayo sa akin 'yun

"Why?" Takang tanong pa nito

"I'm allergic in eggs" sabi ko dito kaya napatango si kuya at nilayo iyon

Napasulyap ako kay jeremine na titig na titig sakin habang naka cross arm, bahagya pa siyang napakagat sa labi, pero ng mapansin niyang nakatingin ako ay pasimple itong ngumisi

"You can start to do the exam for your college tomorrow at 7:00 am" biglang sabi nito kaya napa kurap ako

Ako? Ang bilis naman 'nun tsaka bat s'ya yung nagsasabi nun? Isa ba sya sa tinutukoy nila dad na may ari ng school?

"Mabuti naman at ganun" napapatangong sabi ni kuya

Kahit na nagtataka ay hindi na lang ako nag salita at ngumiti sa kaniya pero tinaasan lang ako nito ng isang kilay

Sungit!

Kinabukasan ay agad akong gumising ng maaga, routine ko na din talagang magising ng maaga dahil bawal kela lola dati ang pag gising ng late lalo na't inaayos namin nang maaga ang restaurant

The Badboy's Innocent Girl Where stories live. Discover now