Chapter 19 D

115 2 0
                                    

Dinala si Sandra ng binata sa isang sikat na Italian restaurant sa Makati. Pamilyar si Sandra sa kainan na 'yon dahil madalas na marinig niya ito sa ilang kakilala at katrabaho niya sa ospital.

Simula ng pumasok ang dalawa hanggang maka-order ng pagkain ang lalaki ay mas minabuti ni Sandrang hindi umimik. Tahimik lamang na inabot ng dalaga ang menu folder saka seryosong binuklat iyon. Tila lumiwanag naman ang mukha ng dalaga ng makita ang nakasulat na mga menu doon habang si Jann naman ay tahimik na nakamasid dito.

"I want this Minestrone e Francobolli and spicy Kobe meatballs." sabi nito sa katabing waitress na naghihintay ng order niya. "And this... Crunchy Sicilian pastry rolls filled with riccotta cream."

"Is that all Ma'am?" Tanong muli ng waitres sa kanya.

"Also this Eggplant parmigiana." Seryoso pero nangingiting habol niya sa waitress. Si Jann naman ay lihim na napapangiti habang natatakpan ng menu folder ang mukha.

"How about you, sir---"

"Tagliolini con lobster rago may do. And please one marinated procini." Napa-ubo pa ang lalaki bago sabihin ang order nito.

Aalis na sana ang waitress ng napalingon muli si Jann sa dalaga ng magsalita ito ulit. "Miss kindly add also one order of garlic bread." Pinipigilan ng binata na matawa sa narinig.

"Did you skip your lunch today?" Tanong ni Jann sa dalaga habang pinipigilang matawa sa dami ng in-order nito.

"N-no. It's just... I feel like eating today." Binawi ni Sandra ang mga ngiti sa labi niya ng makita ang nakakalokong tingin ni Jann.

"Okay, then."

"Fine! I love Italian foods, okay? My mom is half-Italian and she loves cooking me pasta since I was a ch---" Natigilan bigla si Sandra habang nagsasalita. "You don't have to know, anyway."

Natawa naman si Jann ng makita ang pamumula nito habang dini-depensa ang sarili sa kanya. "I love to hear more about you, Miss Olivarez."

"Whatever, you are the one invited me here anyway. It just happened that I also love Italian foods."

"Hey, I'm not judging you."

Humalukipkip lang naman ang dalaga bilang sagot. Nang ilang minuto na rin na tahimik ang dalawa at walang may gustong magsalita ay naglakas-loob na ulit si Jann na maunang magsalita para naman hindi mailang sa kanya ang dalaga.

"You want wine?"

Dahil sa tanong na 'yon ay sinamaan lang siya ng tingin ng dalaga. "I don't want to mean anything. I just want to clean the air between us." Agad na sabi ni Jann. Naisip na rin kasi niya ang pwedeng nasa utak ng dalaga ng makita niya ang masamang tingin nito sa kanya pagkasabi niya ng wine.

"I'm not an alcoholic person." Plain na sagot ni Sandra na iniiwasang masalubong ang titig ng lalaking kaharap niya.

"I won't insist. But I'll order one for me." Jann replied.

Nang dumating naman ang in-order ng dalawa ay tahimik lamang ang mga itong kumain. Kapag kuway napapasulyap pa si Jann sa dalaga at napapangiti kapag nakikita niya itong kumakain. Kita kasi sa dalaga na nagustuhan nito ang mga pagkain doon nagtataka man dahil sa dami ng in-order nito dahil baka hindi iyon maubos ay napangiti pa rin siya. Deep inside him is happy seeing her satisfied and happy with her foods.

"Lessandra, hija? I thought you are busy today?" Napalingon ang dalawa dahil sa papadaan pa lamang  habang papasok ng restaurant na may kaidarang lalaki. Dere-deretso itong naglakad palapit sa table ng dalawa.

Naguguluhan man ay mas napatitig si Jann sa dalaga ng makita ang pagkabalisa nito.

"D-dad? What are you doing here?" Napatayo na ito ng nakita ang paglapit ng lalaking tinatawag nitong 'Dad' sa table nila. Halatang-halata sa mukha ni Sandra ang pagka-gulat nito ng makita ang ama niya.

Sa halip naman na sumagot ay matamang pinagmasdan nito ang lalaking kasama ni Sandra ngayon na relax na relax lang naman sa upuan. Halos panlakihan pa ito ng mata ni Sandra ng nagawa pang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Jann habang nakatingin sa dalaga.

"Won't you introduce me to this young man with you, hija?" Nakangiting sabi ng matanda. Pero bago pa man makapagsalita si Sandra ay tumayo naman agad si Jann para magpakilala sa Daddy niya.

"Hi, Sir. I am Jann De Vaux." Pakilala ng binata na agad namang tinanggap ang pakikipagkamay nito sa matanda.

"Amadeo Olivarez, hijo. I am Sandra's father."

"Uhm... Dad. Akala ko po ba busy kayo ni Mommy sa preparation? At dapat nagpapahinga pa kayo sa bahay 'di ba? Why are you here?" Singit naman ni Sandra na nakatingin sa ama.

"If you don't have table yet, sir. You can join us, nagsisimula pa lang din naman kami ni Sandra. We can request for a bigger table for three."

Lumakas ang kabog sa dibdib ni Sandra ng marinig ang unang beses na tinawag siya ng binata sa pangalan niya. Nalilito na siya kung sino ang unang kakausapin sa dalawang lalaking kaharap niya.

"Why not? Miss ko na rin itong batang ito. Napaka-busy sa trabaho kaya bihira nalang din namin nakakausap ng Mommy niya."

Matapos tawagin ni Jann ang waiter para makalipat ng bigger table ay nagpaalam ito saglit sa dalawa para magrestroom saglit. Kaya naman agad na kinausap ni Sandra ang ama pero bago pa man siya makapagsalita ay nauna na ito.

"Who is that man with you? Is he the reason why you can't join our family outing in Batangas?"

"He was just a friend, dad." Kapagkuway sabi niya sa ama.

"Well, he's the only male friend I've ever met who isn't gay and eats outside like a date with you. You know I know almost all your friends." Halata sa boses nito na may kaunting pagdududa.

"Not all my guy friends are gay, Dad. Don't make this a big deal. That guy is just my friend." Kunwari pang sinamaan nito ng tingin ang ama na nangingiti na.

Magsasalita pa sana si Sandra pero nanahimik na lamang ang dalaga ng makita ang papalapit na binata na kagagaling lang ng restroom.

"Are you a gay, Jann?" Deretsong tanong ng Daddy ni Sandra pagkaupong-pagkaupo nito dahilan para manlaki ang mata niya.

"Dad?!"

Napangiti naman si Jann sa pagkaaliw sa tanong ng matanda sa kanya. "I'm a straight guy, sir. The truth is, Sandra and I a--- " halos mapatayo sa sakit si Jann ng maramdaman ang malakas na pagsipa ni Sandra sa kanya sa ilalim ng table.

"Guys! Why can't we just eat? Dad?! Seriously? He is just my friend, okay? Kumain na nga tayo dahil may mga kailangan pa akong gawin pagkatapos dito."

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now