chapter 20

8.3K 124 7
                                    

AVYANNA'S POV

Nagising ako dahil sa katok na nagmula sa pinto ko kaya napatingin ako roon at bahagya pang napa kunot ang noo

"Avyanna, open the door" agad nagising ang diwa ko ng makilala ko kung kaninong boses iyon.

Ba't ang bilis naman nilang maka uwi? I think mga nasa dalawang linggo pa lang sila sa London ah

Tumayo ako at agad binuksan ang pinto, at bumungad sa'kin ang nakangiting si mama at papa agad ko silang niyakap dahil doon

"I miss you both, i thought you're 1 month staying in London?" Takang tanong ko rito

"Parang ayaw mo naman kaming pauwiin 'nak" pang aasar ni Dad kaya mapakamot ako sa ulo

"Hindi sa gano'n Dad, nagulat lang ako kasi bigla kayong sumulpot" nakangusong dahilan ko sa kanila

"Dapat lang na magulat ka dahil anong oras na at tulog ka pa, mag-ayos ka at bumaba 'andiyan din ang mga magulang ni Jeremine at papa ni Harold kasama na rin 'yung dalawa sa baba" ani ni mama kaya gulat akong napatingin sa kaniya

Nagising bigla diwa ko ah

"Sino po?" Patanong ko ulit at baka nagkakamali lang ako dahil sa bilis mag salita ni mama

Daig pa rapper

"Yung mom and dad ni Jeremine nasa baba, pati na rin 'yung tatay ni Harold" dahan dahang ani ni mama

Ganiyan dapat mama.

Bigla kong naisip 'yung sinabi sa'kin dati ni Jeremine na may galit s'ya sa mom and dad n'ya. Ayos lang kaya s'ya ngayong kaharap 'yung magulang n'ya?

Nang bumaba sila mama at papa ay napatingin ako sa orasan. And it's already 9 AM in the morning na pala. Hindi ko napansin dahil sa sarap ng tulog ko. Feeling ko kasi na hihilo ako kapag tatayo at mag lalakad ako

Nag suot ako ng disenteng damit pagkatapos ko maligo at mag-ayos ng pinag higaan ko

Nang matapos ay agad akong lumabas at hinagod ko pa 'yung buhok ko dahil baka magulo, ayokong humarap sa mga magulang nila na magulo ang itsura ko

Pag hinto ko sa dinning area ay rinig ko na agad ang tawanan nila habang kumakain kaya bahagya akong napakagat sa labi at huminga ng malalim para pigilan ang kabang naramdaman ko

I feel uneasy today

"Oh, Avyanna nandiyan ka na pala, tara rito, upo ka." biglang sabi ni papa kaya napatingin silang lahat agad sa'kin

Halos magtaasan ang dugo ko sa mukha dahil sa hiya. Ba't ba kasi ang ingay ni papa eh!

Umupo ako sa upuang pinanggigitnaan ni kuya helton at papa, samantalang ramdam ko naman ang tingin ng mama ni Jeremine sa'kin at ang tingin din ni Jeremine sa'kin

Medyo tumahimik kaya nag angat ako ng tingin at nahagip kong nakatingin sa'kin 'yung mama ni Jeremine pero may nababakas akong gulat doon

Bakit?

"O-Oh hello dear, nakauwi ka na pala" biglang saad ng papa ni Jeremine kaya tipid akong ngumiti rito at tumango

"Y-Yes po..." Mahinang ani ko at napasulyap kay Jeremine na nakasandal sa inuupuan niya habang magkakrus ang braso sa dibdib at walang reaksyon na nakatingin sa'kin, pero pansin ko ang mapanuring tingin nito

Pero hindi maitatanggi na mukhang nag e-enjoy s'ya titigan ang mukha ko

Agad akong umiwas at nag simula nang kumain

"How are you, hija?" Tanong naman ng mama ni Jeremine

"I'm doing great naman po" magalang na sagot ko, nakita kong napatango ito. Pansin ko ang pamamawis na kamay ko sa ilalim ng lamesa dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon

The Badboy's Innocent Girl Where stories live. Discover now