Chapter 33

97 1 0
                                    

Wala nang taong naiwan sa pool. Tanging silang dalawa na lamang ni Jann.

Ang mga magulang niya ay siguradong nagpapahinga na nang nga oras na iyon at ang mga kapatid naman niya ay nagbabanlaw na siguro at inaasikaso ang mga anak.

Tahimik ang buong paligid at tanging ang hampas lang ng tubig sa pool ang naririnig nilang dalawa.

"J-Jann, I think we should leave the water because it's getting cold." Pagdadahilan niya.

"Let's stay this way, love." Sagot naman nito sa kanya.

"J-Jann..."

Naramdaman niya ang paghilig ng ulo nito sa balikat niya habang nakayakap ito sa kanya habang nakatalikod siya.

Hindi ito sumagot. Tahimik lamang ito na hindi gumagalaw at hindi pa rin binibitawan ang pagkakayakap sa kanya. Naiilang si Sandra sa pwesto nilang dalawa pero wala siyang magawa dahil pakiramdam niya ay nagpapababa lamang ang binata ng epekto ng alak nito sa katawan.

Naaamoy niya rin ang pinaghalong alak at ang panlalaking amoy nito na sumusuksok sa ilong niya. Nagsisimula na rin siyang mailang lalo nang may nararamdaman siya sa bandang pwetan niya na alam naman niya kung ano iyon.

"Hindi mo ba ako gusto, Sandra? Wala bang chance na sagutin mo 'ko?" Mahinang tanong nito.

Si Sandra naman ay tila naliliyo sa nakakalasing na amoy ng lalaking nakahilig sa kanya.

"J-Jann, I don't think we should talk about that here... why don't we---"

''Answer me, love. Ayaw mo ba sa akin?" Tanong nito ulit sa basag na boses.

Tila musika na sa pandinig niya ang pagtawag nito ng 'love' sa kanya sa 'di maipaliwanag na dahilan.

"It's... just too early and fast, Jann."

"But do I have a chance?" Mahinang tanong nito.

"Jann, you are drunk, malalim na rin ang gabi."

"No, sagutin mo muna ako." Hindi ito tumigil sa pangungulit.

"Sa-sagutin kita?"

"I mean answer my question first."

"Why?"

"Because I want to know..."

Nagpakawala siya ng hangin bago kalasin ang pagkakayakap nito sa bewang niya at humarap sa binata. Nakapikit ito at tila ninanamnam ang malamig na tubig oara lamang ito mahimasmasan.

"Look at me." Utos niya dito.

Tumitig naman ang mapupungay na mga mata nito sa kanya.

"It's just too soon, Jann. Ayoko lang ng madaliang relasyon. I want to be sure first. To know you more. Yes, hindi na ako bata o teenager para magpakipot pero ayokong makipaglaro at pagkatapos ay iiyak sa huli."

Sa halip na magsalita ito ay dahan dahan itong lunapit sa kanya dahilan para mapa-atras siya.

"W-what are you doing Jann?"

Tuloy-tuloy pa rin ang paglapit nito sa kanya habang siya naman ay tuloy rin ang pag-atras. Napasinghap na lamang siya nang maramdaman ang malamig na tiles ng pool na lumapat sa likuran niya ng wala na siyang maatrasan.

Tuloy pa rin ang paglapit ng binata sa kanya kaya naman napahawak na lang si Sandra sa dibdib nito para hindi ito tuluyang makadikit sa kanya. "J-Jann..." tila nakukuryente siya sa init ng katawan nito na tumutulay sa mga kamay niyanng nakatukod sa dibdib nito habang ang mata naman nito ay hindi inaalis sa pagkakatitig sa kanya.

Pakiramdam niya ay nag-iinit na rin siya at nahihipnotismo siya sa amoy na naggagaling dito.

"I will wait, love. Hindi ako mapapagod na maghintay hanggang mapasagot kita."

"J-Jann, medyo l-lumalamig na ang tubig. We should go, gabi na rin. And.. and we need to rest." She needs to distance herself from him. Hindi niya rin nagugustuhan ang init na nag-uumpisang magningas sa kaloob looban niya dahil sa presensya nito.

"Let's go, then. I don't want you to catch a cold." Ginabayan siya nito hanggang maka-akyat ng pool.

He's too gentle and warm.

Alam niyang medyo lasing ito pero naging marahan at maingat ito sa pag-alalay sa kanya hanggang maka akyat ng pool.

"Mauna ka na, susunod ako pagkatapos mong magshower." Sabi pa nito.

"O-okay." Maikling sagot niya dito.

Dahil ayaw niya rin na mababad sa lamig ang buong katawan. Mabilis na siyang nagshower habang nasa labas ito. Hindi lamang para sa sarili kundi ay para sa ipinagbubuntis niya.

She needs to be more careful lalo na at ilang buwan pa lamang ito.

Pagkatapos ng halos bente minuto ay natapos siyang mag-ayos ng sarili. Nakapagbihis na rin siya at nakapaglagay ng lotion ng mapansing wala pa rin ang binata. Kaya naman lumabas siya para hanapin ito at ng makapagshower na rin ito.

Nakita niya ang binata na nakahilig sa upuan at hubad-barong natutulog. Marahil ay lasing talaga ito at hindi na kinaya ang antok.

Nagkaroon siya ng kalayaang mapagmasdan ang kabuuan nito.

Jann is a very manly. He's tall and handsome ika nga ng ibang mga nurses at doktor sa ospital.

He is almost perfect at napaka gwapo pa. His face has it's perfect curve and a very kissable lips.

Sa totoo lang naman ay gwapo talaga ang lalaking ito. Kung hindi niya ito kilala at hindi nangyari ang kung ano sa kanila sa isla ay baka naging crush niya rin ito.

Napalunok pa si Sandra nang mapagawi ang mga mata niya sa katawan nito na medyo basa pa. Jann has also a beautiful body, a six pack abs na dahilan ng pagwo-workout nito.

Tila natuyo ang lalamunan niya nang pumasok sa utak niya ang posibleng mga nangyari sa kanila sa isla. Biglang uminit ang mukha niya kaya naman mabilis na tumalikod siya dito. Napakagat labi pa siya nang maramdaman ang paggalaw nito.

"J-Jann, get up. Baka magkasakit ka niyan. You better take a shower." Mahinang sabi niya dito.

Nakita niya ang pagmulat ng mga mata nito at ang pagngiti nito sa kanya. "I thought I was just dreaming when I see you..."

Hindi siya sumagot. Humalukipkip lamang siya at saka tiningnan ito ulit.

"Sungit." Sabi na lamang ni Jann na tumayo na rin.

"What did you say?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa binata.

"Sabi ko, ang sungit mo. Kung hindi ka lang maganda, eh." Nakangiting sabi nito.

"Let's go. Gabi na rin. It's cold here. Saka parang lalagnatin ako." Yaya nito.

"Baka nabigla lang yang katawan mo sa pool kanina. Maligo ka na lang ng mabilis para makapagpahinga ka." Nauna na siyang naglakad dito. "Nakipagsabayan pa kasi ng inom, akala mo kung sinong malakas uminom."

"I handled your brothers well, love." Maikli namang sagot nito sa kanya na tila natatawa.

"Tapos magrereklamo kang para kang lalagnatin."

"Hey, I'm not complaining."

"Maligo ka na nga." Napahawak pa siya sa vivig nang hindi sinasadyang humikab siya. "Nagkakalat ka lang ng basa dito." Sita niya dito nang mahuli itong nakatitig sa kanya.

Nang makapasok na ang dalawa sa kwarto ay nauna na si Jann para maligo habang si Sandra naman ay inayos ang hihigaan nito sa baba ng kama.

Mabuti na lamang at may extra foam siyang nakuha kanina habang umiinom ang mga ito.

Sandra feels relieve and happy. Hindi maipaliwanag iyon pero alam niya sa sarili na masaya siya. Ayaw man niyang aminin pero isa si Jann sa mga dahilang iyon.

Unti unti na ba siyang nahuhulog dito? Pakiramdam kaso niya ay medyo gumaan ang pakiramdam niya dito. Hindi rin maitatanggi na bahagya siyang kinilig kanina sa mga binitawang salita nito.

Nang sabihin nito na handa itong maghintay hanggang sagutin niya ito. Na hindi ito susuko.

A smile formed on her lips.

Hindi sinasadyang napahawak siya sa tiyan niya at dinama iyon.

"Kaunting hintay lang baby, kaunting hintay lang at masasabi ko rin ang lahat sa Daddy mo. Kapag okay na ang lahat..."

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now