Chapter 44

101 1 0
                                    

Kanina pa paikot ikot si Jann habang hinahanap ang babaeng alam niyang hindi siya pwedeng magkamali.

Si Sandra.

He's been calling and texting her after he arrived from Canada to attend a meeting. Dapat ay ang ama sanang si Paul ang pupunta ng Canada para sana um-attend pero dahil kaarawan ng kanyang Mommy Dianna ay hindi na siya nakatanggi pa sa hiling ng kanyang Ama.

Miss na miss na niya ito. Alam niyang hindi siya agad nakapagpaalam dito dahil biglaan ang flight niya at sigurado siyang nagtatampo ito. Inisip niya habang nasa Canada na saka na lang niya ipapaliwanag ang lahat sa dalaga.

Plano na rin niyang ipakilala si Sandra sa ga magulang niya kaya naman pagbaba ng eroplano kaninang 6pm ay nagtext na siya dito at may binigay siyang address. Sinabi niya na magkita sila sa address na ibinigay niya. Surpresa sana niya ito sa dalaga pero walang sumasagot ng tawag o nagreply sa kanya. Marahil ay nagtatampo pa ito.

Hindi na niya nagawang puntahan pa ito sa condo unit dahil nagpasundo naman sa isang hotel ang kanyang half-sister na si Gwen. Anak ito ng Daddy niya sa ibang babae. Pumanaw naman ang ina nito pagkatapos manganak sa kanya kaya mali man ang ginawa ng ama ay buong puso pa rin itong tinanggap ng kanyang Mommy Dianna.

At dahil mabait na bata ito ay nagkasundo din naman sila hanggang paglaki nito. Itinuring na rin nila itong kapamilya at hindi ibang tao.

Nagpasundo ito kanina at nadatnan niya pang umiiyak. Nakipaghiwalay daw kasi ang biyfriend nito dahil sa kanyang Amang si Paul. Ayaw kasi ng kanyang Ama dito dahil napapabalitang drug lord ang Ama nitong businessman din na noong nakaraan namang taon ay nakulong dahil sa kasong stafa.

Overprotective din kasi ang Daddy niya kay Gwen. Kahit man siya. Alam din naman niyang maiintindihan nito ang lahat pagdating ng panahon.

Kanina naman ay kasalukuyan niyang inaalo ang kapatid nang makita niya ang kamukha ng kanyang girlfriend na si Sandra. Akala niya ay namamalikmata lang siya dahil ano nga naman ang gagawin nito sa bahay nila pero nang makuta at matitigan niya ito ng mabuti, alam niyang ito nga ang babaeng mahal na mahal niya.

Si Lessandra.

Alam niyang bakita silang dalawa nito at alam niya rin na baka kung ano ano na ang iniisip nito ngayon. Hindi rin kasi niya ito nahabol kaagad dahil bigka naman siyang hinarang ng matalik na kaibigang si Lance na kararating lang sa mansiyon. Nang lumingon siya at hanapin s apaligid ay hindi na niya nakita pa ang dalaga.

"Son! Finallly, nandito ka na pala? Nasaan si Gwen?" Si Paul habang hinahanap ang isang anak. Hindi naman sumagot si Jann na abala sa paglinga linga habang hinahanap ang babaeng kanina pa niya hinahanap.

"Paul Jann!"

Napatingin siya sa ama na nagtataka sa ikinikilos niya.

"Nasaan si Gwen, ang kapatid mo? Akala ko ba ay sabay kayong pupunta dito?" Tanong muli nito.

"She's in her room, Dad. May kukunin lang daw siya. Umakyat siya kanina lang."

"Who are you looking for? Your Mom is talking with your cousin, Alfie." Itinuro pa nito kung saan nakatayo ang asawa na akala nito ay hinahanap niya.

"Akala ko din ba ay may ipakikilala ka?" Muling sabi ng kanyang Ama na napapatingin rin sa kung saan siya nakatingin.

"I think I saw her, Dad." Tanging sagot niya.

"Saw her? Who's her?" Nagsalubong ang mga kilay nito. "It's  a private occasion, PJ. Lahat nang nandito ay kilala ng pamilya at malapit lang sa amin ng Mommy mo."

"Nasaan na ba ang ipakikilala mo?" May himig ng excitement sa boses ng ama.

"Did you finally find a wonderful woman to marry?" Biro pa nito.

"Finally, Dad." Maikling sagot niya dito na hindi man lang tiningnan ang ama dahil hindi pa rin makita ang babaeng hinahanap.

"Hijo, come here... how's your flight?" Bati naman ni Dianna habang palapit sa mag-ama.

"Hon, your son here is finally find someone to marry." Nakangiting banggit ng ama.

"Ano? Marry agad? Ni hindi pa namin nakikilala ng Daddy mo?"

"Mom, Dad. Hinahanap ko nga, eh. I think I saw her."

"But... it's imposible. How clud she know this place? Hindi naman niya sinasagot ang tawag ko."

"Wait, will you just tell me about this girl you are talking?" Seryosong tanong ni Dianna.

"Where did you met her? Fron what family?" Sunod na tanong din ng kanyang ama.

"You'll meet her soon, Dad, Mom."

"I'll be back, I need to check something." Paalam niya bigla.

"PJ! Saglit, will you tell us first who is this girl?" Habol ng kanyang ina na hindi naman na nilingon ng binata.

Hinalughog ni Jann ang bawat sulok ng buong mansiyon. Kung saan ito pwedeng magpunta. Kasama na doon ang mga rest room. Wala siyang pakialam kung ano ang sabihin ng mga maabutan niya sa pambabaeng banyo dahil kilala naman iyon ng pamilya.

Nakaikot na sana siya pero wala man lang siyang nakita kahit anino ng nobya.

Naisip niya na baka nga nagkamali lang siya. Paulit ulit rin niyanh i-dinial ang number nito pero hindi pa rin sumasagot.

Maybe he just missed her very much.
Pero talagang nakita niya si Sandra. Imposible naman na may kamukha iyon at paano rin nakapunta sa mansiyon nila. Ano naman ang gagawin niya dito?

Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa kaiisip. Kailangan niyang puntahan sa condo unit ang nobya. Kailangan niya itong makita at mayakap.

Papunta na sana siya sa parking ng makitang wala ang sports car niya. Nang tanungin naman niya si Edgar na nagsisilbing bantay sa guardhouse nila ay muntik na siyang mapamura nang sabihin nito na ginamit ito ng kanyang matalik na kaibigang si Lance.

Hinanap daw siya nito oara magpaalam pero hindi siya nakita kaya naman nagsabi na lamang kay Edgar. Susunduin daw nito ang asawa dahil hinahanap daw ito ng kanyang Mommy Dianna.

Kaibigan kasi ng Mommy niya ang parents ng asawa ni Lance.

'Fuck!' Mahinang mura niya.

Hinagilap niya rin ang kotse na madalas niyang gamitin kada umuuwi siya pero wala din ito.

"How about the car I'm always using?" Tukoy nito sa everest na hindi niya mahagilap.

"Ser, pinahatid po ng Daddy ninyo 'yong magandang Doktor na dumating kanina." Nakangiting paliwanag ng guard.

Nagsalubong naman ang kilay niya.

"What doctor?" Hindi niya alam pero biglang kunabig ang dibdib niya.

"Nako, Ser. 'Di ko po alam ang pangalan. Basta maganda at seksi."

Pakiramdam ni Jann ay bigla siyang nakaramdam ng inis.

"Ay Ser, nakita ko na po ang magandang doctor na iyon noong isang beses na hinatid ko si Ma'am Dianna sa ospital. Noong wala si Ser Paul at nagpunta ng Cebu." Muling kwento nito habang kumakamot. Tila iniisip ang ibang detalye.

"You mean, they really know this doctor? Bakit hindi ko alam na nagpupunta ospital si Mommy? What hospital?" Lumapit na siya dito. Puno ng kuryusidad ang buong mukha niya.

"Di ba nga, Ser Paul. May monthly check up si Ma'am Dianna." Nahihiyang paliwanag nito.

Si Jann naman ay naalala ang sinasabi nito.

"Right..."

"Do you remember what hospital?" Tila naging interesado siya.

"Nalimutan ko na Ser ang buong pangalan, basta po sa Sucat road, Parañaque are 'yon sir."

Tila biglang lumakas ang tahip ng dibdib niya. Nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam na hindi niya pa maipaliwanag.

Nagsasalita pa ang guard pero hindi na niya iyon narinig pa dahil mabilis na siyang naglakad pabalik ng loob ng bahay.

He needs to talk to her mother.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now