Chapter 23

1K 49 1
                                    

ASHI'S POV
This is it! Ang araw ng kasiyahan namin, ang festival! Bakit?Kasi walang klase HAHAHA. Pagkapasok ko palang sa school, puro mga booths na sa paligid. Samantalang kami?Walang booths na gagawin. Ayos lang naman daw iyon sabi ni Sir, mag focus na lang daw kami sa contests na sasalihan namin.

'Pero wala naman akong sinalihan, tsk.'

Bahala na, kaya naman na ng mga boys yan. Sigurado naman akong makakapasok sa runner ups. Talented kaya sila, hindi lang halata kasi puro kamalian lang nila ang nakikita ng mga tao dito.

"Hoy!Tulala ka nanaman, Shien." Sinamaan ko ng tingin si Ica. Ikaw ba naman batukan ng pagkalakas lakas, tignan natin kung hindi ka maasar.

"Ang bigat talaga ng kamay mong babae ka!" Asar kong sabi sakaniya pero tinawanan lang ako, tsk.

Oo nga pala, andito kami sa cafeteria kumakain. Alangan namang tumatae, tss. Si Angel at V naman ay nasa counter nag oorder at iyong mga boys ay nagreready para mamaya sa laban nila.

"Bakit ka ba kasi tulala?" Tanong ni V na kakarating lang kasama si Angel at dala ang mga inorder nila.

"Oo nga Ashi, habang nag oorder kami pansin din namin na tulala ka. Ayos ka lang ba?" Sunod namang tanong ni Angel. Tulala ba talaga ako? May nararamdaman kasi ako, kaasar.

"Kinakabahan ako eh, parang may mangyayari aish basta!"

"Hindi pala talaga maganda kapag malakas pakiramdam noh?" Tumango tango naman si V at Angel sa sinabi ni Ica.

Sabagay, hindi nga medyo maganda ang pagkakaroon ng malakas na pakiramdam. Mababaliw ka kakaisip kung anong dahilan bakit ganoon ang nararamdaman mo. Tulad ngayon sakin, mababaliw na ata ako kakaisip bakit ganito nararamdaman ko.

Noong araw din na sinabi ni Angel iyong tungkol sa isa pang tao na naguupdate sa daddy niya, kinakabahan din ako nun. Pero kinabukasan naman naging maayos na pakiramdam ko. Tapos ngayon ito nanaman, kinakabahan nanaman ako. Pero bakit?Ano nanaman ba dahilan?

Kaasar.

"Uyy bes, alam mona ba iyong balita?"

"Ano iyon?"

"May darating daw na bisita, balita ko mga shareholders daw nitong school."

Napapikit ako dahil gumagana nanaman ang hearing ability ko. Kailangan ko pang pumikit para malinaw kong marinig.

"Hala talaga?"

"Oo nga, tapos narinig ko ding kasama ng isang shareholder ang anak nilang lalaki at babae. Gusto atang mag ikot dito sa school."

"Omg bes! Excited na ako!"

"Ako din noh!"

Napapikit ako ng mariin dahil sa tili nilang dalawa. Karindi sa tenga, tangina.

"Okay ka lang, Ashi?" Napadilat ako sa tanong ni Angel. Nginitian ko siya saka tumango. Okay pa naman tenga ko, hindi naman nasira dahil sa tili nung dalawa.

"May naririnig ka?" Tinanguan ko si V, si Angel naman ay halatang nalilito. Sigurado ako, ang iniisip niya ay..

"May maririnig naman talaga siya Ivy, kasi hindi naman sira pandinig niya." Oh diba HAHAHA sabi na eh, yan ang sasabihin niya kasi hindi pa niya alam.

Natawa na lang kami dahil sa sinabi ni Angel. Malalaman din naman niya sa tamang panahon. Alam naman naming mapagkakatiwalaan si Angel.

"So ano nga, Shien?May naririnig ka?" Tumango naman ako.

Ang Prinsesa Ng Section SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon