Chapter 24

1.1K 46 7
                                    

ASHI'S POV

Nagsisimula na ang program kaya yung mga kasali sa contests ay nagsimula na ding maghanda. Kung meron din sana akong nagustuhan sa mga contests, edi sana kasali din ako. Kaso wala eh.

'Bawi na lang next life HAHAHAHA jok.'

Napatingin ako sa stage kung nasaan ang mga padilla. Nandoon din si Angel. Ang pinagtataka namin kanina pa ay bakit wala ang daddy ni Angel?At ngayon lang din namin nalaman na isa pala sa mga shareholders ang mga Padilla. Hindi na ako magtataka kung bakit malakas ang loob ng daddy ni Angel na ipapatay kami. Malakas naman pala kapit niya sa school na ito.

"Sa tingin mo, may binabalak kaya sila kaya sila andito?" Tanong sakin ni Ica.

"Ewan ko, hindi ko naman masasabi eh. Hindi porket mga Padilla sila, may masama na din silang binabalak sa atin tulad ng daddy ni Angel."

"Sabagay."

"Try mo kayang paganahin ang hearing ability mo, Shien?" Suggestion ni V.

Okay lang kaya yun?Baka kasi yung pinaguusapan nila ay private tapos makikinig ako. Ang bastos ko naman kung ganun.

'Magmumukha pa akong chismosa.'

Naagaw ulit ang attention namin nang tumayo ang lalaking Padilla kasama ang anak niyang lalaki. May mga isinama din silang mga guards.

"Saan sila pupunta?" Tanong ni V. Nagkibit balikat lang kami ni Ica dahil yun din ang tanong na meron kami.

Nagkatinginan kaming tatlo at tumango sa isa't isa. Tumayo na kami sa kinauupuan namin. Susundan ni V ang dalawang lalaking Padilla, pupunta naman si Ica sa section nila para bantayan si Warren, at ako naman ay pupunta kung nasaan ang section seven para magbantay din. Sa likod ng stage.

Pagkadating ko sa likod ng stage ay naabutan ko silang naghahanda at naguusap-usap. Syempre naghaharutan na din. Kailan ba sila naging hindi makulit?Kahit saan ata ganiyan sila eh, nasasanay na din ako sa ugali nilang yan.

"Hey." Bati sakin ni Austin. Ngitian ko naman siya at tinanguan.

"Ready na kayo?" Tanong ko sakaniya para may mapagusapan lang kami, charot HAHAHAH.

"Yes, hinihintay na lang namin na tawagin kami."

"Ano ba mauuna?"

"Dance contest" Tumango naman ako. Sila pala unang magpeperform. Excited na akong mapanood silang sumayaw.

Pero ang totoo si Austin lang talaga ang gusto kong mapanood na sumayaw HAHAHA.

Sabi kasi nila magaling daw sumayaw si Austin. Noon daw, panalo siya lagi sa contests. Kaya nga nung nag quit siya sa pagsasayaw, ang daming nanghinayang. Naiintindihan ko naman siya kung bakit siya nag quit. Syempre masakit din yun, yung taong inspiration mo sa pagsasayaw ay nawala. Sigurado kung hindi nag quit si Austin sa pagsasayaw, bawat sayaw niya ay yung ex lang niya ang maaalala niya. Okay lang sana kung nag break lang sila eh.

'Kaso namatay yung babae.'

Napatingin ako kay Austin nang tapikin niya ang balikat ko.

"CR lang ako." Sabi niya. Inirapan ko naman siya.

"Hindi mo kailangan magpaalam, mag CR ka kung gusto mo."

"Nagpapaalam lang naman ako HAHAHA baka kasi hanapin mo'ko." Natatawa niyang sabi.

"Wow, kapal ng face ah, lumayas ka na nga." Pagtataboy ko sakaniya at naglakad naman siya ng paalis habang tumatawa. Abnormal.

Umupo na lang ako sa tabi ni Ethan, baka mawala ang taong ito eh. Kapag ito nawala, tapos ang kinabukasan ko. Binayaran kasi kami ng mga magulang nila para protektahan sila, kaya kapag namatay sila, baka pati kami mamatay din.

Ang Prinsesa Ng Section SevenWhere stories live. Discover now