Chapter 42

103 1 0
                                    

Katatapos lang ni Sandra sa sa kanyang daily rounds, alas tres na ng hapon ng masulyapan niya ang pambisig na relo. For her, ito na yata ang isa sa pinaka-toxic na araw niya ngayong buwan.

Nagkakagulo ang emergency room kaninang umaga dahil sa road accident na kinasangkutan ng dalawang bus at tatlong private vehicle. Dalawa ang patay at ang marami ay malubha ang kalagayan at nasa ICU pa ang iba habang abala din ang operating room.

Short pa naman sila sa nurses dahil nagleave ang isa dahil buntis at ang dalawa naman ay nagresign dahil lamang sa eskandalo na naugnay sa sa playboy na anak ng direktor ng ospital. Wala din ang isang surgeon nila na nagkataong nasa two days vacation sa canada para sa kasal ng kapatid nito.

Kaya naman abalang abala ang buong ospital. Halos 'di rin sila nagkausap ng matagal ng matalik na kaibigang si Ella dahil maging ito ay iritable na rin sa dami ng inaasikaso at pabalik balik ng ER.

Katatapos lang naman ng round niya na dapat ay nagawa niya kaninang tanghali pero dahil nga abala ay pinahuli na niya iyon.

Hindi lang naman ang pagiging busy niya sa ospital ang problema. Iritable din siya dahil simula noong nakaraang araw na huli nilang magkita ni Jann ay hindi na niya ito ulit nasisilayan pa.

After what happened that night between them, nagpalitan sila ng cell phone number at nangako ang lalaki na pupuntahan siya kinabukasan. May aasikasuhin lamangd aw itong importante.

Pero lumipas ang buong araw kahapon na wala itong paramdam. Ayaw niya namang siya ang unang tumawag o magtext dito kahit na nakasave naman sa cell phone niya ang numero nito.

Maging kaninang umaaga hanggang ngayon ay umaasa siya na kada silip niya sa cell phone ay may mensahe ito o missed call, pero wala.

Wala ring Jann na nagpunta sa ospital kahit man lang mag-hi sa kanya. She's not expecting him to do it or make an effort dahil nga magkasintahan na sila pero natural na ata sa isang babae na umasa.

Pinipilit niyang magpakabusy buong maghapon at ituon na lamang ang atensiyon sa mga pasyente pero  sumasagi at sumasagi sa isip niya ito.

Kung ano na ang nangyari dito, kung magpapakita pa ba ito o baka naman kinalimutan na siya dahil lang may nangyari na sa kanila ulit.

Ilang ulit na rin niyang minura ito sa isip niya dahil sa sobrang inis at frustration dahil hindi man lang nito nagawang tumawag o magtext sa kanya bilang boyfriend niya.

Ganoon ba ito kaabala? Abala saan? Ni wala nga siyang alam talaga dito. Kung nasaan ito o ano ba talaga ang ginagawa.

Nagiging oa na ba siya? O baka epekto iyon ng pagbubuntis niya? Ang pagiging mainitin ang ulo at madalas mainis.

Kasalukuyan niyang kapit sa kamay ang cell phone at nag-iisip kung nagtetext ba o tatawagan niya si Jann nang bigla itong magvibrate. Bigla niya itong tiningnan at tila nanghina lang nang hindi ang pangalan ni Jann ang lumabas doon.

The call is from an unknown number. Nagtataka man ay sinagot na rin niya iyon.

"Hello, Dr. Olivarez?" Boses iyon ng may kaedaran nang lalaki.

"Speaking, sino po sila?" Agad naman niyang tanong dito.

"Dra. Olivarez, aasahan ka namin ni Dianna, hindi talaga ako tinigilan ng asawa ko hanggat hindi kita tinatawagan."

Bahagya siyanh natahimik habang nag-iisip kung sino ang tumawag. Mabilis din naman niyang nalaman na si Mr. Embarcadero ito dahil na bahagya niyang nabosesan ito at dahil na rin sa sinabi ng matanda.

"Kayo po pala, Mr. Paul Embarcadero." Sagot niya habang tinitingnan ang kalendaro na maliit sa table niya para tingnan kung anong date at araw ngayon. Tila napangiwi naman siya nang makita na Biyernes na nga pala at ito ang araw na nagpa-anyaya ang mag-asawa na pumunta siya sa bahay ng mga ito para sa munting salo-salo para sa kaarawan ng Ginang.

"Hija, ipapasundo na lamang kita sa family driver." Sagot naman ni Paul na tila sigurado nang makakapunta ang batang doktor.

Alas singko ay pauwi na rin naman si Sandra at wala naman siyang lakad. Kaya nga lamang ay nahihiya naman siya sa mag-asawa na talagang tinawagan pa siya para lamang ipaalala ang kaarawan ng ginang at nagsabi pa na ipapasundo siya sa family driver.

"Sir Paul, nakakahiya naman po. Baka po marami kayong bisita," nasabi na lamang niya. Gusto niya rin sanang humilata na lamang pag-uwi dahil na rin sa inis sa nobyo na hindi man lang siya naalala.

"Nako, Hija. 'Wag ka nang mahihiya. Parang kapamilya ka na rin namin. Maliit lang naman na salu-salo. Gusto rin naman naming mag-asawa na maipakilala ka sa ilang kaanak namin na malapit. Tanging ang ilang malapit lang naming kapamilya at kaibigan ang pupunta, at para na rin maipakilala ka namin sa anak namin. Iyong lagi naming ikinukwento sa 'yo." Pagbibiro pa ni Paul sa doktora kahit alam naman nito na may nobyo na siya.

Nahihiya man ay um-oo na lamang siya sa sa matandang Embarcadero. Ayaw din naman kasi niyang magmukmok sa condo unit niya habang naghihintay kung kailan siya pupuntahan o magpaparamdam ang nobyong si Jann na nakalimutan na ata siya.

"O paano, Hija. Aasahan ka na namin ng asawa ko, ha. Siguradong matutuwa iyon kapag nakita ka. Huwag ka nang mag-abala pa ng regalo basta at dumating ka ay masama na kami."

"S-sige po, Sir. Maraming salamat po ulit."

Nang maibaba ang tawag ay naiwan na lamang siyanh nakatulala habang nakatingin sa pinto.

Siguro nga ay tama lamang na umalis na muna siya. Total ay wala namang paramdam ang lalaking tila nilamon na ng bula. Naiinis din siya dito kaya naman mas mabuti sigurong aliwin na muna niya ang sarili niya.

Naging malapit na rin naman siya sa mag-asawang Embarcadero dahil sa pagiging private doctor niya ng mag-asawa.

Alas sais na nang makarating sa condo unit si Sandra. Naghintay pa siya sa opisina niya kanina sa ospital ng halos tatlumpong minuto para lamang tingnan lung may darating na Jann De Vaux para man lang sunduin siya o magpakita pero wala.

Wala ni anino nito ang nakita niya. Nangangati na rin ang kamay niyang tawagan ang numero nito mabuti na lamang ay natititiis niya pa.

Wala naman siyang ginawang masama o kaya ay nasabing masama para bigla na lamang itong hindi magparamdam. Nakarating na siya at lahat sa condo unit niya at talagang walang anino nito.

Inabala na lamang niya ang sarili sa pag-aayos para sa pupuntahang birthday party ng mga Embarcadero. Bahala na ang Jann na 'yon kung abutan man siyang wala sa unit o kaya ay hindi siya macontact dahil balak niyang iwanan na lamang ang cell phone once na dumating ang family driver ng mag-asawa na siyang susundo sa kanya.

Naiinis na ibinaba na lamang niya ang cell phone sa kama dahil kahit ata ano ang gawin niyang check sito ay wala siya mahihita.

Nag-uumpisa na namang bumalik ang inis niya sa lalaking kahapon pa niya hinihintay.

Si Jann.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now