Chapter 30

101 1 0
                                    

"Hey, wake up. We're here." Naulinigan ni Sandra ang boses ni Jann.

Nang maimulat niya ang mga mata ay naramdaman niya na hindi na umaandar ang sasakyan. Si jann naman ay nakatitig lang sa kanya habang nasa driver seat pa ito.

"Where are we?" Pupungas pungas pang tanong niya.

"Nasa resort na tayo dito sa Batangas. 15 minutes na tayong nakaparada dito." Sagot nito sa kanya.

"Bakit hindi mo ako agad ginising?" Sita niya dito habang inaayos ang sarili.

"You are in a deep sleep, love. I don't want to wake you up. Don't worry. Tinawagan ko na si tito kanina para itanong ang mga kailangan. Kaya nakabili na rin ako kanina. 'Di na kita ginising para naman makabawi ka ng tulog." Paliwanag nito. Hindi nito inalis ang pagkakatitig nito sa kanya.

"D-don't look at me that way." Tila nakaramdam siya ng bahagyang pagkailang. Pakiramdam niya ay napapaso siya sa mga titig nito na hindi niya alam kung kailan pa siya tinititigan.

"I can't help it. You are too pretty."

"Bolero! Mag-ayos ka na nga. Baka naghihintay na sina Daddy at Mommy." Pagdadahilan niya.

Ngumiti naman ito bago buksan ang pintuan para ayusin ang mga dala dala nila. Bago pa man siya makalabas ng sasakyan nito ay nagsalita ito ulit.

"I'm telling the truth. You are too beautiful to ignore."

"Hindi ako nadadala sa simpleng pambobola Mr. De Vaux. Kung ayaw mong madagdagan ang bukol mo sa mukha, magsimula ka nang bitbitin ang mga gamit natin."

Mabilis na isinukbit nito ang bag sa balikat at iniwanan si Jann.

"Of course, love." Gumuhit ang matamis na ngiti sa gwapong mukha ng binata na nakatingin habang naglalakad paalis si Sandra.

Iiling-iling na lamang siya habang ibinababa ang mga dala nila na ipinabili ng ama ng dalaga.

Hindi na nagtaka pa si Sandra nang pagdating nila ay tila kilalang kilala na si Jann ng kanyang buong pamilya. Nagulat siya na pati ang kanyang mga kapatid ay tila matagal nang kilala si Jann dahil sa paraan ng pag-uusap ng mga ito.

Halos hindi na nga siya mapansin ng kanyang mga magulang dahil laging si Jann ang iniintindi ng mga ito.

Maganda ang private resort kung nasaan sila ngayon. Pag-aari ito ng kanyang tita Marge na kapatid ng kanyang Mommy at ito na mismo ang nagsabi na doon sila pumunta. Napakalaki ng resort na iyon at tanging sila lamang ang naroon. Meron itong apat na swimming pool na malalaki at magagandang private room. Maihahalintulad ito sa isang mamahaling resort.

Tanghali na nang matapos mag-ayos ang mga ito ng lunch ng buong pamilya at sama sama silang kumain.

"Jann, hindi ka pa rin ba sinasagot niyang kapatid namin?" Pagbibiro ng kanyang kuya Walter.

"Kuya!" Sita niya dito.

"Oo nga, Jann. Mahina ka pala, eh. 'Wag kang magpapasindak sa katarayan niyan." Dagdag pa ng kanyang kuya Gian na ikinatawa naman ng lahat.

"H-hindi pa, eh. Mukhang matatagalan pa ata." Kakamot kamot sa ulong sabi naman ni Jann.

"Pwede ba. Kumain na lang tayo. Dad, Mom?" Tingnan niya ng makahulugan ng mga ito pero nginitian lamang siya.

Siniko naman niya si Jann na nasa tabi lamang niya.

"What?'' Natatawang sabi nito sa kanya.

"Ano nga pala ang nangyari diyan sa noo mo, hijo?" Tanong ng kanyang Mommy Josephine ng mapansin ang maliit na band aid na nakadikit dito.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now