Chapter 7 D

128 2 0
                                    

Nagising si Sandra dahil sa 'di maipaliwanag na kirot ng ulo niya. Nakapikit niyang hinilot-hilot ang sentido niya pero tila ata lalo lang itong sumasakit. Kinapa-kapa pa niya ang gilid niya para sana bumangon pero natigilan siya ng maramdaman ang paghigpit ng tila kung anong nakayakap sa bewang niya.

Dahan-dahan niyo itong nilingon at halos lumuwa ang mata niya ng bumungad sa harapan niya ang lalaking may balbas at bigote na tulog na tulog sa tabi niya yabang mahigpit na nakayakap sa kanya. Mabilis na natutop ng dalaga ang kanyang bibig bago pa siya mapasigaw sa tanawing bumungad sa kanya.

Pakiramdam niya ay lalong sumakit ang ulo niya ng piliting isipin kung ano'ng mga nangyari kagabi pero talagang hindi niya lahat maalala kung bakit at papaano siya humantong sa tabi ng estrangherong ito.

Nilibot ng paningin niya ang paligid at nang masiguradong wala siya sa kanyang kwarto ay napakagat-labi na lang siya dahil sa halo-halong pumapasok sa isip niya.

Maingat at dahan dahan niyang inalis ang pagkakayakap sa kanya ng lalaki para 'di ito magising. Napakagat labi pa siya ng may maramdamang kung anong masakit sa pagitan ng hita niya habang dahan dahang kumikilos paalis sa tabi nito. Isabay pa ang tila sasabog na sakit ng ulo niya habang ramdam niya ang pagpintig niyon.

Muntik pa siyang mapatalon para lamang makuha ang unan para maitakip sana sa sarili niya ng makitang hubo't hubat pala siya. Pinigilan niyang gumawa ng kahit anong ingay na magiging dahilan para magising ang lalaki dahil wala siyang mukhang maihaharap dito at baka kung ano lang ang magawa o masabi niya.

Masakit man ang ilan sa parte ng katawan niya at halos masuka na siya dahil sa halo-halo atang nainom niya kagabi ay dahan dahan niya paring pinulot ang nagkalat na mga damit niya sa ibaba ng kama. Kailangan niyang makaalis kaagad bago pa magising ang lalaki.

Pakiramdam niya ay sobrang dumi niya dahil sa katangahang nagawa niya kagabi.

You are so stupid Lessandra! Hindi ka talaga nag-iisip. Galit na sabi niya sa sarili habang unti-unting isinusuot ang kanyang mga damit na napulot sa kung saang parte ng kwartong iyon.

Napapikit ulit ang dalaga sa sobrang frustration ng 'di mahanap ang bra at t-shirt niya kaya wala siyang choice kundi isuot na lamang ang nakitang damit ng lalaki na nakasampay sa lampshade nito. Tila gumapang ang hiya sa sarili niya dahil sa naisip kung paanong nagkalat ang mga damit nila ng lalaki.

Ayaw na niyang madagdagan ang isipin dahil alam naman niya kung ano ang posibleng nangyari kagabi dahil lang sa nagkalat na mga saplot nila sa kung saan. Isabay pa ang ibang gamit na nakakalat sa baba na tila nadaanan ng malakas na ipo-ipo.

Bago pa magising ang lalaki ay mabilis pero maingat na umalis si Sandra sa hotel room nito kahit na halos 'di niya maituwid ang paglakad dahil sa halo halong nararamdaman ng buong katawan niya.

SANDRA'S POV

I can't control my tears from falling while I'm under the shower. Pakiramdam ko ay ako na yata ang pinaka-maduming babae.

I can't say that I was raped at sisihin ang balbas saradong lalalaking nabungaran ko. Because first of all, base sa last memory ko kagabi ay ginusto kong makipag-usap habang umiinom sa lalaking iyon. I cant entirely remember everything pero alam kong may kasalanan din ako.

Asan na ang pagiging matalino at ang professionality ko. Sigaw ng isip ko.

Halos ayoko nang isipin ang mga nangyari simula pa kagabi dahil parang mababaliw lang ako sa frustration dahil hindi ko talaga maalala ang buong detalye sa nangyari kung bakit pag-gising ko ay may kasama na akong lalaki sa hindi ko kwarto at hubad pa kami parehas.

Kanina pa ako umiiyak kasabay nang pag-inda ko sa sakit ng ilang parte ng katawan ko, lalong lalo na ng pagkababae ko.

Ang boba mo Lessandra! Sigaw ng utak ko.

Napahagulhol na naman ako sa isiping naibigay ko ang virginity ko sa isang lalaking ni hindi ko naman lubos na kilala.

Ano na lamang ang iisipin ng lalaking iyon? Na easy to get ako? Na sa una lamang pala masungit pero bibigay din sa huli? Na kagaya ako ng mga babaeng may makating katawan na handang bumukaka kahit sa taong hindi kakilala?

Halos masuka ako sa naiisip ko.

Shit! Di ka talaga nag-iisip Lessandra, doctor ka pa naman! Ano na naman itong napasok mo?

Mabilis kong tinapos ang pagshower at paika-ikang naglakad sa kwarto para magbihis. Kailangan kong makaalis agad dahil alas syete na rin. May flight pa akong hahabulin at talagang gusto ko nang lisanin ang lugar na ito.

Pakiramdam ko ay lalagnatin ata ako sa sakit ng pang-ibaba kong katawan pati ng ulo kong tila binibiyak dahil sa sobrang hangover.

Pinilit kong maglakad ng maayos papunta ng lobby ng hotel para sa pag-check out ko. Lalabas na sana ako para pumunta sa service ng hotel na maghahatid sa akin sa airport ng mapansin ko ang lalaking iniiwasan kong makita.

Ayoko mang tingnan pero kita sa itsura nito at gulo-gulong buhok na kagigising lamang nito at tila may hinahanap.

It's definitely him.

Agad akong naglakad payuko papunta ng restroom para lamang 'di niya ako mapansin ng makita kong patungo ito sa lobby.

Shit talaga! Nakalimutan kong dito rin siya nagcheck-in base sa kwartong nilabasan ko kanina.

Nang masilip kong wala na ang lalaki sa lobby ay dali-dali akong lumabas para sumakay ng service papunta ng airport dahil sa 8am na flight kong kailangan kong mahabol.

"Ma'am?" Natauhan ako sa pagsalita ng babae sa harapan ko na kanina pa ata nagsasalita.

"Sorry, what is it again?"

"Dra. Lessandra Olivarez?" Tanong ulit nito.

"Yes, that's me."

"Your seat is 22A Ma'am, the boarding time will start any minute now. Have a safe travel po." Nakangiting paliwanag nito.

"T-thank you."

Gusto ko na talagang maglaho. Gusto ko nang pagsisihan ang pagpunta ko sa isla na ito. Gusto ko nang makalimutan lahat lahat ng nangyaring katangahan sa akin sa lugar na ito. Pigilan ko man ay unti-unti paring bumagsak na naman ang luha ko. Pakiramdam ko ay may malaking parte ng pagkatao ko ang nawala.

Wala na ang isa sa pinaka-iingatan ko dahil sa katangahan ko. My virginity.

Ito lang ang tanging pinakamahalagang maibibigay ko sa taong huling mamahalin ko at makakasama ko habang buhay pero wala na dahil lang sa kapabayaan ko.

Nanlalambot ang tuhod ko habang naglalakad papasok ng eroplano. Pakiramdam ko ay wala akong ni katiting na lakas. Wala na rin akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga taong nakakapansin sa pagsinghot ko. I just want to cry and cry until mawala lahat lahat ng problemang nagkakarambola sa utak ko. Napakadami ko na ngang iniisip dumagdag pa ang katangahan ko.

Dumagdag pa ang lalaking iyon na hindi ko naman kilala at di man lang alam ang totoong pangalan, estado ng buhay at kung saan nakatira pero naibigay ko ang sarili ko ng walang kahirap hirap.

Pagkaupo ko ay hindi ko na napigilan pa ang pagpatal ng luha ko. I feel so tired and dirty and stupid.

Paano na lamang kung mabuntis ako o kaya ay maysakit ang lalaking iyon at mahawa ako? O di kaya'y may asawa na ito o kaya naman ay engage na? I am not a home wrecker type of girl!

Oh, Fuck! This is crazy!

Bahagya akong napasabunot sa buhok ko at mariing ipinikit ang mga mata sa sobrang frustration.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now