Chapter 25

882 39 0
                                    

AUSTIN'S POV

Nagising ako na puro dilim lang ang nakikita. I think nakatakip ang mata ko. Tapos ramdam ko ding nakatali ang kamay at paa ko dahil sa sakit ng pagkakatali nito, lalo na sa pulsuhan ko. Nangangalay na din paa ko, siguro kanina pa ako sa ganitong sitwasyon. Wait nga lang..

'Asan ba kasi ako?'

Ang naaalala ko ay nagpaalam ako kay Ashi na magccr lang ako saglit tapos tsk! Nappressure lang ako kakaalala tapos idagdag mo pa yung pananakit ng pulsuhan ko. Bat ba kasi ako nakatali?!

'Kapag ako nakawala dito humanda ang nagtali sakin ng ganitong kahigpit.'

Teka nga, bakit ba nila tinali?At teka nga ulit, bakit ba ang tanga ko ngayon?!

Now ko lang naalala nung papalabas na pala ako ng banyo biglang may nagtakip ng panyo sakin, may pampatulog akong naamoy tapos ayun bagsak. At dahil naalala ko na ang nangyari kanina ramdam ko na din pati pananakit ng batok ko.

'Kidnapping na ba this?'

Pansin ko lang, bakit ba ako nagiisip ng parang si Ashi? Nahahawa na ako sa babaeng yun. May virus ata yun eh.

Naalerto ako bigla nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto kung nasaan ako ngayon.

"Gising na pala ang hari ng reyna HAHAHAHA." Narinig kong sabi niya. Sinasabi nito? Krazy.

"Can you remove my blindfold?Hindi ko makita ang pangit mong pagmumukha."Naiirita kong sabi sakaniya.

"Paano kung ayaw ko?" Halatang nangaasar niyang sabi.

Sa totoo lang hindi naman na niya kailangang mang asar, presensya palang niya nakakaasar na. Paano pa kaya kapag nakita kona pagmumukha niya?Baka gustuhin ko na lang na matulog hanggang sa makarating sila Ashi dito.

'Sila Ashi nga pala.'

"Sila Ashirianna?" Tanong ko sakaniya.

"Ah sila ba?Papunta na mga yun at hinahanda na din namin ang mga libingan nila HAHAHAAH."

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Baliw nga talaga siya, pati na din ang mga kasamahan niya at ang boss nila.

"Ano tinatawa tawa mo jan?!" Sigaw niya. Kahit na hindi ko kita mukha niya, sigurado akong mukha na siyang toro na umuusok ang ilong sa harapan ko.

"Ayos lang naman na mangarap ng gising HAHAHAHA."

"Siraulo ka ah!"

Naramdaman ko ang biglang pagsuntok niya sa sikmura ko.

'Aray, tangina.'

Narinig ko nanamang bumukas yung pintuan. Sino nanaman yung pumasok? don't tell me gusto niya ding makisapak? unfair ah, kalagan kaya nila ako dito para magsapakan nalang kami nang sa ganun fair pa ang situation.

"Hoy, walang sinabi si boss na saktan mo yan. Ang sabi lang bantayan mo para hindi makatakas habang hinihintay natin ang mga kaibigan niyan." Sabi nung isang lalaki na kakapasok lang.

Ang tinutukoy ba niya ay sila Ashi? Ahy malamang sila yun, wala naman na akong ibang kaibigan maliban sa kanila.

Krezy me.

Napangisi nman ako. Iiwan nila ang festival kahit na alam nila na kailangan pa nilang magperform. Panira naman kasi ang gagong 'to. Hindi ata nila alam ang salitang good timing eh. Kung kailan may program sa school tsaka naman sila mangkikidnap.

Pero sabagay, ang importante sakanila ay mapatay nila kami. Pero bago yun mang yari, sigurado akong uunahin namin sila.

Okay, cut na. Masyado na akong masama. Kasalanan 'to ng mga pangit na kaharap ko.

Ang Prinsesa Ng Section SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon