Chapter 07

1.6K 76 8
                                    

ASHI'S POV

Andito kami ngayon sa cafeteria. Tulad ng dati sabay sabay kaming kumain at napaka ingay nila. Kung ano ano ang pinag uusapan nila Kaya hindi ko din sila maintindihan. Ewan ko nga Kung naiintindihan pa ba nila ang isat isa eh.

Bigla may pumunta sa table namin. Natatandaan ko yung isa. Yung Ivy na pumunta sa room namin dahil gusto niyang maka usap si Climaco pero nabigyan ko siya ng warning. Ewan ko kung nakapag usap na ba sila o hindi pa.

Bukod kay Ivy ay andito din pala si Warren. Sino ba sila? Section One? Pero parang hindi naman namin kaharap lahat ng Section One. Ang onti nila masyado.

"What is that again?" Si Gael na ang nag tanong sakanila. Tumingin naman ang Section One sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay.

Ano nanaman ba ginawa ko sakanila? Hindi ko nga sila kilala eh tapos Kung maka tingin sila saakin parang may ginawa akong kasalanan sakanila.

"What are you looking at?" Hindi ko na napigilan sarili ko Kaya tinanong ko na sila. Muka kasing ayaw nila mag salita. Pipe ba sila?

"Do not act as if you have done nothing wrong, bitch!" Sigaw nung babaeng hindi ko kilala pero sinabihan ako ng bitch. Kinalma ko sarili ko, baka kasi hindi ko siya matansiya puputok talaga bunganga niya!

"Why? Have I done anything wrong to you?"

"Sa amin wala, pero sa kaibigan namin meron!" Singit naman nung isa pang babae na mukha talaga singit. Ang itim eh kasing itim ng singit niya, tsk!

"Who?" Tinuro naman nila si Ivy Kaya napatingin ako sakaniya. At naalala ko, oo nga pala. May ginawa nga ako sakaniya.

"Aahh, sakaniya ba? Kasalanan ko bang hindi siya sumunod saakin? I warned her but she did not listen to me."

"Pero kahit na, Ashi. Mali parin ang ginawa mo." Kalmadong sabi ni Warren. He still hasn't changed. He always kept himself from shouting at me even though he was obviously angry.

"In what part, Warren?" Tanong ko sakaniya. Nakikinig lang ang mga kaklase namin pati na din ang ibang estudyante saamin.

"By giving her the first warning immediately." Sagot naman niya. Tulad din ni Ethan ay may alam din si Warren tungkol sa warnings ko.

Nagkibit balikat naman ako sakaniya.

"I don't think so." Sagot ko na mukhang hindi niya nagustuhan.

"Let's talk." Halatang nagtaka ang lahat dahil sa sinabi niya. Tumango naman ako sakaniya. Aalis na sana kami ng bigla kaming pigilan ng isang babae na Section One din.

"Wait, Warren! Kung gusto mo siya kausapin, dito kayo mag usap! Tungkol naman sa ginawa niya kay Ivy ang pag uusapan niyo diba?!"

"Yes, pero merong mga bagay na hindi niyo na dapat pang malaman." Makahulugang sabi ni Warren kaya bigla silang naguluhan.

"Let's go, Ashi." Aalis na sana ulit kami ng pigilan nanaman kami nung babae.

"Tangina naman, Warren. Pigilan mo na yang babaeng yan, baka yan ang sumunod kay Ivy." Bulong ko sakaniya. Maikli lang pasensya ko Kaya baka makatanggap din ang babaeng ito ng regalong binigay ko sa kaibigan nila.

"Monica, stop. Sandali lang naman kami." So she's Monica? Paano siya naging ex ni Gael? Shutamines, akala ko pa naman mataas ang standard ni Gael pagdating sa babae. Iyon pala hindi!

Babaeng drawing ang kilay at makapal ang lipstick ang tipo niya! My ghad! Ginayuma ba niya si Gael noon?!

"What?! Alam mo, Warren, sayo may tiwala ako. Pero sa babaeng yan wala! Lalandiin ka lang naman niyan eh!" Nangunot naman ang noo ko dahil sa pinag sasabi ng Monica na ito.

Ang Prinsesa Ng Section SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon