chapter 9

11K 209 51
                                    

SPG SLIGHT LANG

AVYANNA'S POV

Lumipas ang araw at ganun pa rin ang nangyayari, lagi niya akong hinahatid sa school dahil doon din naman ang punta niya, at lagi niya akong binibigyan ng pagkain tuwing lunch.

Minsan sinasabi ko na ayaw ko na ginagawa niya 'yun pero ginagawa niya pa rin. Ewan ko pero sa tuwing ginagawa niya iyon ay lalong lumalala ang weird na nararamdaman ko sa kaniya. Natatakot na ako sa p'wede ko pang maramdaman

Ta's isa pa 'yung relationship nila ni Red. Hindi ko pa rin malaman kung ano bang meron sa kanila. Kahit si Jeremine hindi sinasabi sa'kin, siguro nga totoo ang hinala ko na sila, kaya niya hindi masabi sa'kin ang totoo

"Avyanna, congrats ikaw ang pinaka mataas sa markahan na'tin ngayong week" ani ni ma'am kaya agad akong pinalakpakan ng mga kaklase ko. Agad naman akong ngumuti at nag pasalamat

Nang natapos ang klase ay agad akong tumayo para sana lumabas nang biglang may humarang sa'kin. He's tall and handsome. But he look like a play boy

"Uh... congrats pala kanina" sabi niya kaya napatango ako at ngumiti sa kaniya

"Thank you" sabi ko

"Welcome... uhh... Pauwi ka na ba?" Tanong niya saka kami nag simulang maglakad

S'ya lang 'ata ang unang nag lakas ang loob na lumapit sa'kin para makipag usap, hindi naman ako 'yung tipo na basta na lang makikipag usap sa ibang tao, gusto ko sila ang unang kakausap sa'kin para pansinin ko sila

"Yes..." Mahinhin na ani ko

Tumitig muna ito sa'kin bago umiwas ng tingin at muling ibinalik sa'kin "h-hatid na kita? I have a car..." Pang yayaya niya sa'kin pero umiling lang ako

"May mag hahatid sa'kin sa bahay eh, sorry"

Natigilan ito at napakurap bago napapahiyang tumingin sa'kin "ah gano'n ba.. ano... sige, alis na ako ingat ka" tila ba nahihiyang pag papaalam nito

Habang sinasabi niya 'yun ay aksidenteng tumama ang tingin ko sa lalaking naka sandal sa kotse habang mag ka krus ang braso sa harap at seryosong nakatingin sa'min. Parang kahit anong oras p'wede siyang makapatay sa pamamagitan ng tingin na pinupukol niya sa'min

So weird

"S-Sige" utal na sabi ko kahit medyo hindi ko maintindihan ang sinabi niya

Nang makaalis na siya ay agad akong lumapit kay Jeremine. Huminto ako sa harap niya at nakipag labanan ng tingin. Para akong nahuli ng isang magulang na may ginawang kasalanan kanina

"Get inside" utos nito, kaya agad akong napalunok at walang salita na pumasok sa loob ng sasakyan, ganun din siya

Halos seryoso siya kahit 'asa byahe kami

"Sino 'yun?" Pang babasag n'ya sa katahimikan

"Kaklase ko naka sabay ko lang" sabi ko rito at tumingin sa bintana

Hindi ko alam kung bakit kailangan n'ya pang itanong 'yun. Samantalang dapat ay nakatutok s'ya kay Red hindi sa'kin

"Iuwi mo na lang ako." Diretsong sabi ko, ni hindi ko alam kung sa'n ako humugot ng lakas para makapag salita ng gano'n

Pinaandar n'ya ang sasakyan n'ya at seryosong nakatutok sa kalsada pansin ko ang paghigpit ng hawak n'ya sa manibela

"Hindi. Hindi kita iuuwi mag-uusap tayo."

Natigilan ako dahil sa narinig ko sa kaniya at kunot noong napatingin dito

At ano namang pag uusapan namin?

The Badboy's Innocent Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon