Chapter 34

96 1 0
                                    

Nang matapos si Jann na mag-shower at mahimasmasan ng kaunti ay lumabas na din siya agad ng shower room. Medyo mabigat pa ang ulo niya at mabigat din ang pakiramdam niya. Baka dahil lang siguro ito sa halo halong ininom nila kanina at sa matagal na pag maneho.

Tinutuyo niya ang buhok niya nang mapagawi ang mata niya sa kama.

Sandra is already sleeping. Nang tingnan niya ang pambisig na relo ay pasado alas onse na rin pala. Napansin na rin naman niya kanina ang paghikab nito kaya hindi na siya nagtataka na abutan itong natutulog na.

Nang maglakad siya papunta sa kama nito ay napangiti na lamang siya nang makita ang naka ayos foam sa ibaba at nakahanda na iyong higaan. Naisip niya na pinaghanda siya nito bago ito matulog.

"Of course..." iyon na lang ang lumabas sa bibig niya.

Pagkatapos patuyuin ang buhok ay binuhay na ni Jann ang lampshade sa tabi ng kama at pinatay ang main lamp para mabawasan ang liwanag at hindi maistorbo ang tulog ng dalaga.

Marahan siyang humiga sa tabi nito para hindi ito magising. Nang maayos na ang paghiga niya sa tabi nito ay humarap siya dito para mas lalong matitigan niya ito ng maayos.

This lady right next to him is so beautiful. Kahit ata saang parte ng mukha nito tingnan ay napakaganda nito. Tulog man o gising ay napaka amo ng mukha nito basta 'wag lang itong magsasalita.

Bahagya siyang napangiti ng maalala kung gaano ito kataray at gaano kabilis magsalita ang bibig nito kapag kaharap siya.

"Good night, beautiful." Mahinang sabi niya bago ito halikan sa noo.

He will sleep beside her. Mabigat na rin ang talukap ng mata niya at bahagyang umiikot na rin ang kanyang paningin. Hindi na rin niya namalayan na hinila na siya ng antok.

Nagising si Sandra nang maramdaman ang tila may kung anong mainit at mahigpit na nakayakap sa bewang niya. Dahan dahan muna niyang iminulat ang mata para makapag-adjust sa liwanag nang halos nanlaki ang mata niya nang bungaran ang tulog na tulog na mukha ni Jann.

Nakayakap ito sa bewang niya habang magkaharap silang dalawa. Pakiramdam niya ay napapaso siya sa init ng mga braso nito.

Huling pagkaka-alala niya ay pinaghanda pa niya ito ng matutulugan para doon ito matulog sa lapag.

At ang mokong ay payapa pang natutulog sa tabi niya at nakayakap pa sa bewang niya. Gigisingin na sana niya ito para palitapatin sa baba nang matigilan siya.

She never move an inch for him to wake up. Sa halip ay tinitigan na lamang niya ang maamo nitong mukha na tulog na tulog sa tabi niya. Kahit tanging lampshade lamang ang ilaw sa buong kwarto ay malinaw na malinaw sa mata niya ang mukha nito.

Hindi niya ito natitigan ng matagal kanina dahil bigla na lamang itong nagising habang nakaupo ito sa upuan. Marahil nga ay napagod ito ng sobra kaya mabilis din itong nakatulog, idagdag pa iyon nang halos pagapangin ito ng mga kapatid niya sa dami ng alak na pinainom dito.

Kasalukuyang titig na titig siya dito nang bigla nitong iminulat ang mga mata nito. "Hmmm..."

"Why are you still awake, love..." basag ang boses na tanong nito at sinalubong ang titig niya.

Bigla namang nagbawi ng tingin si Sandra at tatalikod na sana ito nang lalo lamang humigpit ang pagkakayakap nito sa bewang niya.

"J-Jann..."

"I saw you, Sandra. You are staring at me..." nakangiting sabi nito na kahit madilim ay naaaninag niya.

"I am not staring at you." Matigas na tanggi niya.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now