Chapter 13

1.3K 62 4
                                    

ASHI'S POV

'Sanchez elders want you to marry the son of the company's business partner as soon as possible. But I know you don't want to. So we have to take care of that with the son of the business partner of the company because like you, he also doesn't want to marry the person he doesn't love.'

I remembered what Kuya Asher said to me earlier about that fvcking arrange marriage. Masyado pa akong bata para maikasal at kahit naman na hindi na ako bata ay ayoko paring ikasal sa stranger. I don't know him, I don't like him, and worst I don't love him for fvcking sake!

Damn it Sanchez elders!

"Okay ka lang, Ashi?"

Halos masapak ko na si Austin dahil sa bigla niyang pag hawak sa balikat ko, shems! Lumilipad utak ko sa kung saan.

"Ashi!"

"Huh?" Kumunot noo niya dahil sa sagot ko. Uh, tangina aalisin ko nga muna sa isip ko ang problemang ginawa ng Sanchez elders. Baka masira pa ang buong lingo namin dito.

"I asked you if you're okay." Sabi niya at umupo sa tabi ko.

Tumango naman ako sa kaniya saka sinabing okay lang ako. Okay lang naman talaga ako, utak lang talaga ng Sanchez elders ang may sira, char!

Naka palibot kaming lahat at nasa gitna naman namin ang apoy na ginawa nila kanina. Oo sila lang ayaw kasi nila ako tumulong eh. Maayos na din ang mga tent namin. Lahat sila may kashare ako lang wala dahil babae daw ako. Kahit na alam daw nila na wala silang gagawin saakin ayaw parin nila na may kashare ako sa tent ko na lalaki.

Sweet ng mga siraulo diba?

"May problema ka?" Tanong ulit ni Austin.

Lahat ng mga kaklase namin ay may mga sariling mundo at usapan kaya walang nakakapansin saaming dalawa ni Austin.

"What if umalis ako? Anong gagawin niyo?" Tanong ko sakaniya. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na natigilan siya dahil sa tanong ko.

Narinig ko ang pagkawala niya ng malalim na buntong hininga saka ako hinarap. Kaya napatingin din ako sakaniya.

"Aalis ka? Iiwan mo ba kami?" Pakiramdam ko may bumara bigla sa lalamunan ko dahil sa tanong niya.

Oo, Austin. Aalis ako pero pansamantala lang.

"I'm just asking." Sagot ko sakaniya at nag iwas ng tingin.

"Kung ako ang tatanungin Kung aalis ka, I'm going to stop you. Ikaw ulit ang nagbigay ng saya saaming lahat, Ashi. Noon, tumatawa kami at ngumingiti pero hindi tulad ngayon na may kislap sa mga mata namin. Masaya kami noon pero mas masaya kami ngayon." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

Pipigilan niya ako?

Anak ng! Kung pipigilan niya ako paano pa kaya iyong gagawin ng iba? Kaya ayokong magpaalam sakanila dahil alam kong pipilitin nila akong huwag umalis. Pero kailangan ko ngang umalis!

"Don't leave me. Don't leave us, Ashiriana." Napatingin ako bigla kay Austin dahil sa sinabi niya.

Punyemas! Bakit parang alam niyang aalis ako? Wala naman siyang alam diba? Napaparanoid lang siguro ako. Wala siyang alam. Tama, wala!

"Huwag kang aalis dahil aalis din ako."

"What?"

"May aasikasuhin akong importanteng bagay."

Bakit parang pareho kami na may aasikasuhin? Gosh! Sana naman mali ang iniisip ko.

"Kailan balik mo?" Tanong ko sakaniya.

Ang Prinsesa Ng Section SevenWhere stories live. Discover now