Chapter 26

916 26 0
                                    

AUSTIN'S POV

"Ashirianna!" Napatingin kami sa Daddy ni Angel dahil sa pagtawag niya kay Ashi. We were shocked. Hawak hawak si Angel ng isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali siya yung Allen na nasa Section one din.

"Nasa section one pala ang isa pang bibig at tenga mo, Mr. Padilla." Kung ganun, alam ni Ashi? Ito ba yung pinag usapan nila ni Angel noon?

"Sinabi na pala sayo ng traydor kong anak tungkol sa pangalawa kong taga update." Nataranta kami bigla nang tinutok ni Mr. Padilla ang baril kay Angel. Hindi kami agad makakalapit sa kanila. Nasa taas sila ng abandonadong building na 'to, samantalang kami ay nasa ibaba.

"Hindi trydor si Angel. Sadyang alam lang niya na mali ang ginagawa ng sarili niyang ama." Sabi ni Monica. Agad hinili ni Warren si Monica at tinago sa likod niya dahil sa biglang paglipat ng pagtutok ng baril ni Mr. Padilla sa kaniya.

"Manahimik ka! Manahimik kayo! Wala naman kayong alam!" Sigaw niya. Kapag naputol ang litid ng matandang 'to, masayang masaya ako.

Lahat kami napatingin sa labas nang marinig namin ang tunog ng mga sasakyan na paparating.

"Mr. Padilla, naiintindihan kita. Nawalan ka ng asawa at ng baby sa sinapupunan ng asawa mo, pero aksidente lang ang lahat ng yun. Ibaba mo ang baril mo, pag usapan natin 'to ng mahinahon." Hindi ko alam kung paano pa nagagawa ni Ashi na huminahon sa sitwasyon namin.

Nagsipasok ang lahat ng mga pulis at pumalibot sa paligid. May mga nakita din akong mga naka itim na mga tao na pumunta sa mas mataas na lugar nitong building.

Mga sniper?

Sigurado akong hindi yun mga pulis. Maaaring mga kasamahan yun nila Ashi.

"Paano mo nasasabing naiintindihan mo ako? Hindi mo ako naiintindihan!" Sigaw nanaman ng Daddy ni Angel. Baka maputol na litid mo tanda.

"Dahil nawalan din ako!" Nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Ashi. But what was even more surprising was the sadness in her eyes. It was the first time I had seen her eyes like that.

"I know it hurts to lose a loved one, Mr. Padilla. Pero hindi ibig sabihin nun na kapag nawalan ka, you will make others suffer. Aksidente ang nangyari. May ebidensya ako kung ayaw mo parin maniwala." Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari. Anong aksidente ba? Ano ba pinag uusapan nila?

"Asan ang ebidensya mo?" Nakita ko na medyo kumalma na ang Daddy ni Angel dahil sa pagbaba niya ng baril.

"Sumama ka samin sa Police station, nandoon ang driver ng bus na sinakyan noon ng asawa mo." Pagkatapos yun sabihin ni Ashi ay agad na pumunta ang mga police sa pwesto nila. Sumama naman sila na hindi nanlalaban.

Tumakbo si Angel papunta sa pwesto namin. No, kay Ethan pala. I am so proud of Ethan. He changed. Hindi ko alam kung sino nagpabago sa kaniya. Kung si Ashi ba o si Angel. Pero hindi na yun ang importante, basta nagbago na siya at masaya na kami doon.

"Let's go to the police station." Sabi ni Ashi bago siya naunang nag lakad palabas nitong building.

At ito namang babaeng 'to, hindi ako sanay na masyado siyang seryoso. Pakiramdam ko, ibang Ashirianna Reign Sanchez ang kasama namin ngayon.

"Masasanay din kayo sa kaniya, ganiyan talaga siya kapag nasa ganitong sitwasyon." Tumango lang kami kay Ivy. Sumunod na kami kay Ashi sa labas.

Gusto ko nang malaman ang dahilan ng lahat ng 'to.

***

"Sorry. Sorry. Sorry." Walang tigil sa kakahingi ng sorry ang driver ng bus.

Siya ang tinutukoy ni Ashi na driver ng bus na sinakyan ng asawa ni Mr. Padilla. Buntis ang asawa niya nun. Nasira ang preno ng bus at nagpagewang gewang yun. May mga kotse na kailangan na iwasan ang driver ng bus para hindi sila magkabunggo.

At isa ang kotse ng pamilya nila Warren, Ethan, at Climaco doon.

Madaming kotse ang nandoon pero ang kotse ng pamilya nilang tatlo ang natandaan kaya ayun ang gusto pagbayarin ni Mr. Padilla. Bumaliktad ang bus that time at tumakas ang driver ng bus. Nung nakuha ni Ashi ang CCTV footage ng aksidente na yun ay agad niyang pinahanap yung driver. Sarado masyado ang utak ni Mr. Padilla dahil nawalan siya ng dalawang miyembro ng pamilya kaya niya nagawa ang lahat ng 'to.

Gulat kaming napatingin sa kanila Warren, Ethan, at Climaco dahil sa pagluhod nila sa harap nila Angel at ng Daddy niya habang nakayuko.

"Sorry." The three of them said one word but full of sincerity. Pinilit silang patayuin ni Angel at ng iba pa naming kaklase pero hindi sila nagpapatinag kaya hinayaan na lang namin sila.

Napatingin kami kay Ashi dahil sa pagtunog ng cellphone niya. Agad naman niya yun sinagot at nagpaalam samin na lalabas lang siya saglit.

Maya maya lang ay pinauwi na kami ng mga pulis. Sawakas, tapos na din ang problema namin. Wala naman na sigurong magtatangka ulit na patayin kami? Well, maliban doon sa mga tao na nakakaaway namin at hindi matanggap ang pagkatalo nila. At ngayon ko lang ulit naramdaman ang sakit ng katawan ko.

Paglabas namin ay naabutan namin doon si Ashi. Saktong katatapos lang din niya makipag usap sa tumawag sa cellphone niya.

"Austin, let's talk." Sabi niya bago ako nilagpasa. Okay? Anong nangyari sa kaniya? Tumingin sa akin mga kasama namin na may nagtatanong na tingin. Nagkibit balikat lang ako sa kanila bago sinundan si Ashi.

"There is a problem?" Bungad kong tanong sa kaniya.

"The elders decided to cancel the arranged marriage." Sabi niya. I'm surprised. We're getting married because of business, right? Bakit nicancell?

"I know you're surprised, I'm surprised too. Pero ayaw mo ba nun? Hindi na tayo naka arrange married." Napalunok ako sa sinabi niya.

"So, is that okay with you?" Tanong ko sa kaniya.

"Of course." Sabi niya habang tumatango pa. Napabuntong hininga na lang ako at nagpilit ng ngiti sa kaniya.

Of course that's okay with her. As far as I remember she never said she liked me.

"Sayo ba, okay lang ba yun sayo?" Tanong niya. Gusto kong sabihin na hindi yun okay sa akin. Pero naisip ko, kung okay yun sa kaniya edi okay na lang din sa akin.

Tumango ako sa kaniya. "Syempre naman." Sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya at inaya na akong umuwi.

Nauna na ang iba naming kasama sa pag uwi nila. Hindi man lang nanghintay.

Wait nga. May naisip ako bigla.

Ano naman kung hindi na kami naka arrange married? I like her and nothing can stop me. She can still be mine kahit hindi kami naka arrange marriage. I can court her, right? But the problem is, paano ko yun sasabihin sa kaniya?

"Hoy, okay ka lang?" Para akong nabalik sa sarili ko dahil sa pagsasalita ni Ashi.

"Huh? Ah oo, ayos lang ako, bakit?" Sagot ko sa kaniya. Tsk, para akong tanga.

"Mukha kang problemado, anong problema?" Umiling lang ako sa kaniya at sinabing wala akong problema. Tumango naman siya kahit halatang hindi kumbinsido.

Sumakay na siya sa driver seat at ako naman sa passenger seat. Siya na daw magdadrive kaya wala na akong nagawa kasi nakasakay na siya.

Hindi ko naman first time na magtatanong kung pwede bang manligaw. Ewan ko pero kinakabahan talaga ako kapag naiisip ko ang gagawin ko.

Aish kaasar!

Hahanap na lang muna ako ng tamang timing. Bahala na.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang Prinsesa Ng Section SevenWhere stories live. Discover now