chapter 28

8.2K 143 4
                                    

AVYANNA'S POV

"Stay here" seryosong sabi sa 'kin ni Jeremine pero umiling ako

"N-No, sasama ako g-gusto ko makita si Zacharious" sabi ko rito saka tumingin sa mata n'ya "sorry...sorry kung tinago ko s'ya, pinangunahan ako ng takot" nanginginig ang boses na ani ko

Pinaglandas n'ya ang daliri niya sa pisngi ko pero seryoso pa rin ang tingin na ibinibigay sa 'kin "saka na natin pag-usapan kapag ayos na ang lahat" aniya. Gusto kong mag sorry sa lahat ng ginawa ko, ang wrong timing lang dahil sa biglaang pagkawala ni Zach

"Bro! May location na binigay si Sun!" Biglang sigaw ni Harold at lumapit sa amin para ipakita ang cellphone niya

"T-Totoo ngang s-sila ang kumuha sa anak ko?" Kinakabahang tanong ko, agad naman itong napatango at napakagat ng labi tila hindi makapaniwala sa nangyayari

Biglang hinaplos ni Jeremine ang mukha ko at iniangat ito "stay here okay? I-su-sure ko na kasama na namin ang anak natin kapag nakuha na namin s'ya" saka n'ya ko mabilis na dinampian ng halik sa labi "damn! Hindi ako makapaniwalang matagal na pala akong daddy" sabi nito at bahagyang ngumiti sa 'kin

Imbis na mapangiti ako lalo akong napahagulgol, kaya agad ko siyang niyakap

"P-Please... be s-safe" paalala ko

Sa huling sandali ay hinalikan niya ako sa noo bago sumunod kila kuya

May kinuha siyang baril kay Chester na kakadating lang. Wala raw sana siyang balak umattend ng party pero bigla raw siyang tinawagan ni kuya Helton dahil need nila ng backup

Ngayon ko lang nalaman na grupo pala silang mag kakaibigan. Hindi sila basta basta magbabarkada, sila rin 'yung nagtutulungan kapag may kapahamakan na nangyayari. Kaya hawak din sila sa patalim kung minsan

Agad akong inalalayan papasok sa loob ni Red

Wala na rin ang mga bisita, dahil maaga silang pinaalis dahil nga sa nangyari ngayon, kaya kami-kami na lang nila mama, papa, ako at si Red ang natira. 'Andito rin ang mga kasambahay na inaayos na ang mga kalat

Sinalubong kami ni mama at papa agad akong niyakap nila mama at papa

"May apo na pala tayo, honey..." Di makapaniwalang ani ni papa, nakita ko silang magkatinginan ni mama

Bahagya ring umiiyak si mama dahil sa nabalitaang nasa panganib ang apo niya

"Sana maayos ang lagay ng apo ko, jusko" naiiyak na sabi ni mama bago sila humiwalay sa 'kin

"Magiging maayos din po ang lahat mag tiwala lang po tayo" sabi ni Red at pilit silang pinapahinahon

"H-Hindi ko k-kayanin kapag may nangyaring masama kay Zacharious...." Mahinang ani ko saka napayuko ng tumulo nanaman ng sunod-sunod ang luha ko "s-sana maging m-maayos ang mag ama ko" dagdag ko at nanghihinang napahilamos ng mukha gamit ang palad ko

Hinagod naman ni Red ang likod ko para patahanin ako pero hindi ko kayang tumaham sa ganitong sitwasyon

'Yung dalawang kahinaan ko nasa panganib ngayon pa'no ako hihinahon?

Jeremine..... Zacharious....

Ang daming bumagabag sa isip ko. Ayokong may nawawala sa buhay, sila na lang 'yung pinanghahawakan ko eh....

Pero bigla ay natigilan kami nang biglang may narinig na pumasok sa pinto kaya napatayo kami at tumingin doon

Agad kaming napahakbang patalikod ng makita kung sino 'yun

"Long time no see mareng Red at mareng Avyanna" sabi ng taong nasa gitna

"S-Sun" sabay na ani namin ni Red

The Badboy's Innocent Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon