09: New Look

425 67 7
                                    

CHAPTER 9

New Look

JENNY's POV

NANDITO NA kami sa Boracay. Ansaya nga ng biyahe eh. Pagdating ko dito, sinalubong ako nina Pauline at Missy.

Sa bahay naman, malungkot ako. Dahil, umalis na si Dad. Nag-paalam ako sa kanya pero hindi ako nakasama sa airport. Sana nga, babalik agad siya. Dahil hindi talaga ako sanay na wala si Dad.

"Omg! girls look. Si Liam Williams nag-comment sa post ko!" nabigla ako sa sigaw ni Pauline na halatang kinikilig.

"Ano naman comment niya?" tanong ni Missy.

"Duh! sinabi niya lang naman kung sino raw ang kasama nating naka sunglasses. And obvious naman na si Jenny yun-"

"Sabi ko naman sa inyo eh! wag niyong i-post! nakakahiya tuloy" sabi ko.

"Girl, bakit dika gumawa ng FB account? para naman updated karin minsan noh" giit ni Pauline.

"Ayaw ko." sabi ko.

Hindi ko gusto na maging sikat ang pangalan ko in public. Ayaw kong makaramdam na naman ng lungkot dahil sa sasabihin ng ibang tao.

"Well, bahala ka. At ito namang si Liam, di porket nagbago na ang pananamit mo, hindi ka na makilala. Ano pa kaya si Prince diba? Yeiiiiiii!" tiling sabi ni Pauline.

"What do you mean?" takang tanong ko.

"Edi baka hindi ka na rin makilala ni Prince-"

"Wala talaga silang mabuting isip. Puro maganda lang ang nano-notice nila. Kung pangit naman, binabalewala lang" buntong-hiningang sabi ni Missy.

"Oo nga eh. Di porket nanggaling sa magagandang pamilya at mayayaman ganyan na sila" singhal ko.

"Girls, wag na nga yan! Sigurado ako na wala sila dito sa Boracay kaya wag na kayong mag-alala. Bonding natin ito kaya happy-happy lang dapat! Always think positive!" ngiting giit ni Pauline.

I smiled a bit. "Yeah, you're right."

"Girls, punta na tayo sa resort para makapagpahinga." singhal naman ni Missy.

"At, ako naman ang bahala sa inyo dito! Nagtatrabaho kasi si Dad dito and assistant siya ng may-ari nung resort." ngiting sabi naman ni Pauline. "Excited na ako! Basta girls, ako na bahala sa inyo dito!" pagpatuloy niya pa.

"Salamat Pauline ah." ngiting sabi ko.

"Sabay na tayong umuwi lahat ah!" singhal naman ni Missy.

Sabay-sabay kaming tumalon-talon. "Exciting!" sigaw namin dahil sa tuwa.

"So, let's go na?"

"Guys, pwede bang mauna na muna kayo? Tatawagan ko lang si Dad. Promise, susunod din ako doon" ngiting paumanhin ko.

They nodded. "Well, bilisan mo ah. Wala masyadong signal dito. Baka dun sa walang masyadong tao baka meron like kanina." tugon naman ni Pauline.

Tumango ako at nagsimulang maglakad.

"Sige" paalam ko sa kanila.

Habang naghahanap ng signal. Nasa isip ko yung sinabi ni Pauline.

'Kung ganito na ang pananamit ko, posible kaya na hindi na ako makikilala ng Prince na yun?'

Napailing ako. Wala akong pakialam. Bahala siya sa buhay niya. At ano naman ang pakialam niya kung ganto na ako manamit?

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now