Chapter 35

91 2 0
                                    

Pumayag na si Sandra na sa iisang kama lamang sila matulog ni Jann basta hindi ito pwedeng yumakap sa kanya o kaya ay lumapit na halos magkadikit na ang balat nila. Mabuti na lamang ay punayag din ang lalaki dahil antok na antok na rin ito at alas dos na rin ng umaga sila muling nahiga.

Noong una ay ayaw siyang tigilan ni Jann dahil nag-aalala ito ng sobra nang makita siyang namumutla at suka ng suka sa cr. Nakinig naman ito sa dalaga ng sabihin nito na okay lang siya dahil totoo nga naman na mas may alam siya sa sarili at doktor nga naman ito.

Nasa mahimbing na pagtulog si Jann habang si Sandra naman ay hindi magawang ipikit ang mata dahil pakiramdam niya ay nagugutom siya at may gusto siyang pagkain.

Naiinis din ang dalaga sa 'di maipaliwanag na dahilan dahil nakikita niyang masarap ang tulog ng lalaking katabi niya.

Hindi rin siya nakatiis kaya naman sinubukan niyang gisingin ang natutulog na si Jann.

"J-Jann... oy! Can you please wake up?" Tinusok tusok pa niya ang pisngi nito para magising ito. Pupungas pungas namang nagsalubong ang kilay nito na sa huli ay unti-unti na ring ngumiti nang mabungaran siya.

"Hey, love. Why are you still awake? Are you okay?" Pilit na iminulat nito ang mga matang namumungay pa rin sa antok.

"I can't sleep."

''It's almost quarter to three..." nagtatakang napatingin ito sa wrist watch nito.

"I-I'm... hungry..." nahihiyang sabi niya sa binata.

"Hungry? I thought you eat a lot last night?"

"Yeah, but... I vomit every foods I eat."

Napakamot naman si Jann. "Can you hold it a bit more time? Mag-uumaga na rin naman. We could find any foods you like after we sleep."

"I'm still sleepy..." muling sabi nito.

Napasimangot naman si Sandra at naiinis na bumaba ng kama. "Give me your keys."

"Hmmm... let's sleep, love. I can't even open my eyes..." mahinang tugon nito.

"Just give me your keys! I will go out and find foods to eat." Nilakasan na niya ang boses niya na ikinagulat naman ni Jann.

Gulo-gulo ang buhok na napabangon naman si Jann at napakamot pa ng ulo habang hindi makapaniwalang nakatingin sa dalaga.

"I can't believe you want to eat at this hour. Mag-aalas tres palang ng umaga. Wala pa atang gising ng mga oras na 'to."

"Come on, love. Inaantok pa talaga ako." Sabi nitong muli at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya ngayon habang siya naman ay nakapamewang pa habang hindi maipinta ang mukha habang nakatingin dito.

"Just give me your keys. Ako na lang ang lalabas." Seryosong sabi niya sa binata.

"W-what? Are you serious?"

Sa halip na sumagot ay inilahad naman ni Sandra anv mga kamay habang naghihintay na ibigay sa kanya ang nais, ang susi ng sasakyan ni Jann.

"Fine. I'll drive you to find foods. Hindi naman kita papayagang lumabas at magmaneho ng ganitong oras." Tumayo na ito at napakamot na lamang na tinungo ang bag nito para kunin ang susi.

Lumiwanag naman ang mukha ni Sandra nang makitang hinahanap na nito ang susi at sasamahan siya nitong lumabas.

Napapailing na lamang si Jann nang sabay silang lumabas ni Sandra na parehas naka pantulog pa. Gulo gulo pa ang buhok niya at pakiramdam niya ay namamaga pa ang mata niya dahil sa ilang oras lang na tulog.

Nawe-weirdo-hang napatingin siya sa dalaga nang nakangiti itong sumakay sa sasakyan niya. "Are you really sure about this? Napaka-aga pa."

Sinimangutan naman siya ni Sandra. "Hindi ka ba naaawa sa akin? Nagugutom na ako. Kawawa naman ang b--- tiyan ko... kanina pa tumutunog."

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now