Chapter 26

94 1 0
                                    

"Finally, may kung anong hangin ang tumulak sa 'yo para naman umuwi ka dito sa mansiyon. Akala ko ay nakalimutan mo na kami ng Mommy mo." Seryosong sabi ng ama ni Jann na nakatayo sa harapan nito.

Kararating lang niya pagkatapos ng halos tatlong araw na business trip sa US. Limang araw dapat 'yon pero mas minabuti niyang ipaasikaso na lamang ang natitirang site visitation sa matalik na kaibigang si Lance. Business partners din kasi silang dalawa at mabuti na lamang at pumayag itong mauna siyang bumalik ng Manila.

"Ilang buwan ka na ba namin huling nakita ng Mommy mo? Ilang beses sa isang taon?" Tanong muli ng kanyang ama.

"Come on, Dad. I'm right here," nakangiting sagot niya.

"Kung hindi ka lamang nag-iisang anak namin ng Mommy mo, baka matagal ka na naming itinakwil." Seryoso pero pabirong sabi naman nito uli.

Jann knows his father. Strict ang kanyang ama at hindi rin maitatanggi na ilang beses na silang nagkakasagutan. Halos magkaparehas kasi sila ng ugali na madalas nagkakasalubong kaya parehas silang sumasabog.

"You can"t do that, Dad. Sabi mo nga 'di ba. Kailangan ko muna kayong bigyan ng apo bago niyo ako maitakwil."

"That after that, bahala na ako sa buhay ko at kahit hindi na ako umuwi basta mabigyan ko lang kayo ng apo na magmamana ng mga businesses natin---"

"Aba't! Kakauwi-uwi mo lang Paul Jann at sisimulan mo na naman ak---"

"Dad, your name is also Paul Jann," natatawang sabi niya sa ama.

"You, stubborn kid!"

"Ano na naman ang problema niyong mag-ama?" Sabat naman ng kapapasok lang ng kwarto na si Dianna. "Paul, give your son a break. Kararating nga lang ng anak natin, nagbabangayan na naman kayo."

Tumayo naman si Jann at yumakap sa ina. "I missed you, Mom."

Kinurot kurot naman ito sa tagiliran ng kanyang ina dahilan para mamilipit ito. "Saan ka na naman nanggaling na kung sinong babae, ha? Kailan ka ba magbabago? Halos hindi ka na umuwi dito sa mansiyon dahil sa pambababae mo! Kailan ka ba magsasawa ha, Jann? You are getting old for that."

"Mom naman. I just come home from the US to meet the investors. Alam mo namang nakafocus ako ngayon sa business natin dahil ayaw ko nang nagtatrabaho pa kayo ni Daddy."

"Dapat lang, Jann! Ikaw din naman ang magmamana ng lahat ng 'yan. Alangan namang iba ang mag-asikaso ng lahat." Sabat naman ng kanyang amang si Paul na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Baka naman nangbabae ka lang sa US? Nagdadahilanka lang na naman para 'di ka na matulig sa paulit ulit na paalala namin sa 'yo ng Daddy mo?"

"I told you, Mom, Dad. It's pure work. Saka nagbago na ang gwapong anak ninyo."

"Where have you been then? You've been gone again for like, months? We've been calling you and sending you emails." Tanong ulit ng kanyang ina.

"We've been calling your secretary and also Lance about you. Ang sabi nila ay hindi nila alam. Sinabi lang ni Lance na nakasama ka niya noong nag site visit ka sa isa sa mga resort natin?"

"About that? Yeah. 'Di ba Dad, you ask me to visit the remote area you've been telling me about?"

"The resort I've buy in Romblon?" Naalala ni Paul ang sinasabi ng anak.

"How's the place?"

"Well, it needs more renovation and we also needs to add some people to work for it. Para naman umabot sa summer. The place is good."

"Wala na naman ba kayong ibang pag-uusapan kundi business? Hijo..." humarap ang ginang sa kanyang nag-iisang anak. "Wala ka pa bang girlfriend talaga? You're nearly out of the calendar. You better quit playing and find yourself a wife."

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now