Chapter 06

1.6K 76 23
                                    

ASHI'S POV

Nakatunganga lang ako sa harapan ng classroom namin dahil wala nanaman akong magawa. Wala nanamang teacher na pumasok. Kung laging ganito ang mangyayari ano matututunan ko? Namin? Shutamines naman oh!

"Laro tayo!" Sigaw ni Clyde. One of my classmates. Agad naman silang pumayag kaya wala akong choice kundi ang pumayag na lang din.

Umupo kami sa lapag at naka bilog kaming lahat.

"Ano ba lalaruin natin?" Tres asked.

"Spin the bottle!" Sagot ni Clyde na may full energy. Hindi naman halatang excited siya?

"Sino may bote?" Nag simula naman silang mag hanap ng bote at nung naka hanap na sila ay nag simula na kami.

Inikot na nila yung bote at ang unang tinapatan ay si Austin!

"Truth or Dare?" Hades asked.

"Truth." Sagot naman ni Austin, Kaya nag simula na sila mag isip ng tanong.

"Kailan mo balak bumalik sa pagsasayaw?" Xander asked. Lahat sila ay biglang natahimik habang hinihintay ang sagot ni Austin. So, marunong sumayaw si Austin? At base sa tanong ni Xander mukhang itinigil na niya ang pag sasayaw. Pero bakit naman Kaya?

Aish! Ang dami ko pang hindi alam sakanila!

"Wala na akong balak." Mas lalo kaming natahimik sa sagot ni Austin.

"But why?" I asked, Kaya saakin naman sila nakatingin.

"Ayoko lang. Wala na din naman akong dahilan para sumayaw pa." Tumango na lang ako. Mamaya ko na lang siya tatanungin.

Nagpa tuloy na kami sa paglalaro. Hanggang sa tapatan nito si Gael.

"Naka move on kana ba kay Monica?" Si Ethan ang nag tanong. And again,

Ang dami ko pang hindi alam sakanila!

Who's that Monica? Ex ni Gael? Kasi ang tanong ay Kung naka move on na ba si Gael. Argh! Nakaka stress, My gosh!

"Yes." Sagot ni Gael. Uh, naka move on na daw siya. But I can see in his eyes that there is a little more in him that has not yet been able to move-on.

Truth ang pinili niya pero hindi naman siya nag sasabi ng totoo. Hayst, dapat ang sagot niya ay 'Not Really' or 'I don't know.'

"Who's Monica?" I asked.

"My Ex. Dito din siya galing but like her friend, she's a damn liar." Sagot ni Gael. Halatang galit siya sa Monica na iyon at halatang niloko siya.

Huhu uso ba sa Section Seven ang maloko?

Pinaikot na muli ang bote at tumapat naman iyon kay Ethan. Nag sigawan sila bigla na akala mo kanina pa nila inaantay na tumutok ang bote kay Ethan. Feeling ko tuloy may binabalak sila.

Poor Ethan.

"Ako magtatanong! Ako magtatanong!" Parang tangang sabi ni Andrei. Nagtataas pa kasi ng kamay na akala mo nag rerecite eh.

"Go ahead." Ethan said. Halata sakaniya na naboboring siya. Napilitan nga lang ata sumali. May pagka KJ kasi yan, joke HAHAHA.

"Do you like Ashi?" Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa tanong niya. Anong klaseng tanong naman kasi yan? Malamang hindi.

"No." Inaasahan ko naman na iyon ang isasagot niya kasi hindi naman talaga. Pero bakit parang medyo masakit?

Weird.

"Pero may chance bang magustuhan mo siya o mahalin?" Nakataas ang kilay ko. Bakit naman ganiyan ang mga tanungan nila? Syempre hindi ang isa--

"Yes." At ayon nga tuluyan na akong nabulunan kahit wala naman akong kinakain o iniinom. Bigla nang nag sigawan at nagwala mga klase namin. Tang'ena! Ano daw?!

Ang Prinsesa Ng Section SevenWhere stories live. Discover now