Chapter 14 D

123 2 0
                                    

Halos alas kwatro na ng umaga pero gising na gising parin si Jann habang sinisimsim ang alak sa baso niya. Mag-iisang oras na rin simula ng umalis si S, pero hanggang ngayon ay gising pa rin siya at hindi na dalawin ng antok. Kahit ano ang gawin niya ay hindi maalis ang imahe nang mukha nito sa utak niya. Ayaw man niyang aminin pero may parte sa pagkatao niya ang nami-miss ang dalaga.

Kanina ay nagpipigil lamang niya pero gusto na niya iyong hilahin at yakapin. He misses her for a weird reason.

Sinubukan niyang habulin kanina si S, pero hindi na niya naabutan ang elevator na sinakyan nito. Pagkababa naman niya ay wala na rin ito na sinadya atang umalis agad para 'di niya maabutan.

He has a lot of questions na gusto niyang itanong sa dalaga pero pakiramdam niya ay galit ito dahil sa ginawa nitong pag-iwas sa kanya.

Nasa gitna siya ng malalim na pag-iisip ng mapalingon siya sa tunog ng cell phone na alam naman niyang hindi sa kanya. Mataman na muna niyang tinitigan ang mobile phone na naiwan ng dalaga sa sofa niya.  Dahil siguro sa sobrang pagmamadali nito kaya hindi na nito napansin na wala ang cell phone niya.

Nang muli itong mag-ring ulit ay kinuha niya ito saka tiningnan ang lumabas sa screen na pangalan ng tumatawag dito. 'Dra. Ellaiza Marie Hidalgo MD.'

"Why is a doctor calling her at this hour?" Nagtatakang bulalas niya bago sagutin at pinakinggan ang nasa kabilang linya.

'Bes! Ano na ang nangyari sa'yo? Nakatulog na ako pagdating kanina kaya hindi ko napansin na low battery pala ako.'

'Hello? Uy! Naka-uwi kana ba? Napakalakas pa naman ng ulan. Sana kasi nag convoy na lamang tayo ay hinayaan mong sa condo mo ako matulog muna'

Tila may kung anong nabuo sa isip ni Jann na napangiti pa habang naririnig ang boses sa kabilang linya. 'Hello?'

'Who are you? Bakit hawak mo ang cell phone ng kaibigan ko? Nasaan siya?' Tuloy-tuloy na salita nito.

'I'm her friend.' Tila natahimik naman ang babae sa kabilang linya.

'Hello? Are you still there?'

'Sinong friend? What's your name?' Alam niyang nagdududa ito base sa mga tanong nito sa kanya.

'Ahm... Actually, I was the one who helped her to change her blown tires.'

'Where is she? Is she okay? Bakit hawak mo ang cell phone niya?'

Nag-isip siya ng pwede lang sabihin dito para hindi siya babaan.

'The truth is, nagmamadali na kase siya kanina dahil may pasok pa daw siya kaya naiwan itong phone niya.'

Tahimik parin ito.

'But I am really her friend, Im trying to call her telephone para sabihin na naiwan itong phone niya kaso baka tulog na siya kaya walang sumasagot.' Napahigpit ang kapit niya sa cell phone pagkatapos niyang magsalita. He's lying. Kailangan niya lang talagang mapaniwala ito para siya mismo ang magbalik sa dalaga ng cell phone nito na naiwan sa condo niya. Huwag lamang itong magtanong nang pangalan ni S dahil hindi talaga niya alam kung anong sasabihin niya.

He's praying na sana may telephone nga ito sa bahay para lusot na siya sa alibi niya.

'Ahh... Baka tulog na nga. May pasok pa kasi siya ng 8am.'

'Wala akong gagawin mamaya kaya pwede ko itong idaan na lang sa kanya. Okay lang ba 'yon? I know she needs this phone.' He crossed his finger hoping that his lines would work.

'Okay lang naman. But for sure busy na 'yon once dumating iyon mamaya sa hospital.' Napataas ang sulok ng labi niya.

Sa ospital ba ito nagta-trabaho? Is she a nurse? Or a doctor maybe?

'Okay then, where can I leave this phone para makuha niya agad?'

'9am pa ang duty ko today, pero aagahan ko nalang din dahil may mga gagawin pa ako. You may meet me there. Ako nalang ang bahalang mag-aabot sa kanya.'

'What's your name again?' Kapagdaka'y tanong nito.

'Jann.' Sagot niya.

'Okay, Jann. See you at salamat na rin. Pasensya ka na sa kaibigan ko. Minsan talaga lutang 'yon lalo na kapag bitin sa tulog.' Narinig pa niya ang munting pagtawa nito sa kabilang linya.

'Uhm... I have a little problem, nakalimutan ko na kung saang ospital ulit siya nagtatrabaho. I've asked her kaso hindi ko na maalala 'yong sinabi niya dahil parehas na kaming inaantok. Where is her workplace again?'

'Jann, right? Parañaque Doctors Hospital lang, for sure full name ko 'yang naka-save dyan kaya 'di ka na mahihirapang hanapin ako. Tawagan kita mamaya sa number ni Bes.'

'O-okay, then. Thanks.' Pagkababa ng tawag ay napangiti ang binata habang nakatingin parin sa cell phone na hawak niya.

"You can't run on me, woman." Mahinang bigkas niya.

Dumaan muna si Jann sa isang coffee shop at um-order ng black coffee bago tuluyang magpunta sa location na ibinigay ng kaibigan ni S. Naririnig na rin niya ang tungkol sa private hospital na ito sa parents niya pero never  pa siya nakapasok dito.

Pagkatapos niyang magpark ng sasakyan ay sinulyapan niya na muna ang relo sa bisig siya bago tuluyang bumaba. 8:45 na rin naman at mas mabuting siya na lang ang maghintay sa kaibigan ni S. Napailing na lamang ang binata. He still can't believe na ginagawa niya ito para lamang kay S.

"Good morning sir, may appointment po ba kayo o may pasyente kayo sa loob?" Tanong ng guard sa kanya.

"I'm Dra. Ellaiza Hidalgo's friend. I'm here to see her." Muntik pa siyang mautal nang banggitin ang pangalan ng kaibigan ni S na muntikan na niyang makalimutan ang pangalan.

"Ahhh... Kaibigan po pala kayo ni Doc Hidalgo. Pwede po kayong maghintay sa labas ng office niya."

"Akyat lang kayo sir ng 4rth floor, doon po ang cardiology department, sa bandang kaliwa. Hanapin niyo na lang ang pangalan niya sa mga pintuan doon."

"Thank you."

Habang naglalakad ay hindi maiwasang may mga mapatingin sa kanya. Nginitian na lamang naman niya ang mga ito saka seryosong sumakay ng elevator. Tiningnan na lamang niya ulit ang oras sa pambisig na relo bago pindutin ang numero kung saang floor siya bababa.

Napakalaki ng ospital na ito at siguradong malalaking tao din ang mga nagpupunta dito para magpagamot. Bukod sa pagiging organize nito ay napansin din naman niya na malinis at professional ang mga nagtatrabaho dito. Ewan na nga lang kay S kung bakit napakataray nito at ubod suplada hindi kagaya ng kaibigan nito na kinausap naman siya ng maayos. Pero kung siguro ay nalaman nito na hindi niya talaga kilala ang kaibigan ay baka binabaan na rin siya nito ng telepono.

Good thing at nakapag-isip siya agad ng alibi para hindi ito magduda.

Nang marating niya ang fourth floor ay halos mabingi siya sa katahimikan dito. He checked again his wrist watch. 9:02am naman na pero tila wala pang gaanong tao. Tiningnan niya ulit ang paper bag na may lamang cell phone ni S pero wala naman siyang narinig o nakitang may tumawag dito. Sinubukan niya itong buksan kanina pero kailangan pa ng face recognition kaya naman wala din siyang nagawa kundi titigan lang ito.

Napalingon na lamang siya sa tunog ng kakabukas lamang na elevator na pinanggalingan niya. Dahilan rin para matuon ang mga mata niya sa babaeng naglalakad palabas dito habang abala sa pagbabasa ng hawak na tablet nito.

Napangiti na lamang si Jann ng makilala ang babaeng abala ang mga mata nito na patungo sa gawi niya.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now