Chapter 08

1.6K 77 5
                                    

ASHI'S POV

Naglalakad na kaming lahat papasok. Friday na ngayon Kaya bukas ay weekend na. Pero hindi ko alam ano gagawin ko sa dalawang araw na iyon.

Malayo pa lang rinig ko na ang ingay ng Section One. Mukhang makakasalubong pa namin sila. Wala saaking kaso kahit makasalubong namin sila. Pero sa mga kaklase ko meron. Magkaaway ang Section One at Section Seven eh.

I wonder why?

Palapit na ng palapit ang mga boses nila hanggang sa nasa harap na nga namin sila. Ayan nanaman. Ang bigat nanaman ng atmosphere.

"Good morning, Ashi!" Nakangiting bati saakin ni Warren. Nginitian ko din naman siya saka binati din ng Good morning.

"Tara na, guys? Mahuhuli na tayo sa klase." Pag aaya ko sa Section Seven. Tangina! Makinig kayo sa magandang si Ako!

"Ano naman sayo Kung mahuli kayo sa klase? Hindi naman kayo nag aaral diba?" Bigla nanamang singit ni Monica.

Namumuro na talaga saakin ang babaeng ito eh! Masasapak ko na talaga siya, onti na lang!

Narinig Kong sinaway siya ni Warren.

"Alam mo? Hindi ko alam kung Section One ka ba talaga eh. Ang pagkaka alam ko kasi matatalino ang Section One, eh bakit ikaw? Common sense na lang hindi mo pa ata alam."

"What did you mean?!" Nagkibit balikat naman ako.

"Sabi mo hindi kami nag aaral. Ano ba ang ginagawa sa school? Diba nag aaral? Common sense, Monica, common sense. Huwag puro paganda."

Narinig ko ang mahinang pag tawa ng Section Seven pati na din ang ibang estudyante na nakikinig at nanonood na pala.

Halata namang napahiya si Monica Kaya umalis na sila. Ngumiti muna saakin si Warren na nginitian ko din naman, bago sila umalis.

***
"Ayos na kayo ni Warren?" Biglang tanong ni Ethan. Wala pang teacher Kaya ang iingay nanaman nila. Meron namang natutulog tulad ni Gael.

"Yup."

"Pinatawad mo agad?" Tanong nanaman niya. Napataas ang kilay ko. Kailan pa siya naging chismoso? At kailan pa siya nagkaroon ng pakealam sa buhay ko?

"Nag paliwanag naman siya. Sabi niya hindi naman niya talaga ako niloko. Kailangan lang niya sabihing niloko niya ako sa hindi ko alam na dahilan. Malalaman ko din naman daw, hindi lang sa ngayon." Pagpapaliwanag ko sakaniya. Tumango naman siya at hindi muli umimik.

Maya maya lang din naman ay dumating na ang teacher namin Kaya nakinig na ako.

Lumipas ang ilang oras ay P.E time na namin Kaya agad kaming nag bihis ng pang P.E. Syempre sa cr ako nag palit, samantalang sila naman ay nasa room.

Pagkatapos ko magpalit ay nanatili lang ako sa labas dahil hindi pa tapos yung iba sakanila. Baka kasi kapag pumasok ako may makita akong hindi dapat makita. Shutamines!

"Ano hindi paba kayo tapos?! Ang tagal ah!" Sigaw ko sakanila dahil nangangawit na ako.

"Sabi naman sayo mauna kana sa labas!" Sigurado ako si Ethan iyon. Alam na alam ko boses niyan syempre. Ikaw ba naman ang laging makipag sigawan diyan, tingnan natin Kung hindi kapa maging pamilyar sa boses niyan.

"Eh sa ayoko nga! Bilisan niyo na lang kasi diyan! Ang babagal!" Sigaw ko ulit pabalik. Hindi na siya umimik Kaya naghintay na lang ulit ako.

Maya maya lang din ay lumabas na silang lahat. Kaya pumunta na kami sa court. Hindi ko alam Kung ano gagawin namin but I think maglalaro kami.

Na kasama ang Section One... WTH?!

Napatigil kaming lahat at napa titig sa isat isa. Andito ang lahat ng Section One at ang dami nila!

Ang Prinsesa Ng Section SevenWhere stories live. Discover now