Chapter 20

1.3K 48 8
                                    

MONICA'S POV

Hindi madali na makita ang mga mata ng mga taong mahalaga sayo. Ang mga mata nila na may galit, lungkot, panghihinayang, dismayado, at pagtataka. Gusto kong magpaliwanag sakanila. Gusto kong sabihin sakanila na hindi ko sila niloko. Na sumusunod lang ako sa planong meron ako- kami. Pero alam kong hindi ko iyon pwede gawin.

Lumipat ako sa Section One para mabantayan at maprotektahan ng maigi si Warren at hindi nagtagal I fell in love with him. Sinabi ko sa Section Seven na pumasok lang ako sa section nila para lokohin sila at saktan ang kanilang leader na si Gael Cruz. Pero hindi iyon totoo. Minahal ko si Gael at kahit na ilang beses akong napahamak bilang nag iisang babae sa section nila, ay kahit kailan hindi ko naisip na lokohin silang lahat at saktan si Gael. Nagawa at nasabi ko lang ang mga iyon para hayaan nila akong lumipat sa Section One.

Hindi din naman nagtagal ay dumating na si Shien sa WH at tamang tama din na sa Section Seven siya napunta. Alam kong tatanggapin nila agad si Shien sa section nila dahil kilala naman siya ni Ethan. May tiwala si Gael kay Ethan kaya hinayaan na niyang manatili si Shien sa Section Seven.

At muli, hindi naging madali saaming tatlo nila Ivy at Shien ang ginawa naming pag acting bilang magkakaaway. Kailangan pa naming gumawa ng eksena para lang makapag usap usap kami kahit na nagsisigawan kami. Kailangan pang umakto ni Ivy na nabigyan siya ng warning ni Shien para lang makalapit siya sakaniya. Kailangan pang gumawa ng paraan ni Ivy para may dahilan siya na pumunta sa classroom ng Section Seven. At ang naisip lang niya ay dapat daw mag away sila ni Climaco at puntahan si Climaco sa room nila para magpaliwanag at tulad ng inaasahan ay hindi hinayaan ni Climaco na magpaliwanag si Ivy.

Lahat ay planado. Maayos naming nasimulan ang plano namin pero nangyari ang hindi namin inaasahan. Napalapit kami sa anak ng kaaway. Pero tulad ng sabi ni Shien, she's innocent. Kung para kay Shien ay walang kinalaman si Angel sa ginagawa ng daddy niya ay iyon na lang din ang iisipin ko- namin. We trust Shien. Hindi siya gumagawa ng hakbang o plano na hindi niya pinag iisipan ng mabuti.

We have code names and we only use those when we fight as legendary queens.

I as Motary- In Greek word, Monica means "Solitary". Monica + Solitary= MoTary.

Ivy as Vyne- In English and Latin word, the meaning of Ivy is "Vine". Ivy + Vine= Vyne (pronunciation as 'Vin').

Shien as Queen- Ashiriana don't have a meaning because it's unique name. Kaya kumuha na lang kami sa name niya at bigyan iyon ng meaning. Riana, in English word is "Great Queen" but we chose to call her Queen.

ASHI'S POV

"Angel!" Tawag ko kay Angel mula sa malayo. Papasok pa lang kami at nakita ko siyang naglalakad din. Hindi nalalayo ang distansya niya mula saamin.

Lumingon siya sa gawi namin kaya kumaway ako sakaniya at sumenyas na hintayin niya kami na ginawa naman niya.

"Saan ka pupunta? Sa room niyo o sa SSC office?" Tanong ko agad sakaniya ng makalapit na kami sakaniya.

"A-ah sa r-room." Nauutal niyang sagot. Uh, uncomfortable parin siya?

Inakbayan ko siya pero hindi naman ako nagpapabigat sakaniya. Nagsimula na ulit kaming maglakad at puro bulungan ang maririnig sa paligid na tungkol saamin. Pero dahil sanay na kami na maging topic ng chismisan nila ay hinayaan na lang namin.

"Section Seven!" Humarap kami sa tumawag saamin. Boses iyon ni Ica. Huminto ulit kami sa paglalakad at naghintay.

"Good morning, everyone!" Bati nila agad saamin. Kasama niya si V and Warren. Bumati din kami pabalik sakanila saka nagsimula ulit maglakad.

Ang Prinsesa Ng Section SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon