Chapter 6 D

123 2 0
                                    

"Maybe you are dumped."

"What? Hell, no!"

"Me, dumped?" Natatawang sagot ni Jann sa dalaga.

At first, the two is not really talking or answering each others questions but at the end they were talking like really close friends having a drink.

Nagkasundo lang ang dalawa na 'di sila pwedeng magsabi ng totoo o 'di kaya ay sabihin ang totoo nilang pangalan, but they are free to tell stories or ask questions just for fun. Yung kaninang masungit na babae at makulit na estranghero ay tila magkakilalang magkakilala na dahil sa kanina pa nilang kwentuhan at tawanan. Nakakailang pababalik balik na rin si Jann sa grill dahilan para 'di nila mamalayang nakakarami na rin pala sila ng beer.

"Ang yabang mo, hoy! Eh ba't nandito ka sa isla na ito ng mag-isa at walang kasamang girlfriend. Then what? You are also drinking alone like a loner. Like the whole world left you."

"Dumped agad kapag ganun? Di ba pwedeng gusto lang makapag relax?" Jann unbelievably laugh at her.

"Anyway it's my turn.." Sabi ng binata bago inumin ang hawak na inumin.

"What is your name?" Seryosong tanong nito.

Sandra just gave him a teasing smile and put her finger in Jann's forehead. "Ikaw ha? Baka naman na-iinlove ka na sakin kaya wala kanang ibang tanong kundi 'What is your name?' Hahahahaha!"

"And because it's in the rules so... Next... It's my turn again." Pang aasar nito sa binata habang nakangiting nagsasalita.

"Hey! You never answer any of my questions. Ang daya mo..." Kunwa'y nagtatampong sabi nito.

Sasagot pa sana si Sandra ng mapalingon ang dalawa sa padaan pa lamang sa tapat nila na nagbabantay ata sa isla dahil sa suot nito.

"Ma'am, Sir pasensya na po. Bawal na po sa area na ito kapag 11pm. Kung gusto niyo pa po uminom sir open pa po ang Grill hanggang 2am. Mayroon din pong bar na malapit sa pool area sa building C." Paliwanag nito.

"I thought you own...jshwksnss---" Halos matumba ang dalawa sa buhangin ng biglang takpan ni Sandra ang bibig ni Jann habang nagsasalita ito.

Tila kinilig naman ang dalawang tagamasid ng isla na lumapit sa dalawa dahil sa ginawa ni Sandra sa binata.

"Mauuna na po kami Sir, Ma'am. Basta pagbalik po namin dito dapat clear na po yung dalampasigan..." Paalam ng mga ito na di na nagawang sagutin ng dalawa. Napansin pa nila ang pagbubulungan ng mga ito habang papalayo.

"What? You said you own this island." Humahalakhak na pang-aasar nito sa dalaga ng makitang masama ang tingin nito sa kanya.

"And we talk about never say or answer the 'truth' about ourself, right Mr. J?" Natatawa ring sagot naman ni Sandra dito habang nagpapagpag sa buhanging nasa shorts niya. Halos matumba pa ito dahil sa pag gewang nito mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ng binata at agad itong naalalayan para makatayo ng maayos.

"Ihatid na kaya kita S. You're drunk. Madami-dami na tayong nainom."

Ito ang pangalang ibinigay ng dalaga rito kanina dahil sa paulit ulit na pagtanong nito sa pangalan niya.

"Don't tell me you are weak J. Hahaha!" She continue to tease him and gave him a wink.

"What? Me? Wala pa atang nakakapagpagapang sa akin sa inuman." Sagot niya dito at itinaas pa ang braso na tila nagyayabang.

"Yabang mo! Tarah na nga..." Pasuray na naunang naglakad ito sa binata na dinadampot pa ang mga latang pinag-inuman nila.

"Wait!" Naiiling itong sumunod agad sa dalaga dahil sa pag-gewang nito habang tumatawang naglalakad.

Pinaupo na muna ni Jann ang dalaga bago siya nagpaalam dito na mag-c-cr saglit at itatapon ang mga basura nila. Nagbanta pa ito kunwari na wag aalis o iiwan siya dahil kunwa'y ipapakalat niya ang mukha nito na may nakalagay na 'Wanted Boyfriend' once na tumakas ito.

"What's all of this?" Bakas sa mukha ni Jann ang pagtataka ng makabalik ito sa mesa nila.

"Nahihiya naman akoh sayo. Baka mamaya niyanh wala kanang pera dahil sa kakabili mo ng beer natin." Tanging sagot ng dalagang naka pout pa habang nakapangalumbaba sa mesa na dahilan para matahimik si Jann.

Napatitig siya sa babaeng kaharap niya. Ngayon lang niya ito mas natitigan ng maayos at malapitan dahil medyo madilim sa dalampasigan kanina kung saan sila nakaupo.

Pulang pula man ang mukha ng dalaga dahil sa mga nainom nito ay kitang kita dito ang puti at kakaibang ganda nito. 'Di niya namalayan na napalunok na pala siya ng bigla namang pumitik ang dalaga sa mata niya para maagaw ang atensyon niya.

"Hoy J ano nah? Don't tell me na aayaw kana? Wala ka pala ehh!" Asar nito sa kanya. Nauna na itong nagsalin ng tequila sa baso niya bago ito kumagat sa piraso ng lemon na nakalagay sa platito.

"Ang yabang mo, weak ka naman pala." Sabi nito na halos mapapikit sa tapang ng tequilang kakainom lang nito. Lalong namula ang mukha nito.

"You ordered this lady? You're gonna break your head before getting up tomorrow. This thing would knocked you down."

Ngumiti lang naman sa kanya ang dalaga at iwinasiwas pa sa harapan nito ang lemon na hawak nito bago pa tuluyang sipsipin ulit ito. "Weak kah lang! Napakahyabangh mo mag-alok ng beer peroh takot ka kagad sa tekquilah." Kandabuhol na sabi nito.

Mabilis namang inagaw  ng binata ang iinumin pa sana nitong alak at mabilis na ininom iyon bago pa magsalin ulit sa shot glass niya.

"That's enough S. Lasing ka na. I will just drink a few and ihahatid na kita sa hotel mo para makapag-rest ka." Pinipigilan ng binatang titigan ulit ito kaya naman idinaan na lamang niya ito sa sunod sunod na pagsalin ng alak.

Natigilan naman ulit si Jann ng dumukwang ang dalaga at inilapit ang mukha nito sa mukha niya na ikinagulat niya. She just stare him for few seconds and look him in the eyes like she is going to do something. "Youh! Come on, lehts have more drinkhss."

Amoy na amoy niya ang hininga ni S. Tila nanunoot sa buong sistema niya ang mabangong hininga nito na may halong amoy ng beer at tequila. Sa hindi maintindihang dahilan ay mas gustong gusto niya iyong maamoy uli.

Pakiramdam ni Jann ay natutunaw siya sa pares ng mga matang nakatingin sa kanya ngayon dahilan para matulala siya ng ilang segundo.

"This glass is mine! Kumuhah ka ngah ng saay 'yo duhn. Don't you know that it's bad to share the same glass at ah time." Tatawa tawa itong parang bata bago pa tuluyang umupo hawak ang basong tinutukoy nito.

Tila hinipan ng masamang hangin ang binata dahil sa ginawa ni S sa kanya dahilan para matigilan siya at walang magawa kundi tingnan na lamang ito habang umiinom.

"You're such a tease, S. Don't do that again." Seryosong sabi nito bago kawayan ang waiter para makapag bill-out.

Kailangan na niyang ihatid ang lasing na dalaga bago pa kung ano ang magawa niya dito dahil sa pang-aasar nito sa kanya. Iba na rin kase ang kulit nito di kagaya nung una nilang usap kanina.

Matapos nito magbayad ay liningon niya ang dalaga para sana kausapin pero nailing na lamang siya ng makitang nakatungo na ito sa mesa sa sobrang kalasingan.

Napatingin pa ang binata sa relo niya at ng mapansing halos ala una na rin pala ay nagsimula na itong ayusin ang dalang gamit ng dalaga. Sinubukan pa niya itong gisingin pero talagang nalasing ata ito.

He have no other choice but to carry her kahit na ramdam na rin niya ang konting pagkahilo dahil siguro sa tequilang inagaw niya dito.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now