Chapter 05

1.7K 77 12
                                    

SOMEONE'S POV

"[Ano na ang balita sa section seven?]" Tanong niya mula sa kabilang linya.

Napatingin ako sakanila. Sa section seven, kasama ang bagong kaklase nilang babae. Alam ng section seven ang kahihinatnan ng babae kapag nanatili iyon sa kanila. Pero mukhang hindi din namin dapat siya maliitin.

"Masaya sila dahil sa bagong dating na babae sa section nila." Sagot ko sakaniya.

"[Kung ganoon, hindi parin pala talaga sila nadadala.]" Bigla itong tumawa ng mala demonyo. Tsk!

"Ano balak mo?" Tanong ko sakaniya kahit na may hinala na ako.

"[Parang hindi mo naman alam. Syempre, ang gamitin ang babae!]" Tumawa ito muli. Sabi na nga ba! Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi basta basta ang bagong babae na nasa section seven. Pero hindi pa ako nakaka sagot ay pinatayan na niya ako ng tawag.

Tsk! Bahala sila diyan masurpresa sa kayang gawin ng babaeng iyon!

Napatingin ako muli sa section seven habang masaya silang nag uusap usap. Sabay sabay silang pumasok tulad ng dati pero ngayon ay may kasama na silang babae.

Na muli nanamang mapapahamak. Pero alam kong hindi namin siya ganoon kadaling masasaktan.

Napatingin ako sa babae. At ewan ko kung namamalikmata lang ba ako o hindi? Nakita ko siyang tumingin sa pwesto ko habang nakangisi na parang alam na may binabalak ako- kami sakaniya. Agad akong napalunok saka umalis na lang doon.

That girl! She's not a normal girl like what we think, damn it! She's hiding something!

ASHI'S POV

We're here at our classroom. As usual maingay nanaman sila at ang gugulo.

"Wala daw'ng mga teachers, may meeting sila." Narinig ko mula sa estudyanteng babae habang kausap niya ang kaibigan niya ata. Sa section one ata sila eh.

At kung paano ko iyon narinig? Simple lang, because I'm not normal! Matalas ang pandinig ko. Sobra. Kaya ko marinig ang usapan nila kung gugustuhin ko. Pero syempre may limitation ang distance na kaya ng pandinig ko. Mula ata Dormitory Building hanggang sa Gymnasium ang distance na kaya ko.

"Tinamad nanaman ata pumasok teacher natin sa klase natin." Josh said. Kilala kona sila kasi nagpakilala sila.

"May meeting lahat ng teachers." I said. Napatingin naman sila kaya kinunutan ko sila ng noo at tiningnan sila ng What-Look.

"Paano mo naman nalaman?" One of my classmates asked. He's Hades. Nag kibit balikat lang ako. Baka kasi kapag sinabi ko kung ano ang kayang abutin ng pandinig ko ay hindi sila maniwala.

Hindi na sila nag tanong pa pero halata sa mga mukha nila na gusto pa nila ako tanungin.

Curious sila.

Biglang may kumatok sa pinto namin. Nung tingnan namin iyon ay nakita namin ang isang babae na ngayon ko lang nakita. Pero mukhang kilala ng mga kaklase ko. Tiningnan ko mula ulo hanggang paa yung babae.

Maganda siya, pwede na din!

Pasado siya sa taste ko bilang maging girlfriend ng kung sino man sa mga kaklase ko. Mukha din naman siyang mabait eh.

"Ahm... Si--"

"What are you doing here?" Napatingin ako kay Climaco ng bigla siyang mag salita. Sunod ko namang tiningnan ay yung babae. Para siyang.... Kinakabahan? Pero bakit?

Ang Prinsesa Ng Section SevenWhere stories live. Discover now