35: Thank You Prince

342 58 5
                                    

CHAPTER 35

Thank you Prince

PRINCE POV

"PRINCE, paano na 'yan? Sarah is here. Gagawin naman niya ang lahat para mapunta ka sa kanya" tanong ni Marky sa'kin habang kumakain kami.

I laughed. "Hindi ako papayag na gawin niya sakin yung ginawa niya noon. Ginamit niya pa talaga yung matanda." giit ko.

"Sarah, is really crazy. Di niya alam ang ginagawa niya. Papayag pa nga siyang mapahiya" sabi ni Jack sabay ito napailing.

"Baka, mapahamak yung mga taong lumalapit sa'yo ah. Lalo na yung si Trisha at Jenny."

"What? Bakit naman nasali ang Nerd na 'yun?--"

"Tol, kaibigan ni Lisa si Jenny. At si Lisa, kapatid mo. Kaya kahit hindi mo gugustuhin, magkikita at magkikita kayo ni Jenny" paliwanag pa ni Jhon.

"Pft! Hindi parte ng buhay ko ang Jenny na 'yun. Kaya wala akong pakialam." diretsong sabi ko.

"By the way, napansin ko lang. Bakit hindi na nerd ang tawag mo sa kanya?" tanong ni Marky.

Pati pa ba yun, kailangan ko pang sagutin. Tsk.

"Well, wala lang. Sawa na kasi akong sabihin yun."

Ano naman kung Jenny ang tawag ko sa kanya?! Tsk. Mas lalo pa ngang naiinis yun kapag tinatawag ko pangalan niya hahaha. Kaya, nakaisip na naman ako ng bagong plano. Imbes na gawan siya ng kalokohan, iinisin ko na lang siya gamit ang mga salita ko.

"Marky, oo nga pala noh? Diba sa susunod na Buwan na birthday mo?" tanong ni Lance sa kanya.

"Oo. Kasabay ng pag-launced ng new project ng Imperial at Cortes. Diba bro?" tumango ako sa tanong niya.

"Mag two-twenty ka na pala. Grabe, ang tanda mo na." marahang sabi ni Liam bago ito napatawa.

"Pero, looking young naman" sabi ko sabay ngisi.

"Kayo talaga. Balak ko ngang imbitahan si Jenny eh. Bilang date ko" napatigil ako sa sinabi niya.

"Wow! Ikaw ah, baka hindi lang kaibigan ang turing mo sa kanya" pagbibiro pang sabi ni Jhon.

"Siyempre, bilang kaibigan lang. Kayo talaga ayaw ko namang pumatol sa 17 hahaha!" tawang sabi niya.

Ano bang nakikita nila sa Nerd na yun? Kanina nga habang P.E namin, laging dumidikit yung Efrain na lokong yun kay Nerd.

Ibang klase talaga ang gayuma ng Nerd na yun. Pasalamat siya, tinawag ko pa siyang Jenny. Kainis.

"Tol, labas na tayo. Puntahan natin si Kayzer. May clubings pa mamaya."

"Tara"

Aalis na sana kami ng biglang may dumating. Si Sarah at yung mga kaibigan niya.

"Prince, alam na ng lahat na boyfriend kita. Kaya wala ka nang kawala sa akin." nakangiting sabi niya sakin.

"Sarah, wala na akong pakialam sa gagawin mo. Gawin mo yung gusto mo. Wala akong paki!" aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Prince, hindi mo na ba ako mahal? Mahalin mo naman ako oh---"

"The heck Sarah, I don't even love you. And I don't want to love you 'cause I don't like you. Can you please, stay away from me? Ikaw lang ang may gusto sa ginawa mo." giit ko.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now