Chapter 17 D

119 3 0
                                    

"Dad, you know I can't go. My schedule is full for this week. Saka hindi ba kararating niyo lang from Berlin? Hindi ba kayo napapagod? You can always move the schedule for next week para naman makapagpahinga muna kayo ni mommy." sagot ni Sandra sa Daddy niya na kanina pa ata tumatawag pero hindi niya agad nasagot dahil kagagaling lamang niya sa last patient niya. Kaninang alas-dose pa sana siya naka-out pero may humabol na dating pasyente niya na nakiusap para lamang maka-usap siya tungkol sa medical records nito. Paalis kasi ito papuntang US para sa heart operation.

"It's okay, saka ano ba ang tingin mo sa amin ng Mommy mo? Mas malakas pa kami sa kalabaw, ano? Tama na ang ilang araw na pahinga. Saka humabol ka na lang sa Batangas, alam mo naman na outing para sa buong pamilya 'yon. Your brothers will be there, kasama ang mga pamangkin mo."

Tumigil saglit si Sandra sa tapat ng elevator saka sunod-sunod na pinindot iyon. "I'll try Dad but I can't promise. I'll be riding and elevator, baka mawala ang signal." Pagkabukas naman ng elevator ay sumakay na agad ang dalaga. Naririnig pa niya ang paputol-putol na boses ng ama pero hindi niya iyon maintindihan. Saka na lamang nabuo ang mga sinasabi nito ng makalabas na siya ng elevator at naglakad patungo sa lobby.

Nasa casa pa ang kotse niya dahil pina-double check niya iyon para hindi na siya magka-aberya sa susunod.

"Aantayin ka namin hija, I'll send you the location of the beach in Batangas para 'di ka na mahirapan."

"Okay, Dad." Papara na sana siya ng taxi ng huminto naman sa harapan niya ang isang black mustang na agad din namang nagbaba ng salamin.

Napakunot ang noo niya nang mapagtanto ang lalaking nakasakay doon na may malapad na pagkakangiti habang nakatingin sa kanya.

"It's okay if you want to bring someone para mas masaya at hindi ka rin antukin sa byahe mo." Halos hindi niya marinig ang sinasabi ng Daddy niya ng makita ang pagbaba ni Jann at pinagbuksan siya ng pinto.

"W-what someone, Dad?" Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan ang dahilan, kung dahil ba sa Daddy niya o sa lalaking nasa harapan niya na pinagbuksan pa siya ng pinto.

"Hanggang ngayon ba Sandra wala pa ring pumasa sa mga pinakilala namin ng Mom---"

"Dad, let's talk later. May kailangan lang akong ayusin. I love you, Dad. Bye." Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at agad na niyang pinindot ang end button.

"And what are you still doing here?" Tanong niya sa lalaking kaharap niya na nakahawak pa rin sa pintuan ng kotse nito.

"We're going out, remember?"

"Going out? Who?" Tinaasan niya ito ng kilay bago humalukipkip.

"J, umalis ka na. We have nothing to talk about. I don't even know why you're still here." Humugot si Sandra ng isang buntong hininga saka sinalubong ang mga titig ng lalaki. "Wala ka bang trabaho? Or gagawin? I know you are busy too."

"I'm free today, just for you. Alam kong sinabi ko na iyan sayo kanina pa." Tila bingi na sagot nito na kumindat pa.

"Get in, people are watching us. I know you don't like that kind of attention." Tukoy nito sa mga ilan ilang nakatingin sa gawi nila.

Natigilan si Sandra saka nilingon ang paligid. Tila matutunaw ata siya sa hiya dahil sa mga matang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakita pa niya ang ilang surgeons and nurses na nasa lobby na halos sa kanila na rin palihim na nakatingin. Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata bago pinanlisikan ng tingin ang lalaking cool na cool na naghihintay sa kanya. Baliwala dito ang mga matang kanina pa yata nakatingin sa kanila.

Nagdadabog na pumasok siya sa kotse ni Jann. Nailing nalang naman ang binata sa inakto ni Sandra bago bumalik sa driver's seat.

"This will be the last time na pupuntahan mo ako dito sa ospital na pinagta-trabahuhan ko! We'll talk and after that, we go on our separate ways."

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now