21: Volunteer

345 57 7
                                    

CHAPTER 21

Volunteer


JENNY's POV



Nagsimula na ang klase. Himala, wala ang lahat ng miyembro ng Seventeens ngayon. Si Mr. Vegas ang teacher namin sa subject na 'to.

Wala pa si Mr. Vegas kaya medyo maingay ngayon.

"Jenny!" tinawag ako ni Nathalie kaya nilingon ko siya.

Lahat ng ABM students ay nasa subject na 'to. Kaya, magkaklase kami ni Nathalie.

"Bakit, Nathalie?" tanong ko sa kanya habang papalapit ito sakin.

"Well, wala lang. Gusto ko lang naman kasi sabihin na, I really hate you." giit nito bago pumunta sa kinauupuan niya.

"Hayst grabe, iba talaga ang ugali ng kapatid mong 'yun." mariing singhal ni Pauline na nasa tabi ko.

Napabuntunghininga na lang ako. "Hayaan na natin. Ang mahalaga, wala siyang inaagrabyadong iba--"

"Pero, ikaw? Jenny, hindi mo ba siya papatulan?" tanong niya ulit sakin.

Napailing ako. "Mahal ko si Nathalie. Mahal na mahal ko ang kapatid ko kaya, hindi ko kaya na masaktan siya" mahinahong sabi ko.

"You know what? Kung ako ikaw, pinatulan ko na siya." sabi niya pa.

"Pauline, hayaan mo na si Jenny. Kapatid niya naman si Nathalie eh. Atsaka, mabuting tao yang si Jenny" sabi naman ni Missy sa kanya.

"Kahit na. Sobra na kasi yang kapatid niya eh. Nung nakaraan, ipinahiya niya si Jenny sa harap ng teacher, kahapon naman, iniinsulto niya si Jenny---"

"Pauline, ayos lang ako. Sanay naman na ako eh. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit siya ganun sakin? Eh, nung kasama namin si Dad, ang bait niya pa sa'kin" malungkot kong sabi. "Pero, ayos lang. Kasi, kapatid ko naman siya" mahinahong pagpatuloy ko.

"Wala na kaming magagawa. Basta kapag inaway ka nun, kami ang makakalaban niya." paninigurado ni Pauline.

Nathalie is a good person. And she's a good sister to me but then, she changed-a lot.

"Jenny, catch!" biglang may sumigaw sa pangalan ko kaya nilingon ko kung sino yun.

"Aww! HAHAHAHAH!"

Tawa nilang lahat dahil paglingon ko, isang bolang papel ang ibinato nila sa akin kaya natamaan ako sa may likod.

"Ano ba naman kayo!?" sigaw ni Pauline sa kanila.

"Jenny, are you okay?" tumango ako sa tanong ni Missy sa'kin.

"Wala talaga kayong modo!" sigaw pa ni Pauline sa kanila.

"Pauline, ayos lang" mahinahong sabi ko sa kanya.

"HAHAHA!" tawang sabi pa ng iba kong kaklase.

Nilayuan ko na nga yung Seventeens, hindi parin nila ako tinitigilan.

Tumayo ako at tiningnan silang lahat. "Sana, masaya kayo sa ginawa niyo sa'kin. At nagpapasalamat ako dahil, ako yung naging kasiyahan ninyo. Hindi ako magagalit. Pero sana, bago niyo ginawa 'yon isipin niyo rin ang nararamdaman ng iba. Sa tingin niyo ba, ang pagiging bully niyo dito sa paaralan ay makakatulong sa inyo para umangat kayo? Kung mayaman kayo, bakit hindi niyo kayang bumili ng bagay na makapagpapasaya sa inyo? Bakit kailangan niyo pang saktan ang isang tao para lang sumaya kayo?"

HATE ME NOT (BOLS #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu