Chapter 15

1.3K 63 11
                                    

ASHI'S POV

Isang linggo na ang nakakalipas. Nagplano kami pero tangina! Failed ang plano namin! Kinausap at pinilit namin ang pamilya ni Austin at ang Sanchez elders na huwag nang ituloy ang pagpapakasal saamin. Halos lumuhod at lumuha na kami ng dugo para lang iatras nila ang plano nila. Pero wala talaga. Final na daw. Damn!

Balak na sana naming bumalik na sa school dahil wala na din naman kaming magagawa Kung ayaw nila. Pero alam niyo ang sabi nila?

'Dahil nag excuse na din naman kayo sa school niyo nang 3 buwan para pilitin kami pero final na talaga decision namin, mga bata. Austin and Ashiriana, titira kayo sa iisang bahay. Kung iniisip niyong planado na ito? Yes! Planadong planado na ang lahat ng ito! Hindi kayo babalik sa school niyo hanggat hindi natatapos ang 3 buwan.'

Ang galing diba? Ang sarap nila ilibing ng buhay! Sa sobrang inis ko nung oras na iyon ay nag paalam akong lalabas muna ako para magpahangin at sumunod naman saakin si Austin.

Maayos namang kasama si Austin. Walang kaso saakin iyon kahit sa iisang bahay kami ayos lang dahil alam kong walang gagawing masama si Austin saakin. Malaki ang tiwala ko sakaniya, right? Of course! Pero kahit nasa iisang bahay kami ay magkahiwalay kami ng kuwarto.

Alam na din pala ng mga elders na magkakilala, magkaibigan, at magkaklase kaming dalawa kaya todo push sila sa arrange marriage na yan!

Hindi man lang nila kami tinanong kung may mga bf or gf ba kami, kung may gusto ba kaming iba. Pero ako? Wala. Parehong wala. Dahil first priority ko ang pagiging legendary queen ko. Ang mission ko na bantayan at protektahan si Ethan. Pero paano ko iyon gagawin kung wala ako sa tabi niya? Kaasar!

'Bahala na sila Ica at V doon.'

And speaking of the bitches, alam ko nang nasabi na nila sakanila. Nagrereport din sila saakin. Kinakamusta ko din naman si Ethan dahil alam na din naman niyang responsiblidad ko siya. And the good news is.... SUPER DUPER MEGA CLOSE NA NILA NI ANGEL!! O.M.G!!!

MY SHIP IS NEVER LULUBOG! I SWEAR!

"Hoy!"

"Ahy Ethan and Angel!" Agad kong sinamaan ng tingin si Austin na tumatawa lang.

You know what? Austin is pretty handsome man. Lalo na kapag tumatawa at ngumingiti dahil nawawalan siya ng mata.

'Para siyang masiyahing tulog.'

Sa kakatawa niya ay bigla siyang nabulunan sa sarili niyang laway Kaya ako naman ang halos maglumpasay sa kakatawa dahil sa sarili niyang katangahan.

"Karma WAHAHAHAHA!" Asar ko sakaniya at agad naman niya akong pinitik sa noo Kaya napatigil ako sa kakatawa.

"Aray huh! Why do you always pitik my noo?!" Naaasar kong sigaw sakaniya. He always do that. Iyong pagpitik niya sa noo ko. Akala naman niya hindi masakit! Hmpk!

"Handa na kasi ang makakain, Mahal na reyna." Pagsusungit niya. Masungit din yan akala niyo ba puro lang yan bait? Pwes Mali kayo! Dahil mas moody pa yan kesa saakin!

Pumunta na kami sa dinning area. Siya ang tagaluto dito sa bahay dahil nga hindi ako marunong magluto. Ayaw din naman namin ng katulong kasi saglit lang naman kami dito.

"Alam mo, Austin--"

"Hindi pa." Inirapan ko siya dahil sa pagputol niya sa sasabihin ko. Pero dahil nga abnoy siya tinawanan lang niya ako.

'Ang hilig ding mang asar pero kapag yan inasar ko pikon yan.'

"Kapag naging asawa na kita, mas mukhang may mens ka pa kesa saakin. Jusko, Austin! Lupet mo maka mood swings ngayon pa lang!" Asar ko sakaniya. Halos hindi naman maipinta mukha niya Kaya natawa ako.

Ang Prinsesa Ng Section SevenWhere stories live. Discover now