Chapter 9 D

121 2 0
                                    

"Hoy! Bes!" Nagulat si Sandra sa pagpitik sa hangin ng kaibigan niyang si Ella na titig na titig pala sa kanya.

"W-what?" She suddenly look away and try to concentrate on what her doing.

Nagtataka namang sinundan siya ng tingin ni Ella at walang sabi-sabing kinuha ang laptop niya.

"Dra. Lessandra Olivares MD., ng cardiology department, at bestfriend ko. May hindi ka ba sinasabi sa akin? Are you hiding something important from me?"

"N... nothing. Ano naman ang itatago ko, aber?" Pilit niyang iniwasan ang mata ng kaibigan.

Pero tinaasan lamang naman siya ng kilay ng kaibigan at tinitigan muli. "I know you Lessandra, from your cephalic to your phalanx. At alam ko kapag may hindi ka sinasabi sa akin. O kaya ay may mga itinatago ka sa akin."

"Uh, huh! Kaya pala kada nagtatanong ako noong dumating ka at kahit noong mga nakaraan e wala kang ibang isinasagot sa akin kundi 'ok lang at ok naman'. Anong itinatago mo ha, Lessandra?" Matamang tinitigan siya ng kaibigan niya.

"May nangyari ba sa isla na 'yon na hindi ko nalalaman dahil ayaw mong ikuwento? What is it?"

"Will you lower your voice, Ella. Baka nakakalimutan mong nasa hospital pa tayo." Kinakabahan pero pinipilit niyang maging kalmado habang kausap ang kaibigan.

"So, ano nga? Magku-kwento ka ba o ano?"

Sasagot na sana si Sandra ng mag-ring ang telepono sa table niya. Humalukipkip naman si Ella habang naghihintay sa kanya.

'Doc, nai-forward ko na po lahat ng kailangan niyo para bukas. Kapag may file ka pa pong kailangan, tawag kana lang po, naka-prepare na lahat ng record na kailangan niyo.'

'Thank you Felicity. That's all. Pwede kanang umuwi muna dahil maaga pa tayo bukas.' Agad namang ibinaba ni Sandra ang tawag at nagulat pa sa kaibigang nasa harapan niya na pala.

"Okay.. I'll tell you everything later. Doon tayo sa condo ko, not here."

"Aasahan ko 'yan ha? Mag-aayos na ako kaya magpack-up kana rin dahil wala ka naman talagang pasok dapat ngayon."

"Whatever... Just go." Taboy niya dito na intinuro pa ang pintuan.

Nang makalabas ang kaibigan ay doon siya nagpakawala ng buntong-hininga. Sabay sabay na bumalik lahat ng mga nangyari ng gabing iyon.

"Later, bes huh? Sa condo mo, right?" Halos mapatalon sa gulat si Sandra ng bigla ulit itong sumilip sa pintuan.

"Ellaiza ano ba?!"

"See? Kilala talaga kita kapag may hindi ka sinasabi. Hindi ka naman magugulatin ah, alam mo 'yan dahil doktor ka. Habang andito tayo sa propesyon na ito b---"

"Oo na Senyora Ellaiza, umalis ka na nga para makapag-ayos na ako!"

Tatawa-tawa naman itong kumaway bago umalis sa pinto.


"Whaaaaat?!" Nanlaki ang mga mata ni Ella sa mga narinig na kwento ng kaibigan.

Katatapos lamang ng dalawang kumain at nilalantakan na lamang ng prutas at ice cream na binili nila kanina habang nagku-kwentuhan. Bibili pa sana ng wine si Ella pero di umubra ito sa kaibigang si Sandra na bihira lamang uminom, lalo na at may pasok sila parehas kinabukasan.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now